Haerley.
Ilang beses na akong nagpapalit-palit ng pwesto sa hinihigaan ko pero hindi parin ako makatulog. Napaupo nalang ako at huminga ng malalim at wala sa sariling napatingin sa isang higaan. Nasaan ka ba, Clementine?
Tumayo na ako at inayos ang sarili bago lumabas ng tinitirhan namin. Wala din si Aldione sa loob at tulog naman si Patrick at Flannery pati si Geryk na napagod sa training.
Malalim na ang gabi at wala na rin masyadong Hiarlcon ang naggagala sa paligid. Naglakad lakad ako at pasimpleng lumilinga sa paligid para hanapin ang babaeng kanina pa hindi umuuwi.
Hindi pa tapos ang training ng umalis siya at magmula nu'n ay di ko na siya nakita. Hindi ko mapigilan ang hindi magalala lalo na't kargo ng konsensya ko at di ko kakayanin kung may mangyaring di maganda sa kanya.
Napakunot ang noo ko at iniangat ang hawak kong gasera ng hindi na ako pamilyar sa daan na tinatahak ko. Inilibot ko ang tingin ng makaramdam ako ng kilabot, parang may nakatingin. Parang may nagmamasid.
Hindi na bago sa akin ang ganitong pakiramdam simula ng mapunta kami sa Hiarlco pero hanggang ngayon ay nakakakilabot padin.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang isang babae. Nakayuko at nakasandal sa isang malaking bato. Walang pakialam sa paligid. Lumapit ako dito, unti unti, naging pamilyar naman ang presensya nito hanggang sa mag-angat siya ng tingin.
"A-anong ginagawa mo dito?" Napakunot lalo ang noo ko.
"Clementine?" Hinawi niya ang buhok na tumatabon sa mukha niya at tiningnan ako ng diretso.
"Anong ginagawa mo dito?" Ulit na tanong niya sa akin. Hindi ko naman magawang makapagsalita. Kapansin ang pamumula ng mukha nito at ang pamumugto ng kanyang mga mata.
"Umiyak ka ba?" Kunot noong tanong ko dito. Lumapit ako laoaramakita ng mukha niya pero umiwas lang siya sa akin. Napatayo naman ako ng tuwid at minasdan siya.
"Clementine, umuwi na tayo."
Napatitig siya sa akin dahil sa sinabi kong iyon. Nagtaka naman ako ng magmalabis ang luha sa kanyang mata hanggang sa mapahagulgol ito. Teka, ano bang nangyayari?
Kusa at wala sa wisyong ibinaba ko ang gasera na nagsisilbing liwanag sa pagitan naming dalawa, sa itaas ng bato. Humakbang ako papalapit hinapit ang ulo niya pasandal sa dibdib ko. Ilang sigundo lang ay ang kusang paglibot ng kamay nito sa bewang ko, ang mahigpit na yakap niya at ang kanyang munting hikbi.
Hinaplos ko ang buhok niya at hindi nagsalita. Alam kong hindi ako pwedeng magsalita-- no. Ayokong magsalita. Ayokong magtanong, ayokong umasa na sasagutin niya ang mga tanong ko. Napahinga ako ng malalim. At pasimpleng ikinuyom ang kamao bago ikinalma ang sarili.
Mamaya ko na iisipin yung iba. Basta ngayon, isa lang ang mahalaga. Yakap niya ako at hawak ko siya.
"S-sorry." Bumitaw siya sa akin sa pagkakayakap at inayos ang sarili.
"Halika na," inalalayan ko siya patayo hanggang sa tahimik kaming umuwi sa tinitirhan namin. Walang ginagawang ingay na humiga siya sa kanyang higaan. Nang masiguro ko na komportable na siya ay lumabas ako ng tinutuluyan namin.
Napahinto ako ng makita si Aldione na naglalakad at hawak ang isang pulang ribbon. Walang emosyon itong naglalakad, parang malalim ang iniisip. Naikuyom ko ang kamao ko, mabilis na humakbang papalapit at sinuntok siya sa mukha dahilan para mapaupo siya sa lupa.
Nagangat siya ng tingin at gulat ito ng makita ako.
"Anong ginagawa mo pre?" Asar na sambit nito sa akin bago tinulungan ang sarili sa pagtayo.
"Hindi mo alam ang ginagawa mo, Aldione." Mariing sambit ko at tinaliman siya ng tingin.
"Hindi mo alam ang ginagawa mo, Hearley." Balik sambit niya sa akin. Mariing ikinuyom ko ang kamao.
"Tumigil ka na pwede ba? Ginugulo mo ang lahat!"
"Simula palang pre, magulo na ang lahat." Nakangising sambit niya at pinagpaggan ang sarili. Tumingin siya sa akin,
"Pre, kung galit ka sa akin dahil pinaiyak--"
"Tangina mo pala e." Inisang hakbang ko ang pagitan namin at pinahalik sa kanya ang kamao ko. Pula lang ang nakikita ko. Sinuntok ko siya ng sunod-sunod bago pinaulanan ng sipa.
May hinala na ako na siya ang nagpaiyak kay Clementine pero hindi parin ako sigurado. Pero ngayon, sa kanya na mismo nanggaling. Siya ang dahilan at proud pa siya doon huh?!
Hindi ko alam kung anong nangyari basta naramdaman ko nalang ang pagtalsik ko sa isang puno. Hinawakan ko ang sikmura ko dahil sa sakit kasabay ng pagkawala ng balanse ko sa katawan.
"Pre, wala akong balak na patulan ka kaya pwede ba? Tigilan mo na ka putanginang ugali mo." Mariing banggit niya sa akin. Halos dumoble siya sa paningin ko, manlabo at mawala pero pinilit kong dumilat para makita siya.
Humakbang siya papalapit sa akin.
"Pre, ito ang una't huling beses na magti-timpi ako." Tinapik niya ako sa balikat bago bumuntong hininga.
"Bakit hindi mo ilabas kung sino ka talaga. Huwag na tayong maglokohan pa, Aldione." Maangas na sambit ko. Natigilan naman siya bago natawa. Umiling isya ng ilang ulit bago lumayo at pinulot ang pulang ribbon.
"Huwag mo kong simulan." Ngumisi ito sa akin.
"Magkapareho tayo ng pinagmulan, Haerley."
--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡