Hiarlco 11

233 17 0
                                    

Clementine Agor

Nagimbal ako sa nakita ko sa harapan ko. Nasa bungad kami ngayon ng napakalaking kweba. Bilang parusa ni Eco sa amin. Hindi na kami nakapalag lalo na't nasa kanya lang ang mapa na makakapagpabalik sa amin sa District 6 ng Hiarlco.

"Sorry na, Eco. Huwag mo namang gawin to sa amin" sambit ni Patrick Palo Antonio ng nakangiwi na para bang diring diri sa sinasabi. Napailing iling nalang ako.

Namumutla nadin si Flannery Valdis at nanginginig ang kamay. Wala kaming dalang armas na papasok sa kweba. Napakadilim nito at para bang kawalan na kapag oras na pumasok ka, hindi ka na makakalabas at mahuhulog ka nalang sa kawalan.

Napalunok ako ng ilang ulit. Paki paalala nga sa akin na sapakin si Patrick Palo Antonio dahil sa kalokohang naisip na nagdala sa amin sa mimsong kamatayan.

"Pumasok na kayo o ipapalapa ko kayo sa aso." Ma-awtoridad na sambit nito. Wala kaming nagawa kundi nanghihinang pumasok sa kweba. Bako bako ang daan at kinailangan namin ng apoy para dito. Sulo ang gamit namin.

Hanggang sa tuluyan ng nawala ang liwanag na nanggagaling sa labas at tanging katahimikan ng kulog na paligid ang namamayani.

Ang tunog na likha ng aming mga paa ay gumagawa ng echo sa paligid. Nauuna si Haerley Farro na siyang nag li-lead sa amin ng daan, sunod naman sina Aldione Badua at Flannery Valdis na nakahawak sa braso nito na para bang takot na takot.

Tsk. Gusto lang niyang maka tsansing.

Sa likod nila ay si Patrick Palo Antonio na kanina pa palinga linga sa paligid. Na para bang anumang oras ay may bubulaga sa amin na nakakatakot na itsura at lalapain kami ng buhay.

Ako, ako ang nasa pinaka huli at may hawak ng isa pang sulo. So bale, kapag nag ka iritan-- ako ang unang makakalabas ng kweba at may 20 percent chance na mabuhay. 

"Mabubuhay pa kaya tayo?" Tila tulalang banggit ni Patrick Palo Antonio. May tumama naman sa ulo niya na isang maliit na bato na nakapagpabalik sa kanya sa wisyo.

"Gago. Mabubuhay tayo kung mananatili tayong buhay. Ang negga mo." Asar na banggit ni Haerley Farro mula sa pinaka unahan.

"Ikaw tong malakas ang loob na gumawa ng kalokohan pero ngayon, ikaw ang nag iisip ng masasamang bagay." Dugtong pa ni Flannery Valdis. Hindi nalang ako nag salita at nanatiling nag mamasid sa paligid.

Kinakabahan ako. Oo. Kinakabahan ako. Yung kaba na parang bumabaliktad ang sikmura mo at manginginig ang tuhod mo. Ganun. Pero dahil, ako si Clementine Agor,nagawa kong itago lahat ng nararamdaman kong iyon. Kasi panigurado,damay damay na kapag nag kataon.

"Saan ba tayo papunta?"

Napansin ko ang mga numero na nakaukit sa mga bato. Mga imahe na wierd. May mga number na simula one hanggang 56. Nakabold at parang mas madiin ang pagkakasulat sa 21, 22,23, 26, 27 at 4. Maging ang 46.

May kulay pula namang marka ng ekis ang number 56 at 1.  May itim na guhit sa gitna ang number 34,  17, 18, 9, at 7. 

"Clementine!"

Napaangat ako ng tingin at naalis ang mga mata sa mga numerong tinitingnan ko. Napansin ko na medyo malayo na sila sa kinalalagyan ko kaya binilisan ko ang lakad at hindi pinansin ang mga numerong iyon. Pero bago pa ako tuluyang makalapit, nakarinig kami ng malakas na pag ungol ng kung anong nilalang.

Nabato kami sa kinatatayuan namin at walang nag tangkang gumalaw. Tumutulo ang pawis sa noo at nanlalagkit ang katawan. Katapusan na ba namin? Walang nagtangkang mag salita lalo na't ng lumindol ng dalawang ulit. Napasandal kami sa isang bato, kumpulan na para bang takot na takot. Nagtatago sa kung anong nilalang na iyon.

Napansin ko ang panginginig ng kamay ng mga kasama ko. Ang mga takot sa mga mata nito pero mababaw pa iyon sa takot na nararamdaman ko.

Sumilip ako sa bato, at nakita ko doon ang isang nilalang na malaking Ahas pero may apat itong paa. Takte. Akala ko ba dragon?! Sinungaling ang pangit na matandang iyon! May ulo at katawan ito na parang ahas pero mas nakakadiring sungay sa ulo. Makapal din ang kaliskis nito na para bang isda.

Hindi ko pinangarap na makakita ng ganitong nilalang.

Tiningnan ko ang mga kasamahan ko ng mapansin ang amoy na sinusundan ng nilalang na iyon na unti unting lumalapit sa kinalalagyan namin.

"A-ayoko pang mamatay." Masyado na itong dikit kay Aldione Badua. Namumutla ang mukha at nanginginig ang mga bibig.

Sa sitwasyon nila, hindi ko alam kung makakalaban pa kami ng maayos. Isa lang ang paraan. Mabait naman ako pero hindi ako tanga na ipapain ang sarili ko.

Kinuha ko ang sulo, nagtataka silang nakatingin sa akin.

"Kung mamamatay, edi mamamatay."

Nginisihan ko silang lahat at mabilis na umalis sa kinalalagyan namin.  Nagpakita ako sa ahas. At iyon na yata ang pinaka tangang ginawa ko sa buong buhay ko. Shems!

Parang umurong ang sungay at katapangan ko ng dumako sa akin ang ahas, ang nanlilisik na itim na mga mata nito at laking gulat ko ng bumuga ito ng apoy. Napagulong naman ako at pinuno ng alikabok ang katawan ko.

Nagawi ang tingin ko sa mga kasamahan ko. Na distract ako sa sandaling pagtingin ko sa kanila. Masama na to.

"Umilag ka nga!"

Nagulat nalang ako ng mga mahigpit na humawak sa mga braso ko at sinama ako sa takbo niya. At doon ko lang napagtanto na ngayon ay binugahan na ng ahas ang kinalalagyan ko kanina. Tuluyang natupok ang sulo na hawak sa mismong kamay ko.

Napapikit ako sa hapdi at agad na binitawan iyon. Mula sa dilim, unti unting lumiwanag ang paligid. Isa isang nag sindi ang mga sulo sa paligid at doon ko nakita ang kabuuan ng lugar. Ang kaninang lupa, ay naging simento. Ang mga sulo na may para bang antik na may nakapalibot.

May mga imahe sa bubong ng kweba at mga lupa na naka form sa iba't ibang imahe. Kulay berde ang ahas, itim ang sungay at mas dark green ang mga paa nito.

Doon ko lang din nakita na si Haerley Farro pala ang nakahawak sa braso ko. Unti unti kong kinalas ang pagkakahawak niya sa akin. Naikuyom ko ang kamao at ipinagdasal na sana. Sana huwag lumabas na pinagtataguan nila yung tatlo.

"Salamat." Sambit ko.

Halos sabay kaming nag pakawala ng hininga habang nakatitig sa mata ng isa't isa at sabay na tumango na para bang alam na ang plano at nasa isip ng isa't isa. Tumakbo kami sa magkabilang direksyon para lituhin ang ahas. Napunta ako sa may buntot nito at mas pinili niyang sundan ng tingin si Haerley Farro.

Ayon sa plano. Nakarating ako sa may itlog nito na hindi pa napipisa. Sobrang lalaki at kulay dirty white ang kulay. Medyo may amoy din na malansa. Napangisi ako at ikinalma ang kinakabahang sarili.  Mamatay na yata ako.

Nakita ko ang kulay asul na lalagyan sa isang itlog nito. Kinuha ko ito at parang naglikha iyon ng signal na mapatingin sa akin ang Ahas. Nanlaki ang mga mata ko, lalo na't nang nangagalaiti itong pumunta sa kinalalagyan ko.

Natulos ako ng tayo at hindi nag function ang utak ko. Ang tanging nagawa ko nalang ay napapikit at handa ng tanggapin ang kamatayan ko.

Shems. Wala na akong pag asa.

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now