Hiarlco 21

153 12 0
                                    

Few more chapters to gooo! Thanks for waiting! Enjoy reading everyone!

Clementine Agor.

Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na hinabol ang paghinga. Dumako ang mga palad ko sa dibdib ko para pakiramdaman ang marahas at nagwawalang tibok ng puso ko. Mariin na ipinikit ko ang mga mata para pakalmahin ang sarili.

Tulog parin ang mga kasamahan ko at malamang hating gabi palang. Huminga ako ng malalim at naisipan kong ayusin ang sarili bago lumabas.

Bumungad sa akin ang madilim na kalangitan habang ang paligid naman ay parang nagaapoy dahil sa kulay ng mga lampara at ilaw sa paligid. Ang dating kulay berdeng paligid ngayon ay halos mag kulay orange na.

Naupo ako sa kahoy na upuan sa harap lang ng tinitirhan namin. Malapit ito sa parang poste ng ilaw. Walang imik akong naupo doon habang minamasdan ang paligid. Tahimik ito, ni hindi ko rinig ang masuyong pagihip ng hangin na dumidikit sa balat ko.

"Nightmares?" Napaangat ako ng tingin at doon bumungad sa akin si Haerley Farro na pawang kagigising lang. Umupo ito sa tabi ko pero may iniiwang space sa pagitan naming dalawa.

"Yeah." Pagtugon ko at kaagad na umiwas ng tingin.

"Normal lang siguro 'yan kasi nasa ibang dimensyon tayo. Hanggang ngayon nga, hindi parin ako makapaniwala na ibang iba ang itsura natin. Unti unti ko naring nakakalimutan kung ano nga ba talagang itsura ko kung tao pa ba ako." Bahagya itong natawa dahil sa sinabi niya.

Napayuko naman ako at agad na pinaglaruan ang mga kamay ko. Huminga ako ng malalim. Iniisip kung tama bang sabihin ko sa kanya ang mga nagiging panaginip ko simula nung tumuntong kami sa Hiarlco.

"Masaya.. ka ba ngayon?" Agad na itinikom ko ang sariling bibig ng maramdaman ang gulat na tingin nito sa akin. Kinain kami ng katahimikan dahil sa pagkabigla niya sa tanong ko. Hindi rin ako nagabalang magsalita.

"Ikaw? Masaya ka ba ngayon?" Kalaunan ay balik tanong nito. Seryoso ang boses niya at walang halong biro. Nagangat ako ng tingin at nilingon siya. Nagtama naman ang mga mata namin. Hindi ko magawang i-iwas ang tingin ko. May kung anong emosyon na nakabalatay sa mga mata nito.

Hanggang sa bigla itong ngumiti at iniangat ang mga kamay para guluhin ang buhok ko.

"Hindi ako nakakatagal sa seryosong usapan." Ngumiti ito sa akin kaya natawa nalang din ako.

Siguro nga..

--

Narito kaming lahat sa templo ulit. Nasa harapan namin si Eco na nakalutang sa ere at nasa likod nito si Winchester na may dalang basket ng prutas. Makulimlim ang kalangitan, hindi namin alintana ang nagbabadyang pagulan.

Nanatili kaming nakalinya at nakatayo. Diretso ang tingin. Hindi naman ako kumibo.

"Maaga pa, Tatang. Bakit hindi niyo kami hinayaang matulog muna?" Reklamong sagad ni Patrick Palo Antonio. Nagkakamot pa ito ng ulo na para bang yamot na yamot.

Nagawi ang tingin ko kay Aldione Badua na nakatulala lang sa isang tabi. As usual dahil kagigising lang nito. Ni hindi kami binigyan ng panahon para ayusin ang sarili. Nagising nalang kaming lahat na nandito sa templo at hindi ko alam kung paano kami nakarating dito.

Buti na lamang at bahagya akong nagayos kagabi nung napagpasyahan kong lumabas muna kaya hindi masyadong magulo at bangag ang itsura ko.

Ilang minuto pa ay dumating si Kodiak kasama ang baston nito at si Winchester na nakangiti at nakasunod lang sa likod niya. May hawak itong basket ng prutas na agad naman niyang ibinigay sa amin. Buti pa 'to, may pakiramdam na gutom din kami.

"Sinabi ko na ang dapat niyong malaman kahapon." Napaayos kami ng upo dahil sa malalim na boses ni Kodiak.

"Ngayon, nais kong gumawa kayo ng paraan para pigilan ang paglaganap ng 46 sa buong Hiarlco. May pagasa pa para sagipin ang bayan. At nasa kamay niyo iyon."

Walang tumutol sa sinabi nito at nanatili kaming tahimik. Hindi nagsasalita. Bumaba ang tingin ko sa isang mansanas na hawak ko. Sinabi na niya sa amin ang mga kailangan lang naming malaman tungkol sa iba pang lugar ng Mundo ng Mahika. At hindi ko akalain na gugustuhin kong makita ang mundong iyon.

"Ahhh! 46! 46! Tulong!"

Nakaramdam ako ng tensyon at alam kong hindi lang ako nagiisa. Agad kaming napadungaw sa ibaba mula sa templo at nakita ang ilang bulto ng 46 na nangugulo. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasan na hindi magulat sa mga itsura ng mga ito.

Ginapang ang katawan ko ng kaba. Nakakainis. Bakit ngayon ko pa kailangang maramdaman ang bagay na ito. Ngayon na may nangangailangan ng tulong.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ng mariin ang mata. Ikinalma ko ang sarili. Buo na ang loob ko.

"Tara na." Desidinong banggit ko bago nagkukumahog na bumaba. Kung tutuusin ngayon ang unang laban namin simula ng na-train kami bilang Kwatros.

Halos magkasabay kami ni Hearley Farro sa pagtakbo. Si Aldione Badua naman ay nakita kong kalmadong naglalakad papunta dito. Huminto ako ng bumungad sa akin ng nakakadiri at nakakatakot nitong mukha.

Hindi ko na pinansin ang mga Hiarlcons na nagtatakbuhan paakyat sa Templo. Sa ngayon, iyon ang pinaka- safe na lugar dahil sa enerhiyang nakabalot dito.

Napaangat ako ng tingin, at nakita kong naroroon sa templo si Kodiak, kalmadong nakamasid sa amin. May mababakas na kunga nong emosyon sa mga mata nito at sapat na dahilan na iyon para hindi namin siya biguin.

"Iww, bro!" Nagawi ang tingin ko kay Patrick Palo Antonio na nag-eenjoy na hawak ang matalim na espada nito-- na hindi ko alam kung saan niya kinuha.

Naglibot ako ng tingin, higit apat na 46 ang nandito at hindi ko alam kung ilan pa ang nagtatago sa bawat puno. Nahagip ng mata ko ang isang malaking bato, kinuha ko iyon at hindi na nakakagulat na nagawa kong buhatin ang mabigat na bagay na iyon.

Oo nga pala, may enerhiyang dumadaloy sa dugo ko mula sa taong iyon.

"Ahh!" Ibinato ko ang bato sa direksyon ng 46 na handa ng kumatay kay Hearley Farro ng buhay.

Nagawi ang tingin niya sa akin at ngumisi. Isang ngising nakapagpabuhay ng dugo ko.

Game on.

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now