Hiarlco 22

140 11 8
                                    

Clementine.

Pumulot ako ng isang mahabang sanga ng punong kahoy sa gilid. Alam kong masyadong mahina kapag ito ang gagamitin ko pero wala akong choice. Minasdan ko sila Patrick at Aldione na nakikipaglaban. Pawang mga eksperto pero hindi ko alam kung bakit hindi namin magawang talunin ang mga nilalang sa maikling pagkakataon.

Ipinikit ko ang mga mata at inihanda ang sarili. Wala akong ibang pagpipilian. Ngayon o wala na. Iminulat ko ang mga mata at tumakbo ng mabilis mula sa isang 46 na bawat sumugod sa isang batang Hiarlcon na nagtatago sa gilid ng puno.

"Uh oh! Wrong move 46!" Sigaw ko dito at malakas na hinampas ang mukha nito gamit ang hawak ko. Nangagalaiti siyang tumingin sa akin at ako naman ay napangiwi ng makutang bali na ang sanga na panlaban ko.

Umungol ito ng malakas. Sobrang lakas. Kusang iniyakap ko ang mga braso sa batang Hiarlcon, at takpan ang tenga nito.

"Ackkk!" Napaangat ako ng tingin ng walang maramdamang kahit ano. Bumungad sa akin ang flaming red na kulay ng balat niya. Pamilyar. Tumayo ako at agad na nagtago sa likuran ko ang batang Hiarlcon.

"Gusto mo bang mamatay?"

At tila bumalik sa ala-ala ko ang lahat nang sambitin niya ang mga katagang iyan. Lumingon siya sa akin at hindi ko alam na para bang nag slow mo ang paglingon niya sabay ngiti. Putek. Anong nangyayari sayo, Clementine?!

"S-salamat." Mahinang tugon ko habang nakatitig lamang sa mukha niya.

"Nasa isa kang labanan, Clementine." Naalala niya ang pangalan ko.

"Tama ka, Geryk." Mabilis akong kumilos at itinago ang batang Hiarlcon sa isnag lugar na alam kong walang makakakita bago sinimulang harapin ang dalawa pang natitirang 46 na nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin.

Desidido ako. Ayokong magmukhang pabuhat at walang silbi sa mata ng lahat. Ayokong maging mahina. Ayokong maging ganito. Ibinuhos ko ang lahat ng kaya ko sa pagsipa at at pagsalag sa ataki ng 46.

At tila ba naramdaman ko ang pagbilis ng galaw ko-- at paggaan ng katawan ko. Napangisi ako. Tinutulungan niya ako. Pinulot ko ang isang matalim na sanga ng isang puno at tumalon ng mataas bago buong pwersa na itinarak iyon sa ulo ng 46 na kalaban ko.

Hinihingal akong napaluhod sa lupa. Inubos ng bagay na iyon ang lakas ko. Hinabol ko ang hininga at mariing ipinikit ang mga mata at doon ko lang naramdaman ang pagsaid ng kirot sa tagiliran ko. Napahawak ako dito at nakita ang pagkalat ng asul na likido sa balat ko.

Tumayo ako ng tuwid at ginawang straight ang emosyon sa mukha ko. Doon ko lamang nakita na lahat sila ay nakatingin sa akin-- maging sa taong nasa likod ko. Geryk.

Ang biglaang pagsulpot niya rito, at sa pangalawang pagkakataon.. niligtas niya ulit ako.

--

"Wala na ang mga kasamahan ko. Ako nalang ang natira."

Napaiwas ako ng tingin. Nadagdagan ng isa pang kama ang tinutuluyan namin, nangangahulugan na makakasama na namin sa isang silid si Geryk.

Si Flannery Valdis naman ay nasa labas pa-- ginagamot ang mga nasugatang Hiarlcons. Iyon naman talaga ang silbi niya rito and I'm glad na nakakatulong at balanse lahat sa grupo.

"Nasa kaliwang bahagi ng Hiarlco ako nakatira. Hindi ko alamkung may nakaligtas pa pero wala na akong nakita ng bumalik ako roon. Simula ng mapaslang ng 46 ang mga kasamahan ko, nawalan na ng pagasa ang bayan ko."

Nakayuko ito habang nagku-kwento. Nakakuyom ang kamao at pilit kinokontrol ang damidamin. Mabilis ko lang na mabasa ang emosyon niya at nararamdaman niya at hindi ko alam kung paano ko iyon nagagawa.

Nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi ko lubos maisip na yung mga taong nakalaban namin sa templo ay wala na. Nag mga kasamahan niya. Siguro ay nakakagulat na malaman, yung nakasama mo.. yung mga nakapagbiruan mo at nakapagpalagayan ng loob ay bigla bigla nalang mawawala. Maganda sana kung babalik pa pero hindi e. Wala ng pagasa.

Nagawi ang hawak ko sa sugat ko sa tagiliran. Mismong si Flannery Valdis ang gumamot dito at alam kong nag-improved na siya sa bagay na iyon.

Kakatapos lang kasing kausapin ni Kodiak si Geryk bago siya tumuloy dito sa silid at magkwento ng tanungin siya ni Patrick Palo Antonio.

"Matagal ka na dito?" Biglang tanong ni Aldione Badua. Nakasquat ito sa sariling higaan at nakahalumbaba na nakatingin kay Geryk.

"Ang totoo niyan, hindi ko alam." Doon naman napukaw ang atensyon ko.

"Paanong hindi mo alam?"

"Basta nagising nalang ako isang araw, nandito na ako. At hindi ko alam kung bakit nandito ako. Sinabi nalang sa akin na isa akong Hiarlcon at nakatakda na magligtas ng bayan. Siguro nga, ganuon talaga." That's kinda weird.

Hindi pa nakakasagot si Patrick ng bumukas ang pintuan. Bumungad sa amin si Flannery na halatang pagod na pagod. Inuubos kasi ng pangagamot ang lakas na meron ito kaya pagdating niya ay agad siyang sumalampak sa sariling higaan na hindi na namin inistorbo pa.

"Kamusta ang mga Hiarlcons sa labas?" Tanong ni Hearley Farro. Nakadapa ito sa kama niya. Halatang pinapakalma ang adrenaline na dumadaloy sa dugo niya dahil sa nangyari.

"Ayos na silang lahat. Kalmado na." Mahinang sagot ni Flannery. Hindi niya maitago ang panghihina sa tono ng boses na ginamit.

"Geryk Bilangel, tama ako diba?" Biglang sambit ni Hearley Farro. Tumango naman si Geryk.

"Let's do a great work together."

Sa sinabi niyang iyon-- safe. Pero alam kong may mali.
--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now