Clementine Agor.
Everything went back to normal. Wala ng nagtangkang magtanong kung ano talaga ang nangyari. Wala na ring nag open up ng mga kaganapan. Everything was set to normal. Na para bang walang nangyari.
Ilang minuto pa akong nakatitig sa ceiling ng bahay namin ng marinig ko na ang pito ni Eco. Ang maingay nitong instrumento na siyang gumigising sa amin araw araw.
Naramdaman ko ang yamot na paggalaw ng mga kasamahan ko sa bahay na 'to. Ano pa nga bang bago?
"Here we go again," tamad na banggit ni Patrick Palo Antonio.
"Should we make a prank that kills him and his damned instrument?" Asar at yamot na tanong sambit ni Flannery Valdis sabay takip ng unan sa mga tenga.
It's been two days since that day happened. Nothing new though. Except sa sinasanay na kami ni Eco sa iba't ibang armas at paggalaw. Muli kong ibinaling ang mga tingin sa kasamahan ko.
Nandoon muli sa gilid si Aldione Badua na sabog ang mukha at nakatulala. Well, palagi naman siyang ganyan sa tuwing nagigising siya ng umaga, matutulala na para bang nawawala sa sarili.
Lumipat ang tingin ko sa CR na nandirito ng marinig ko na ang paglagaslas ng tubig mula roon. As expected, it was Hearley Farro na masyadong sineseryoso ang training namin lately.
As in. Palagi siyang highblood na para bang may gustong patunayan. I can see determination at the same time pain in his eyes while doing his training. Gumagaling narin ito sa paghawak ng armas niya.
In case of Flannery Valdis, Winchester let her study different kind of herbal medicines. Iba't ibang halaman o kahit na anong poisons at panggamot in which, magagamit namin pagdating ng araw. Ayaw niya kasing sumama sa heavy training na ginagawa namin. Well atleast, mapapakinabangan namin siya kapag nagkataon.
Kahit na ganoon, tinuturuan parin namin siya ng basic tecniques para maipagtanggol niya ang sarili. Hindi naman kami ang pwedeng maging shield niya palagi, ang sasalo sa mga ataki na ibabato sa kanya.
"Clementine? Di ka pa mag aayos?" Pukaw sa atensyon ko ni Aldione Badua. Pansin ko na nakaligo na ito-- hindi lang siya kundi lahat. Nakaayos na din.
Hindi ko alam na ganuon na ako katagal nakikipagusap sa sarili ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at mabilis na inayos ang hinigaan ko.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala na parang may malalim na iniisip." Nginitian ko lang ito bilang tugon.
"Wala iyon. Mauna na kayo, susunod nalang ako."
Pumasok ako sa banyo at kaagad na inayos ang sarili. Hindi naman ako nagtagal doon. Paglabas ko, wala na sila. Siguro ay hindi narin nila ako nahintay which is okay.
Inayos ko ang hinigaan ko at inilibot ang tingin sa tinutuluyan namin. Huminga ako ng malalim. Lumabas na ako ng bahay at akmang isasara ang pinto ng may tumikhim sa likod ko.
Lumingon ako only to found out that it was Hearley Farro. Nakatingin lang ito ng diretso sa akin. Nagkibit balikat nalang ako bago tuluyang isara ang pinto at naglakad na paalis.
Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Ang pagsabay niya sa paglalakad ko ng walang binibitawang salita. Maganda ang panahon, malamig din ang ihip ng hangin at tila ba nagkakasiyahan sa bawat bahay ng Hiarlcons na nalalagpasan namin.
Narating namin ang templo. Nandoon na silang lahat at parang naghahanda ng makipaglaban. Halos sabay sabay naman silang lumingon sa amin na kadarating lang.
"Physical Combat ang pagaaralan natin ngayon." Kalaunan na banggit ni Tandang.
Ang usual na nakakainis na pagmumukha nito. Inilibot ko ang tingin, napansin ko sa gilid si Winchester na malaki ang ngiti at may hawak na basket na puno ng prutas.
Dahil sa basket na iyon, nag flashback sa akin ang basket ng prutas na ipinadala niya kamakailan sa tinitirhan namin. Ang ubas na may halong kung anong potions na nakakalasing.
Napaiwas ako ng tingin ng mapansin niya na nakatingin ako sa kanya.
"Haerley at Patrick, kayo ang unang maglalaban." Sunod na banggit ni Tatang habang nakatingin sa kanila na para bang pinag aaralan sila. Humugot ako ng malalim na paghinga.
Hindi ko napansin na nakalapit na sa akin si Winchester, nakangiti ito at magaan ang aura -- na palagi naman. Hawak ng mahigpit ang basket na para bang nasisiyahan lalo na't nang magharap si Patrick Palo Antonio at Haerley Farro sa gitna.
"Kumain ka, para naman may lakas ka mamaya." Inabutan ako ni Winchester ng isang mansanas. Ngumiti ito ng malapad nang makita ang pagdadalawang isip ko na abutin iyon.-- baka maulit yung dati.
"Huwag kang mag alala, ubas lang ang may ganuong kakayahan para lasingin ka." Napangiti nalang ako na hindi ko alam kung ngiti ba ang tawag do'n o ngiwi. Basta, inabot ko ang mansanas at kaagad na kinagatan iyon.
True to her words, wala akong naramdamang iba habang kinakain ko ang mansanas at pinapanuod ko kung paano magpalitan ng tadyak at suntok ang dalawang kalalakihan sa gitna.
Gumagaling sila. Pero sa laban na ito, kitang kita ang kalamangan ni Hearley Farro kaysa sa huli. Mas bumilis at naging pulido ang galaw niya. Malinis na para bang naghahangad ng ka-perpektuhan.
Ibinalibag ni Palo si Hearley sa labis na inis. Hindi na niya yata nagustuhan ang nakadaktang maging resulta ng laban. Nagkibit balikat nalang ako ng gumanti din si Hearley.
Akmang sasapakin na ni Palo si Hearley ng paghiwalayin sila ng baston ni Tandang. Ni hindi ko napansin ang mabilis na pagkakalapit nito.
Hawak ni Tandang ang baston sa gitna habang nakatutok ang magkabilang dulo nito sa noo ng dalawa na kapwa nakataas ang mga kamay at hingal na hingal.
Napailing iling nalang ako at napangisi. Dumudugo ang ulunan ni Palo habang putok naman ang labi ni Haerley. Parehas silang napuruhan at parehas din na magaling.
Napapalakpak sa tabi ko si Winchester maging si Flannery Valdis na nakangiti at nakahanda na ang herbal na gamot para sa dalawa. Si Aldione Badua na nakangiti lang at para bang namangha sa ipinakita ng dalawa.
"Sunod, Aldione at Clementine. Ipakita ninyo ang galing ninyo."
Nilunok ko muna ang huling kagat ng mansanas. Hindi manlang nagkumento si Tandang sa ipinakita ng dalawa, siguro ay na-speechless siya sa galing ng mga tinuturuan niya.
Pumwesto ako sa gitna ng templo. Agad naman na may pumalibot sa aming puting enerhiya-- teka. Hindi ko to nakita habang naglalaban sila Haerley at Palo. Napakunot ang noo ko at nagtatakang tumingin kay Tandang na walang paki alam.
"Invisible Barrier ang tawag dito." Napalingon ako kay Aldione Badua na nakapamulsa at nakatingin sa akin. Nag shrugg nalang ako.
"Marami ka palang alam sa gan'tong bagay." Tila nagulat siya sa naging sagot ko. Tumikhim siya para makabawi.
Inilibot ko ang tingin, kitang kita ng mga mata ko ang enerhiyang iyon-- invisible barrier. Invisible, pero bakit nakikita ko? Parang hinayaang makita ko ito ng pulido at kompleto.
Napaatras nalang ako kasabay ng pagkarinig ko ng singhap sa labas ng barrier. Nag angat ako ng tingin habang hawak ang sikmura ko na tinadyakan ni Aldione Badua at kaagad na napangisi.
Masakit, oo. Pero mas gusto kong makita ang reaksyon niya ng magawa kong gumalaw na parang walang nangyari.
Tumayo ako ng tuwid.
"Hindi ka man lang nagsabi." Nakangiwing banggit ko at marahang natawa. Nakatitig lang siya sa akin na para bang inaalam ang totoong takbo ng isip ko.
"Let's make a great fight." Matigas at walang emosyong banggit niya. Aldione Badua-- who are you?
Sobrang bilis mag shift ng enotions at pagkilos. Hindi ko mabasa. Iba iba. Magulo, para bang iba't ibang Aldione Badua ang nakikita namin sa araw araw. Iba't ibang prisensya. Tinitigan ko ang blanko nitong mga mata.
Pipigain kita hanggang sa malaman ko ang kung anumang tinatago mo.
--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasiaBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡