Hiarlco 16

167 15 2
                                    

Read me

Hi! Write published po ang ginagawa ko ngayon kasi sad to say, nawala lahat ng draft ko at kahit anong gawin ko, hindi ko na naibalik kaya medyo natagalan. As in lahat ng draft ko for this story. Hindi ko alam kung may nangsabotahe ba, or napagtripan or talagang hindi ko lang fate na tapusin tong story na to. So yeah! I'm back to zero.

Blessings in diguise na din siguro kasi parang ayaw ng HIARLCO ang magiging ending kaya ayon, nabura. -- wait. Teka? Ano ba tong sinasabi ko. HAHAHHAA

Don't mind me. Enjoy reading!

--

Hearley Farro.

Mas nanaig ang katahimikan ng paligid. Malayo sa mga Hiarlcons na nagsasaya. Kasalukuyan kaming nakaupo sa kanya kanyang pwesto. Nandito ang lahat, si Eco, Winchester, Kodiak, Aldione, Patrick at Flannery na hindi parin makapaniwala sa nangyari-- no. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.

Hindi ako umimik o nagsalita manlang. Hindi rin ako nagbigay ng opinion sa kung anong nangyari. Ang pagkagulat na nakalarawan sa mukha ng bawat isa.

"M-magagaya ba kami sa kanya?" Ang nanginginig na boses ni Flannery ang bumasag ng katahimikan. Nanginginig din ang mga kamay nito at tila ba nawalan ng kulay ang mukha sa labis na takot.

Dumako ang tingin ko sa higaan kung nasaan si Clementine. Ganoon parin ang itsura nito. Payapa kahit na kulay violet ang balat niya.

"Tandaan niyo, Kwatros. Mananatili kayong buhay kung mas pipiliin ninyong mabuhay." Matigas na banggit ni Winchester sa amin na dahilan kung bakit kami mapayuko.

"Hindi pa lubos na naisasalin ang dugo ninyo sa Hiarlcons kaya may posibilidad pa na mabuhay siya. Tandaan ninyo, mas mataas ang uri ninyong mga tao sa mga nilalang na katulad namin-- ang Hiarlcons basta't magagamit ito ng tama." Sambit ni Kodiak.

Nabuhayan kami ng loob. Nabuhayan ako ng loob ng marinig ang mga katagang iyon. May pag asa pang mabuhay si Clementine. Mabubuhay pa siya. M.. mabubuhay pa siya, diba?

"Iyon ay kung papayag si Awit na pagalingin o maihatid manlang kay Sylvie ang nangyari sa kanyang disipulo. Tila mismong Kamatayan ang lumalapit sa inyong magkakaibigan."

Napayuko kaming lahat. Tila sobrang bagal ng takbo ng orasan na halos hindi ko alam kung gumagalaw pa ba o nanatili lang sa pwesto ng nauna.  Kamatayan.

Tanging malalim na buntong hininga lamang ang naririnig sa paligid. Ang mga huni ng ibon sa bawat puno. Ang kalungkutang dala ng hangin na yumayakap sa aming katawan.

"Anuman ang mangyari, mananatili kayo. Lalaban kayo. At maipapanalo niyo ang laro." Sambit ni Winchester na pilit pinapagaan ang loob.

Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon, laban parin ang iniisip nila. Puro nalang laban, patayan, training pero hindi ko na nagawa pang umangal. Desisyon nila iyon. Sabit lang naman kami dito.

"Tangina, nakakagago lang. Nalagay na sa peligro ang buhay ni Clementine at laban parin ang iniisip niyo?!" Galit na sigaw ni Patrick. Kahit ako ay nagulat sa salitang sinabi nito.

Iyon din ang iniisip ko, pero siya lang ang may lakas ng loob para iparinig iyon sa lahat.

"Tumahimik ka Mortal!" Malakas na sigaw at ma-awtoridad na banggit ni Eco. Pansin ko ang mahigpit na pagkakahawak nito sa baston niya.
Tumataas na din ang tensyon.

"Magiingat ka sa mga salitang lumalabas sa iyong bibig lapastangan! Hindi kasalanan ng pinuno, o ng Hiarlco na mapunta siya sa ganyang kalagayan." Natahimik ako sa mahina ngunit may diin na banggit ni Eco.

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now