Third Person
Ipinikit ni Clementine ang mga mata. Gusto na niyang maglaho, gusto niyang mawala. Hindi niya kaya ang ganitong sakit. Ang pagkalito na para bang pinaglalaruan siya ng lahat.
Nakaupo si Clementine sa likod ng tipak ng bato sa loob ng kweba ng dragon. Katabi nito si Aldione kung saan hinayaan lang siya na nakasandal sa balikat nito.
Hindi nila alintana kung ano na nga ba ang nagaganap sa labas ng kinalalagyan nila. Hindi sila nagtangka na tingnan ito o silipin man lang kung ano na ang nangyari.
Wala silang lakas na harapin ang nasa labas at hindi sila handa sa kung ano ang dadatnan nila.
Napatitig si Clementine sa kamay ni Aldione sa gilid niya.
"Y-yung kamay mo.." napaupo ito ang tuwid at nanatili ang mata sa kamay ng lalaki. Unti-unti iyong nawawala tapos muling babalik sa dati.
"Wala 'to." Umangat ang tingin niya kay Aldione na itinago ang kamay sa likuran.
Agad din siyang natigilan at inihinto ang tangkang pagtago sa kamay. Wala ng silbi kung itatago niya ito sapagkat hindi lamang ang kamay nito ang naglalaho at bumabalik, maging ang buong katawan niya.
"A-anong epekto ng pagkasunog ng Hiarlco sayo?" Ibinukas-sara ni Aldione ang mga palad at hindi nagsalita.
"B-bakit? Alam mo na m-mangyayari ito. Alam mo ang epekto ng pagkasunog ng Hiarlco sayo, bakit mo itinuloy?!"
Hindi mapigilan ni Clementine na magangat ng boses. Naguumapaw ang emosyon niya at lumalabas iyon sa mga mata niya sa pamamagitan ng pagluha.
Bahagyang umiling si Aldione at mahinang natawa ng makitang umiiyak na naman ito. Bahagya niyang iti-nap ang kamay sa pwesto sa tabi niya.
"Halika, tabi ka ulit sa akin."
Nawi-weirduhan man ay tumabi si Clementine sa kanya. Wala na siyang lakas na makipagtalo. Kaagad naman na pinagsiklop ni Aldione ang mga palad nila dahilan para matigilan ang babae.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ka dapat mapalagay o masanay sa Hiarlco? Hindi mo dapat mahalin ang lugar na ito kasi iyon ang magbibigay lakas sa lugar para sakupin ang sistema mo."
"A-anong ibig mong sabihin?"
Nagangat ng tingin si Clementine. Nakita niya ang side view ni Aldione na nakatitig sa kamay niyang magkahawak. May malungkot na ngiti ito sa labi habang pinagmamasdan ang mga kamay nilang magkasiklop.
"Patawad kung kailangan kong gawin ang mga bagay na masasaktan o maguguluhan ka. Iyon lang ang tanging paraan." Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Aldione.
"B-bakit mo sinasabi sa akin ito?" Iyak ni Clementine.
Ito ba ang dahilan kung bakit maya't maya siya paalalahanan ni Aldione? Kung bakit siya palaging nasa kapahamakan na dulot nito? Kung bakit pinahihirapan siya ng lalaki.. para manatili siyang tao at hindi tuluyang makain ng lugar ang sistema niya.
"Ito ang una't huling pagkakataon na masasabi ko sa'yo lahat."
Naramdaman ni Clementine ang bahagyang pagbigat ng paghinga nito. Humigpit din ang hawak ni Aldione sa kamay niya.
"Patawad kung pati sa huling pagkakataon ay masasaktan kita."
Nanlabo ang paningin ng babae habang tinitingnan ang bahagyang palalaho ni Aldione. Hindi na matingkad ang berdeng kulay nito. Parang bang unti-unti, nagiging isa sila ng paligid.
Nawawala ang wangis. Hanggang sa mabilis na gumalaw si Aldione para yakapin siya ng mahigpit.
"M-maging masaya ka.. " mabigat na bulong ni Aldione sa kanya.
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡