Hiarlco 10

223 17 0
                                    

Clementine Agor.

"Sunog! Sunog!"  Mula sa mataas na burol, nakita ko ang kapatagan na binabalot ng napakalaking apoy. Ang mga berdeng nilalang na sugatan. Patay. At tustado.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong tumulong pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko alam pero kinakain na ako ng konsensya.

"T-tulungan mo kami!"  Ang mga mata nilang nagmamakaawa at lumuluhang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasan na magunahan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

"Nakikiusap ako! Tulungan mo kahit ang anak ko."  Mahigpit na ikinuyom ko ang kamao.

Napababa nalang ako ng tingin, sa mismong katawan ko. Sunod sunod na bumaon ang mga palaso at kutsilyo. Unti unting napuno ng asul na dugo ang umaagos dito. Namanhid ang buong katawan ko.

Bakit? Bakit ganito? Wala na akong marinig? Tila na blanko ang paligid. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagtulo ng kung anong likido sa bibig ko at ang pagkawala ng balanse sa pagkakatayo.

Nanginginig ang mga kamay ko. Katapusan ko na ba? Bakit sa ganitong paraan?

"Sinunog mo ang Hiarlco!"  Kahit malabo, nagawa ko parang tingnan si Winchester na galit na galit sa akin. May hawak itong patalim.

"Ikaw nag dahilan ng lahat ng to!" Dumako ang tingin ko sa kabilang bahagi at nandoon, nakita ko si Eco na may hawak na palaso.

"Akala ko mapagkakatiwalaan ka? Traydor ka rin pala." Si Patrick Palo Antonio ang nagsalita. May patalim din itong hawak.  Sunod sunod na umiling si Flannery Valdis, Haerley Farro, at Aldione Badua na para bang dismayado sa ginawa ko.

Bakit? Ano bang ginawa ko? Napatanaw nalang ako sa kalangitan hanggang unti unting bumigay ang talukap ng mga mata ko.

"Traydor ka!"

Napabangon ako sa higaan dahil sa sobrang lakas na ingay. Nakakabingi. Mariin akong napapikit at pinakiramdaman ang sarili. Parehong mga kamay ang itinakip sa tenga.

"Gumising na kayo!"

Pangit na boses ni Eco ang namayani sa pandinig ko. Nag angat ako ng tingin, ang mga kasamahan kong yamot na yamot na nag aayos ng sarili na para bang kulang sa tulog.

"Pagtulungan na kaya natin tong matandang to? Ha? Aldione?" Sabay tapik ni Patrick Palo Antonio kay Hearley Farro na tiningnan lang naman ng huli.

"Hindi ako si Aldione." Turo niya kay Aldione Badua na ngayon ay nakatulala sa isang tabi. Nakaayos na siya pero mukhang may hangover pa.

"Ay sorry naman. O ano? Tara?" Pagaaya pa ni Patrick Palo Antonio.

"Hahawakan ko sa paa, hawakan mo sa kamay? Tapos balutin natin ng kumot at itapon at pagulungin sa labas?" Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi nito at sabay sabay na tumango.

"One."  Nanatili ang pagiingay ni Eco sa kung anumang hawak niya.

"Two." Naghanda naman si Haerley Farro at Aldione Badua ng kumot. Parahas nila itong hinawakan sa magkabilang dulo. Si Flannery Valdis na kumuha ng isang vines na nasa gilod lang. Halatang matibay.

"Three." Sabay na tumakbo ang dalawa na may hawak ng kumot papunta sa kinaroroonan ng matanda. Napailing iling ako at nakitakbo na din. Kinuha ko ang inihihipan nitong bagay na naglilikha ng ingay at hinayaan na ibalot nila si Eco sa kumot.

Napangisi naman ako ng nagpumiglas ang matanda. Lalo na't ng pagtulungan namin itong igapos gamit ang vines. Malalakas ang tawa ng mga lalaki naming kasama na tuwang tuwa sa nangyayari. Si Patrick Palo Antonio ang nagpahiga dito. Narinig namin ang nakakarinding sigaw ng matanda. Siya rin mismo ang nagpagulong palabas ng tinitirhan namin.

At guess what? Lahat ng nakakita ay nakanganga at hindi makapaniwala sa  ginawa namin. May mga natawa nalang, may naawa din, may nagalit at hindi ko na alam. Basta tawa sila ng tawa na nag e-echo na sa buong palid.

Nang maisara ang pinto, nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay na nag apir. Best teamwork ever.

"Pero, hindi kaya tayo mapaparusahan?" Tanong ni Flannery Valdis. Proud na umiling si Haerley Farro.

"Kung makakawala siya doon." Natatawa pang banggit nito.

"Ang bad niyo." Binatukan naman nila si Aldione Badua na nagsalita.

"Nakisama ka ngang gago ka. I can't believe it! Nagawa natin yun! Pinakamasayang stay ko na yun dito sa Hiarlco." Umupo si Patrick Palo Antonio, hawak ang tiyan niyang na sobrahan yata sa pagtawa.

"Ang mas hindi kapani-paniwala, nakisama si Clementine." Tinaasan ko sila ng kilay dahil sa sinabi ni Haerley Farro. Napunta lahat ng nanlalaki nilang mga mata  na para bang na realize nila na nandirito pa pala ako at nakisama sa kalokohan nila.

"Ano?" Asar na banggit ko ng hindi sila umiwas ng tingin. Nag si iwas naman sila lalo na't ng makarinig kami ng napakalakas na katok sa pintuan namin.

Muling nagtama ang mga tingin namin. Nakita ko ang pamumutla nila at ang pagkawala ng kulay sa mga bibig nila. Parang huminto yata ang heartbeat ko. Hindi ko alam pero binalot ng katahimikan sa paligid.

Damn.

Sa huli? Nandito kami. Nakaluhod sa damuhan. Nakataas ang mga kamay, bilad sa init. Nakatayo sa harapan namin si Eco na may baston nang pamalo na hawak. Magulo ang buhok nito at madumi ang mukha. 

Masama ang tingin sa amin at nakakunot ang noo. Nangigigil niyang pinatungan kami ng mga bato sa kamay at halos bumigay na ang kamay ko.

"Pag iyan bumaba, ibibitin ko kayo ng patiwarik."

Napahinga nalang ako ng malalim at pilit na iniinda ang pangangalay. May mga Hiarlcons din na nagagawi ang tingin sa amin. Napayuko ako at napapikit dahil naliligo na ako ng pawis.

Ilang minuto na ba kaming ganito? Bawat sampong minuto ay nadadagdagan ng mahigit isang kilong bato ang nasa mag kabilang kamay namin.

"Kasalanan mo to." Rinig kong bulong ni Aldione Badua kay Patrick Palo Antonio.

"Anong kasalanan ko? Kayo ang sumugod." Balik sambit ng huli at nag samaan na sila ng tingin.

"Aray!" Napadaing nalang sila ng makita kong pinalo sila sa ulo ni Eco. Pilit kong hinahabol ang paghinga at ang mga kamay kong bibigay na.

At ng hindi ko matiis, tumayo na ako at bumagsak sa harapan ni Eco ang mga bato sa palad ko. Nag inat inat ako lalo na ng mapunta ang masamang tingin nito sa akin.

Namumula ang mga tuhod ko, at nangangalay ang leeg hanggang balikat at braso. Namamanhid din ang mga paa ko na halos mawalan na ako ng balanse.

"Bilang parusa, ipapadala ko kayo sa Kweba ng Dragon."

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now