Clementine Agor
Welcome to Hiarlco.
Credits to the rightful owner. Again, this is only a basis about what Hiarlco exactly look like, okay? Just imagine this as a actual trees or whatsoever etchetera. Hihi. Enjoy reading!
Inilibot ko ang tingin, isang malawak na village ang nakita ko. Nasa itaas kami ng isang templo na hindi ko alam kung templo ba. Basta malawak na patag na simento. Parang battle ground kung tatawagin na napapanuod ko sa mga movies.
Nasa ibaba ang mga bahay na gawa sa puno-- no. Sa mismong puno ang bahay nila. Mga puno na nagsisilbing bahay nila, naka form ito ng mga arko or what. Hindi ko mai paliwanag. Parang fairytale at ang ganda ng green na kulay.
Hindi polluted dahil sa mga puno at sa ibaba nakikita ko ang galaw ng mga tao -- kung tao silang maituturing. Maliit silang tingnan dahil sa taas kung nasan man kami.
"Ngayon, kayo ay tatawaging Kwatros." Kinunutan ko ito ng tingin habang iginagaya kami pababa ng isang malabot na hagdan na kulay green.
Tuluyan na kaming nakababa ng templo at bumungad sa amin ang kulay lilang lugar. Halos lahat ng nilalang ay nakangiti, katulad lang din sila ni Winchester. Iba't ibang nilalang na nagtutulong tulong para sa ikauunlad ng bayan nila. I guess?
At ng madako ang tingin sa amin, nag simula silang mag bulong-bulungad na para bang nakakita ng wierd na bagay. Take note, kami ng itong normal so dapat kami ang may ganyang klase ng tingin sa kanila.
"Sila na ba yan?"
"Tao sila. Hindi kagaya natin!"
Napansin ko sa mga kasama ko na pag kamangha din ang nababasa sa mga mata nila. Iginala ko ang tingin.
Hanggang sa may bigla napang lumitaw sa harapan namin na kung anong nilalang. Parang avatar na ewan. Kalbo kasi at malalaki ang dalawang mata ng mga ito, lumilipad sa ere gamit ang buntot. Posible ba yun?
Bahagya pa akong napa- atras ng abutin nito ang mga kamay ko. Ganun din ang ginawa nung ibang nilalang sa mga kasama ko.
May kung anong dusk silang ibinuhos sa amin.
"What the hell?" Mura ni Patrick Palo Antonio ng nag simula na siyang lumutang.
Ganun din ang iba hanggang sa ako narin mismo ay lumutang sa ere. Binubuhat kami ng kung anong kulay lilang parang usok. Nagawi ang tingin sa aming lahat.
Napansin ko na iniwan nila lahat ng ginagawa nila para bigyan kami ng atensyon. May ibang pag hanga ang mga mata at may iba rin na pag tataka at pagkatakot.
Hindi ko alam kung anong ire-react ng makitang nag simulang magbago ng anyo ang mga kasama ko. Iisa ang kulay nila at iyon ay berde. Bahagya silang lumiit at nag karoon ng buntot. Humaba din at naging patulis ang mga tenga nila at lumaki ng bahagya ang mga mata.
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡