Hiarlco 20

152 8 0
                                    

Clementine Agor.

Wala sa sariling napatingin ako sa mga galos na tinamo ko. Unti unti na iyong nawawala at naghihilom. Huminga ako ng malalim bago pagmasdan ang malawak na Hiarlco. Nandito nanaman ako, sa templo kung saan tanaw ko ang lahat. Tahimik at walang tao.

Papasikat na ang araw, kita ko na kung paano maghalo ang ang mga kulay sa kalangitan. Marahan akong napangiti. Dalawang araw na simula nung training, dalawang araw ko naring hindi nakikita si Kodiak maging si Tanda. Bukod sa naging seryosong paguusap nila nung oras na matapos ang laban namin ni Aldione Badua.

At ngayon, hindi ko mapigilan ang sariling kong kuryosidad. Nakakahiya namang magtanong kay Winchester na minsan nalang din naming makita. Parang masyadong busy sa mga kaganapan sa sarili niyang buhay. Naging pahinga na rin siguro namin yung dalawang walang training at panigurado, papahirapan kami ni Tanda oras na makabalik siya.

"Clementine," napaangat ako ng tingin.

"Aldione Badua." Huminga ito ng malalim at umupo sa tabi ko. Iniabot niya sa akin ang isang baso ng inumin. Hindi ko alam kung ano to, pero parang kape.

"Sorry." Napako ang tingin ko sa nakasilip na si Haring Araw. Yumakap sa katawan ko ang malamig na ihip ng hangin, kasabay ng pagdaan ng mainit na inumin sa lalamunan ko.

Hindi ako kumibo bagkos ay nginitian lang siya bilang tugon.

"Naiintindihan ko." Tanging nasambit ko.

Marahil ay hindi ko pa masyadong naiintindihan pero balang araw, maiintindihan ko rin ang lahat. Lahat lahat. Hindi man siya magbigay ng kahit na anong eksplinasyon kung bakit niya iyon ginawa, naiintindihan ko. May mga bagay na hindi na dapat nating pakialaman-- and it's not my bussiness afterall.

"Tungkol saan to?" Natigilan ako ng makarinig ng pamilyar na boses.

"Sa Hiarlco." Napalingon ako sa likod at doon bumungad si Tanda, Kodiak, ang mga kasamahan namin maging si Winchester na may dalang basket ng prutas. Nakaukit sa mukha nito ang ngiti. Na hindi na niya ata maalis.

"Oh! Nandito na kayo. Good." Lumapit si Winchester sa amin at ibinigay ang basket ng prutas.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Nginitian ko lang ito sabay sambit ng ayos lang. Hindi naman na nila kailangan pang magalala kasi hindi naman ganuon kalala ang naging tama ko.

"Nakapagpahinga ba kayo ng maayos?" Sabay sabay kaming tumango sa tanong ni Kodiak. Hawak nanaman nito ang tungkod niya na mas malaki pa ata sa kanya. Kapansin pansin ang pagtanda lalo ng itsura nito at pagtubo ng mahaba niyang balbas.

"Bukas sisimulan ang pagsasanay ninyo. Ngayon, gusto kong ipaalam sa inyo kung ano nga ba ang Hiarlco, kung saan ito nagmula, kung bakit ito nandito at kung paano ito mawawala." Napakunot ang noo ko at kaagad na napaangat ng tingin kay Kodiak dahil sa sinabi nito.

"Mawawala?" Kunot noo at walang halong biro na tanong ko. Tumango ito sa akin ng walang pagaalangan. Nagtataka din ang mga kasamahan ko at alam ko iyon, nababasa sa ekspresyon ng kanilang mukha na gusto nilang malaman kung ano nga ba ang totoo.

"Isang beses ko lang itong sasabihin kaya't makinig kayong mabuti." Tumango kami na parang bata. Lumutang ito sa ere, hindi, nakaupo siya sa ere, hindi ko alam kung may invisible ba siyang tinutuntungan basta nakaupo siya mismo sa ere.

Parang bata kaming namangha sa ginawa niya hanggang sa.may mga nilalang na parang avatar ang pumalibot sa kanya. Ito yung nagbigay sa amin ng pixies para maging Hiarcons ang itsura namin. Nung tumapak kami sa Hiarlco, sila ang dahilan kung bakit ang itsura namin ay kagaya nila. Hindi ko akalain na makikita ko silang muli.

"Ang Hiarlco ay isa lamang maliit na lugar sa malawak na Mundo ng Mahika." Panimula nito.

"Kung gayon, may iba pang lugar bukod dito? Sa ganitong klase ng nilalang? May iba pang mundo?" Tumango ito sa sunod sunod na tanong ni Haerley Farro.

"Hindi lamang nagiisa ang Hiarlco. Sa labas ng lugar na ito, bubungad ang mas malawak pang parte ng Mundo ng Mahika. Hindi mo ito masusukat ng tantyado. At alam kong hindi pa kayo handang makita ang totoong mundo pagkalabas ninyo ng Hialrco." Tumango tango kami.

"Pero sa kabila ng mga lugar na ito, may hari man o reyna ang bawat distrito, may namumuno man o wala. Amg buong Mundo ng Mahika ay hawak ng iisa at katangi-tanging reyna. Si Queen."

"Siya ang pinagmulan ng lahat. Siya ang nagbibigay buhay sa lahat. At Siya rin ang tatapos sa lahat." Sambit ni Tanda.

Sa kabila ng nabasa kong takot at pagkamangha sa mga mata nito, nanaig ang respeto sa pagsambit ng pangalan na iyon.

"Ang Hiarlco tulad ng sabi ko, ay isang maliit lamang na parte ng Mundo ng Mahika. Dito nabibilang ang katulad naming nilalang. Katulad ng mga fairies at pixies, isa rin kami -- tayo sa naiiba sa lahat. Ang ma nilalang sa labas ng Hiarlco ay maihahalintulad sa tao ang itsura. Hindi katulad natin, na maliit, kulay berdeng mga nilalang." Pagpapaliwanag nito.

"At sa Hiarlco-- namumuhay ang magagaling na Healers sa buong Mundo ng Mahika. May mga iba pang dumarayo dito para ipagamot o magpagamot."

"Sinasabi ko ito sa inyo para hindi kayo maging bulag sa katotohanan. Ang Hiarlco ay malapit ng mabura sa Mundo ng Mahika. Alam kong narinig niyo na ang patungkol sa 46, hindi ba?" Tumango kaming muli sa tanong na iyon.

46 ang mga nilalang na pumatay sa mga tao sa party nung gabing iyon, mariin kong ipinikit ang mga mata pero para bang hindi ko mai-klaro kung anong mga nangyari. Blurred at magulo. Anong ibig sabihin no'n?

"Tinawag silang 46 kasi wala silang pangalan. 46 dahil isa silang uri ng mga halimaw na walang permanenteng tirahan, iba't ibang anyo, walang hangarin kundi gawin kaming pagkain. 46, dahil iyon ang nakatakda." Bahagya itong huminto.

"Tuluyan ng nasakop ng 46 ang kaliwang bahagi ng Hialrco. Wala ng makitang buhay na mga Hiarlcons na nandoon. Sinubukan namin itong iligtas pero wala parin. Hindi kami nagtagumpay bagkos ay nalagasan lamang kami ng kagrupo." Ramdam ko ang lungkot na ipinahahayag nito.

Isa nga itong seryosong problema.

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now