CLEMENTINE AGOR
Dahan dahan akong nagmulat ng mata ng makaramdam ng gutom. Nasaan ba ako? Sinubukan kong gumalaw at biglang nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang pagkakatali ng mga kamay ko.
Tuluyang nasanay ang mga mata ko sa liwanag. Nakaupo ako sa isang sirang upuan, nakatali ang mga kamay at paa. Iginala ko ang tingin at nakitang nasa isang abandonadong classroom kami-- oo kami.
May apat pang nakatali sa mga upuan na para bang hindi pa nakakabalik sa wisyo. May mga sapot ang ceiling. Inaamag na din ang mga libro, maalikabok ang black boards at mga upuan maging ng mga lamesa.
"Huy! Gising!" Nagpumilit akong gumawa ng ingay hanggang sa unti unti silang gumalaw at nag ka malay.
"Damn hangover." Narinig ko pang banggit ng isang lalaki. For the info, tatlong lalaki ang nandirito at dalawang babae. Bale, lima kaming nakatali.
"I- i can't move my b-body.." nadako ang tingin ko sa babaeng nasa sulok. Nakatali rin sa upuan ang kamay at paa nito. Takot na takot ang mga mata, hindi narin naitago ang panginginig at pangangatal ng mga labi nito habang nagsasalita.
Kapansin pansin ang ikli ng mini- skirt nito at maduming tube na siyang suot niya. Magulo ang pagkakatali ang buhok at may make up pa ang mukha.
"What happened that night?" Nagkatinginan kaming lahat at iyon din ang nasa isip. Ano bang nangyari? Bakit kami nandito?
"Mamaya nalang tayo mag kwentuhan pwedi ba?Magisip kayo ng paraan kung paano tayo makakalis dito!" Dumako ang tingin naming lahat sa isang lalaki na nag sisimula ng maglumikot. Magulo ang buhok nito at punit ang kulay asul na damit nito.
"Who are you man?" Tanong nung lalaking naka semi kalbo at naka brace pa ito. Na puting t shirt na hindi ko alam kung matatawag bang puti dahil sa dumi nito.
"Sa ating lima, may mag kakilala ba?" Halos sabay sabay kaming umiling sa tanong ng isa pang lalaki. Naka maroon ito na polo shirt, basag ang shades na nakasabit sa damit niya, litaw ang adams apple. Tama lang ang pangangatawan.
Ibilibot ko ang tingin, sinubukan kong tantsyahin ang higpit ng pagkakatali sa kamay ko. Iginalaw galaw ko ito hanggang naramdaman ko nalang ang hapdi sa wrist ko.
Wait.. pinilit kong abutin ang laylayan ng longsleeve ko hanggang sa nakapa ko ang malamig na bakal. Blade.
Tama. Bago ako pumunta ng party na yun, pinuno ko ng patalim ang katawan ko, ang damit ko. Naka longsleeve polo ako at naka high waist ripped jeans.
"Yes" mahinang bulong ko ng tuluyan kong makuha ang blade. Napatingin naman sa akin yung apat kong kasama dito. Binigyan nila ako ng nagtatakang tingin na sinuklian ko ng pagtaas ng kilay.
Kitang kita ko sa mata nila ang kawalan ng pag asa na baka matulad kami sa sinapit ng mga tao dun sa party-- pero hindi ako. Kahit anong mangyari, makakatakas ako dito.
Ayokong mamatay sa isang madugong paraan at sa mga kamay ng mababahong nilalang.
"A-ako.. A-ako si F-flannery Valdis." Natigilan ako sa sinabi nung babae. Flannery Valdis.
"Ikaw yung anak ni Mayor diba? Kaya pala familliar ka. Ako si Haerley Farro. The cutest" Pagpapakilala nung naka asul na shirt.
"I'm Patrick Palo Antonio, the hottest " Tumango tango yung lalaking naka puting t shirt at naka brace.
"Aldione Badua, the sexy." Napangisi ako dahil sa mga kalokohan na idinagdag nila sa mga pangalan nila. Ni hindi manlang sumagi sa isip nila na pwedi kaming mamatay ngayon.
"Hey beautiful, what's your name?" Nag angat ako ng tingin kasabay ng tuluyang pagkaputol ng tali sa mga kamay ko.
"Clementine Agor." Hinaplos haplos ko ang nasugatang wrist ko dahil sa pagpupumiglas. Pansin ko ang paglaki ng mga mata nila habang nakatingin sa akin.
Nag kibit balikat lang ako at tuluyang kinalas ang tali ko sa paa. Ilang minuto rin iyong nagtagal dahil sa higpit at kapal ng tali.
Nang makatayo, inayos ko ang pagkakasuot ng polo ko kasi naka baba na iyon sa mga braso ko. Tiningnan ko sila isa isa.
"P-paano mo nagawang m-makawala?" Tanong ni Hearley Farro na nag sisimula ng magpumiglas.
"Utak." Lumapit ako sa lalaking nagpakilalang Adione Badua at kinuha ang isang patalim sa ankle boots na suot ko. Sa isang mabilis na galaw, nagawa ko itong pakawalan.
Binigay ko sa kanya ang isa pang swift knife at nagawa naming pakawalan ang iba. Nang matapos iyon, kinuha ko ang swift knife ko na kaagad niya namang binalik.
"S-salamat." Flannery Valdis ang nagsalita at hindi makatingin sa akin ng diretso.
Inilibot ko ang tingin sa buong classroom. Nagkalat at sira sira ang upuan, pinamahayan narin ng gagamba ang ceiling na mukhang bibigay na. Mga libro na maalikabok at mga chalks na inaamag
"Tara, bilis. Takasan natin si Ma'am"
"Ayoko nga, magagalit siya"
"Hindi na tayo bati"
"Sige na nga. Basta huwag mo kong iiwan a"
"Oo naman, pangako yun."
Marahan akong napapikit dahil sa biglaang pagkahilo. A-ano. Yung mga boses. Bakit may naririnig akong mga boses? Damn! Masama na to.
Marahan akong umiling at minasdan silang lahat.
"Maghanap tayo ng bagay na pweding gawing panlaban kung sakali." Sambit ko sa boses na sapat lang para marinig nila. Agad naman silqng tumalima sa sinabi ko. Nakakita ako sa sulok ng dalawang dos por dos na galing pa yata sa cieling na natuklap na.
Huminga ako ng malalim at tinungo ang pinto. Malalakas na pinag papalo ko ang door knob para mabuksan. Tinulungan ako ni Haerley Farro hanggang sa tuluyan namin iyong nabuksan.
Mabilis akong humakbang palabas ng bigla nalang may humila sa akin pabalik. Abot abot ang kaba ko sa nakita. Isang matarik na bangin. Walang tulay o makitid na daan.
Kundi sa labas mismo ng pinto, isang matarik at mataas na bangin. Ni hindi ko makita kung ano ang kahihinatnan ko sa ibaba kung hindi ako nahawakan ni Haerley Farro.
"Ayos ka lang?" Tumango ako kahit hindi magkamayaw ang puso ko sa pag kabog dahil sa takot.
"What the hell?! Bakit hindi pa kayo lumabas! Mamatay tayo dito!" Biglang nanlaki ang mata ko sa biglaang pangyayari. Sa isang iglap-- nawala. Mabilis na lumabas si Patrick Palo Antonio at sa kasamaang palad, nahulog ito sa bangin.
Napuno ng hiyaw ang maliit na classroom at wala sa loob na napa silip nalang. Walang bakas ng isang Patrick Palo Antonio.
"Wala na siya. Patay tayo." Aldione Badua na ang nagsalita. Bumigat ang paghinga ko. Nalagasan na kami ng isa.
"Galing siya sa angkan ng Lawyers. Paano kapag pinakulong tayo? Ayokong makulong" napatahimik ako sa muling sabi ni Aldione Badua.
"Hindi natin kasalanan. Atsaka makukulong lang tayo kapag nakaligtas tayo sa kung anumang lugar na to. Pero sa ngayon, pwedi tayong mamatay sa gutom." Tama siya. Tama si Haerley Farro.
Walang may kasalanan kung bakit wala na si Patrick Palo Antonio. Siya mismo ang nag patumpik tumpik at hindi nag isip na lumabas ng classroom na to ng walang pag dadalawang isip na pwedi soyang mamatay. At ngayon..
Ngayon, nalagasan kami ng isa. At sooner or later, pwedi kaming mabaon sa limot at matulad sa mga taong namatay sa misteryong party na yun.
Huminga ako ng malalim at pinigil ang panginginig ng kamay. Lahat kami nag katinginan ng may halong kaba ng makarinig ng malakas na pagkalabog.
--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡