Clementine Agor.
Ngayon, nagkaroon kami ng pagkakataon na libutin ang distrito sais ng Hiarlco kung saan kami nabibilang. Syempre, kasama namin si Winchester.
Aminado ako na masakit pa ang katawan ko dahil sa labanan kahapon, at maging ang mga kasamahan ko. Wala kaming choice kasi ngayon lang kami binigyan ng pagkakataon para makapag libot at i-enjoy ang buong araw ng walang iniisip na laban.
Bukas na bukas din, mag sisimula na ang training na pangungunahan ni Eco kasama ang pag gabay ni Winchester sa mga kailangan pa naming malaman.
Hanggang ngayon, hindi parin malinaw sa isip ko kug bakit kami nandito sa Hiarlco, except sa fact na lalaban kami. Pero kung iisiping mabuti, ang weird diba? Yung nasa isang party ka tapos may kagimbal gimbal na nangyari at ikaw lang ang nabuhay tapos pumasok ka sa salamin, naka encounter ng kadiring nilalang at naging isang berdeng kakaibang nilalang at naging katulad ng Hiarlcons-- sinong hindi mababaliw?
"Clementine!"
Nabalik ako sa wisyo at napatingin sa labas. Nakita ko na nasa labas na silang lahat ng tinutuluyan namin at ako nalang ang nasa loob. Napansin ko ang kahandaan nilang lahat kahit natural na damit ang suot. I mean-- private parts lang ang natatakpan at expose na expose ang balat namin pero alam ko na wala namang nakaramdam ng pagkailang kasi iyon din ang suot ng lahat.
Tuluyan na akong lumabas ng tinutuluyan namin. Panibagong umaga, panibagong pagkakataon. Maganda ang sikat ng araw pero kahit na ganuon, hindi ito masakit sa balat. Payapa din ang malamig na ihip ng hangin.
"Tara na!" Masiglang sambit ni Winchester. Nauna naming tinahak ang daan na punong puno ng ibat ibang klase ng bulaklak. Tila ba kumikinang iyon sa paningin ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti at marahang hinahaplos ang mga bulaklak ng mga kamay ko.
Kita ko rin ang pag kamangha sa mga mata ng kasamahan ko, lalo na't nang sunod sunod na lumabas sa bulaklak ang mga fairies. Isang maliit na nilalang na cute at may pakpak na siyang tagapangalaga ng mga bulaklak. May mga fairy dust pa na lalong nagpatingkad ng mga ito.
"Ito ang HARDIN ng Hiarlco. Sentro ng lahat ng distrito." Sambit ni Winchester habang nakaupo sa palad nito ang limang fairies na hindi ko maintindihan ang sinasabi.
"Ang mga bulaklak na ito ang nag sisilbing buhay at pundasyon ng Hiarlco maging ng iba pa mga Distrito. Ito din ang tirahan ng mga fairies at diwata na siyang nagpapangalaga sa lugar. Sa mga bulaklak mismo nanggagaling ang mga fairies na ito."
Iginaya niya kami sa isang tulips. Sinilip namin ang loob nun at nanlaki ang mga mata ko sa pagkamangha ng makitang may maliit na sanggol sa loob at marahang natutulog.
Kung ganoon, sa libo libong bulaklak na nakapaligid sa amin, ay doble ang bilang ng ipinapanganak na fairies kada araw. Wow.
"Grabe, sana ganto din sa Pinas no? Kaso, bulaklak ang binabasag ng mga kalalakihan doon." Wala sa sariling sambit ni Haerley Farro.
"And that includes you, Hearley. Isa kadin sa bumabasag ng flower sa Pinas." Natatawang sumbat ni Patrick Palo Antonio.
Sa paraan ng paguusap nila, alam ko na kung ano ang ibig sabihin at kung saan iyong tutungo.
"Ofcourse man, lalaki ako." Hindi ko na piniling makinig sa mga sunod na pinag usapan nila lalo na't puro kabastusan na iyon about sa pag de-deflower ng mga kababaihan dahil sa pleasures. Napailing iling ako.
"Ito ang HILING."
Paglagpas namin ng Hardin, dumaan kami sa isang pasilyo na may mga vines sa paligid na nakakorteng lilim namin. Medyo madilim iyon sa una at nakakatakot pero ng lumaon, bumungad sa amin ang isang napakalaking fountain.
Naglalabas ito ng tubig na may parang glitters na matingkad at gintong fairy dust. Nakakamangha, sa likod nito ay isang lilang parang pader pero may imahe ng isang babae na nacreate gamit ang dahon at vines ng mga halaman sa paligid. Tumataas ang balahibo ko sa sobrang ganda.
Napansin ko din ang itaas na bahagi kung saan may isang buwan na siyang nag bibigay sinag sa fountain.
"Ito ang natatanging lugar sa Hiarlco na hindi sinisinagan ng araw at hindi sumisikat ang araw."
Lumapit ako sa fountain at marahang hinaplos ang istraktura nito at laking gulat ko ng mag silabasan ang kulay gintong mga nilalang na naglalabas ng gold na kulay ng fairy dust at agad na pumalibot sa akin-- no sa amin.
"Woah! Ang galing!" Narinig kong sambit ni Flannery Valdis. Maging ako ay namamangha ng buhatin kami ng fairy dust at inikot ikot sa ere.
Naipikit ko ang mga mata. Sobrang gaan sa pakiramdam. Napansin ko na parang na recharge ang katawan ko.
Nagkatinginan kami ni Winchester ng humagikgik ito na para bang natutuwa sa nakikita. Hanggang sa ibaba kami ng fairy dust at kaagad na nag si alisan ang mga fairies.
"May isa pa tayong pupuntahan."
Sumunod kami kay Winchester palabas ng HILING. Matagal na daw ang fountain na iyon maging ang Hardin sapagkat ito ang sentro ng District 6 ng Hiarlco.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi magisip ng mga bagay bagay. Lalo nat ng dumadako sa amin ang nga mata ng Hiarlcons. May ibang nabibigla, nagagalit, masama ang tingin at may iba namang payapa.
"Ito ang huli nating distino. Ang Ala-ala." Ala ala? Inilibot ko ang tingin. Malawak ang lupain at may mga punong hanggang tuhod lang namin.
Hile-hilera ito tapos napansin ko na may mga pangalan iyon sa harapan.
"Bakit Ala-ala?"
Nadako ang tingin ni Winchester kay Patrick Palo Antonio. Maging ako napatanong na din sa sarili. Ang odd naman kasi kung ang malawak at wierdong mga puno na ito ay tatagaing Ala-ala ang lugar.
"Libingan ito ng Hiarlcons. Dito inililibing ang namayapa ng mga kauri natin. Ang Kalikasan mismo ang nagpahintulot na mula sa puso ng mga namayapa, tutubo ang ugat hanggang sa ito ay mamunga at maging ganap na puno."
Hindi lang ako ang natigilan. Kundi lahat kami. Parang pinuno ng lungkot at saya ang paligid. Hindi ko alam pero kung ako ang papipiliin, siguro mas maganda kung ganito rin ang cycle sa Pinas. Na sa bawat taong namamatay, tutubo ang isang puno. Marahil siguro, hindi kakainin ng teknolohiya ang buong mundo.
--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡