Epilogue

406 12 2
                                    

Clementine.

Dahan-dahan akong naglakad. Pinalilibutan ang paligid ng mga bulaklak. Napakagandang mga bulaklak. Parang binubuo ang mga ito ng pixie dust.

Kumikinang at sa bawat pagdampi ng hangin sa mga ito ay tinatangay ang tila pinong ginto sa paligid.

Inilibot ko ang tingin. Wala akong ibang makita kundi isang field ng mga bulaklak. Napangiti ako ng makita ang ilang maliliit na nilalang sa paligid, nagsasayaw sa ere. Paikot-ikot habang ang mga pakpak ng mga ito ay tila ba gawa sa pakpak ng paru-paro. Makukulay, isang obra.

Tuloy tuloy ako sa paglalakad. Kung bibigyan ako ng pagkakataon, dito na lang ako.

Napahinto ako sa paghakbang ng may mahagip ang mga mata ko. Isang napakagandang babae. Nakasuot ng kulay berdeng kasuotan, kumikinang ang suot niya.

At sa bawat pagtangay ng hangin sa kanyang buhok ay ang pagsama ng kulay green na parang glitters.

May kung anong face art sa mukha niya. Napakaganda.. lalo na ng kanyang mga mata.

Napangiti ako ng makita ang ngiti nito sa akin. Wala siyang sinabing kung ano at nanatili lang kaming nakatayo, nakatingin sa isa't isa at may sapat na distansya.

Napansin ko ang pagbabago ng kapaligiran at doon ko nakita ang iba pang mundo. Panay kulay green ang nakikita ko, malalagong mga puno, at mga bahay sa loob ng puno.

Halos lahat ng hindi ko maipaliwanag na nilalang ay nakangiti sa akin. Parang sobrang saya nila, mula sa mga bata hanggang sa matandang kulay berdeng nilalang.

Nahigit ko ang paghinga. Hindi ko alam pero nasisiyahan ako sa nakikita ko. Para bang isang panahon pagkalipas ng matinding bagyo.

Muling nawala at nagbago ang paligid. Inilibot ko ang tingin, yung magandang babae ay nakatayo parin. Parang paligid lang namin ang nagbabago at kami ay nanatiling nakatayo, hindi umaalis sa kinatatayuan namin.

Parang nasa isa kaming kweba. May mga nakaukit na letra at simbulo sa paligid. May mga sulo din. Muli itong nagbago at halos mapanganga ako sa nakita.

Isang balon o fountain, kung saan likidong ginto ang ibinubuhos no'n imbis na tubig. May nagsasayaw na mga ginto at berdeng maliliit na nilalang sa paligid no'n.

Hindi ko magawang i-alis ang tingin ko sa fountain.

Sa pinakaitaas ng fountain ay isang maliit na puno. Parang socculent plant kaliit pero isang puno.

At sa isang iglap, muli itong nagbago at napunta kami sa itaas ng maliit na burol. Sa ibaba  namin ay ang maliliit na puno at may nakasabit na mga pangalan, dates at litrato. Libingan?

Namumunga na ang maliliit na puno. Parang hanggang bewang ko lang ang mga ito.

Nagangat ako ng tingin at muling sinalubong ang tingin ng babaeng iyon. Bahagya kong ipinikit ang mga mata at muling idinilat iyon.

"Winchester."

×

Hinabol ko ang hininga at iminulat ang mga mata. Ang bigat.. hindi ko alam pero para bang hindi ko maramdaman ang katawan ko.

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now