Clementine.
Mahirap magdesisyon kapag marami ang maapektuhan lalo na't hindi mo alam kung makakabuti ba ang epektong iyon sa kanila o makakasama.
Am I really going to take the risk? Natagpuan ko ang sarili ko sa kweba ng dragon. Tahimik na minamasdan ang mga numero at imahe na nakaukit sa pader.
Hindi ko na nga muling nakita ang higanteng ahas na nakalaban namin dito.
Eksakto lang ang liwanag na ibinibigay ng mga sulo sa paligid dahilan para mamasdan ko ng mabuti ang mga imahe. Huminga ako ng malalim.
Palabas na ako ng kweba ng dragon ng makita mula sa malayo si Aldione at Haerley. Parang nagsisigawan ang mga ito at mataas ang tensyon na nakapaligid sa kanila.
Dahan dahan akong lumapit at pinagsawalang bahala ang kaba na nararamdaman. Sa dami ng naramdaman ko nitong mga nakaraang araw, hindi na bago sa akin ang matakot o mabalisa, hindi ko alam pero nasasanay ako.
Parang tinanggap ko na na hinding hindi ako magiging masaya hangga't na sa Hiarlco ako. Oo nga't nandito ang mga naging kaibigan ko, pero hindi ko naman masabi kung lahat sila ay totoo sa akin.
"Hindi niya gagawin iyon." Natigilan ako ng marinig ang mariin na boses ni Haerley.
Mukhang hindi pa nila ako napapansin.
"Hindi mo kilala si Clementine, Hearley." Nahigit ko ang hininga ng marinig ang sinabi ni Aldione.
Nakangisi ito at parang nasisiyahan pa sa galit na ipinakikita ni Haerley. Marahas ang ihip ng hangin at lumilikha ng tunog ang kapaligiran.
"Hindi siya masamang tao! Hinding hindi niya susunugin ang Hiarlco! Paano na ang mga Hiarlcons, Aldione? Paano na ang mga nilalang na nakatira sa tahanan mo?"
"Huwag na tayong maglokohan pa, Haerley. Wala kang pakialam sa mga Hiarlcons na nandito." Tumalim ang tingin ni Aldione sa kanya. "Si Clementine lang naman ang gusto mong manatili dito."
"Aldione.." bulong ko sa hangin.
Hindi ko alam kung posible na marinig niya iyon pero naramdaman ko ang bahagya nilang paghinto at paggawi ng tingin sa direksyon ko. Nagangat ako ng tingin.
Ako na nakatingin kay Aldione, si Aldione na nakatingin sa akin at si Haerley, na nakatingin sa aming dalawa. Sapat na distansya sa bawat isa.
"Clementine." Bumaling ang tingin ko kay Haerley. "Hindi mo gagawin iyon.." umiling ito.
"Hindi mo isa-sakripisyo ang mga nandito para sa pansarili mong kapakanan." Napahinto ako.
Pansarili kong kapakanan. Kalaunan ay natawa ako ng walang buhay. Am I really that selfish? Ah, right.
"Hindi mo susunugin ang Hiarlco. Hindi mo sisirain ang Hiarlco para lang tingnan kung makakabalik ka sa mundo ng mga tao, 'di ba? Hindi mo isasakripisyo ang mga Hiarlcon na inosente para lang sa eksperimento mo. Hindi mo gagawin.. 'di ba, Clementine?"
Hindi ako nagsalita hanggang sa magunahan sa pagtulo ang luha ko.
"Masisisi mo ba ako kung gusto ko ng makabalik sa mundo ng mga tao?" He froze. Bago malungkot na ngumiti sa akin.
"Ano pa nga bang aasahan ko sayo, Clementine?" That literally broke me. "Hindi mo sila maalala pero mas pipiliin mo pa rin na bumalik sa mundo ng mga tao kaysa manatili sa lugar na 'to kasama ang taong totoong nagmamahal sa'yo."
"Ano bang alam mo sa akin sa mundo ng mga tao, Hearley?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. I snapped.
"Hiarlco? Nagmamahal sa akin? No! Pinaglalaruan niyo ako! Pinaglalaruan niyo kami! We never like to be here, to be with this kind of shit! I never dreamt to be your oh-so-called-hero that will save Hiarlco from that motherfucker 46! Can't you see that I am human, Haerley?" Lumaki ang mga mata nilang nakatingin sa akin.
Hinabol ko ang paghinga. Ikinuyom ko ang kamao.
"Will you be still considered human if you did it, Clementine?"
Naiyak ako lalo ng marinig ko ang lengwaheng inglish mula sa ibang tao. Ipinaalala niya yung pakiramdam ng napapaligiran ako ng mga taong english ang wika.
Siguro dahil kakabalik ko lang sa pagiging Hiarlcon. Siguro dahil naramdaman ko ulit yung katawang tao ko sa pamamagitan ni Mrs. Cecelia kaya ganito. Hindi ko alam, hindi ako sigurado.
Nilakasan ko ang loob para magtanong. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Ang gusto ko lang ay makabalik sa mundo ng mga tao, ang makabalik sa buhay ko. Ngayon, wala na akong pakialam.
"Ngayon sabihin mo sa akin, Haerley." Nanatili ang tingin kay Haerley habang si Aldione ay nakatayo at nakikinig. "Mahal mo ako?"
Nagbukas-sara ang bibig ni Haerley pero hindi naman niya sinagot ang tanong ko. Mariing ipinikit ko ang mga mata at pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Sorry, Haerley." Bahagya akong umiling at malalaki ang hakbang na nilagpasan siya pero hindi pa ako nakakalayo ng humawak siya sa braso ko para pigilan ako sa paglalakad.
"Oo, Clementine. Mahal kita kaya gusto kong manatili ka dito sa Hiarlco. Kasi alam ko, na dito, makakasama kita. Hindi ako para sa mundo ng mga tao." I bit my lowerlip bago nilingon siya.
Binawi ko ang braso ko na hawak niya bago diretso ang tingin sa mata niya at nagsalita.
"Hindi ako para sa Hiarlco." Bahagya akong umiling.
"H-hindi ko matatanggap kung ano.. ano man ang nararamdaman mo sa akin. Sorry."
His eyes turned into something I can't explain. Lungkot at sakit? Disappointment? Posible bang maghalo iyon sa mata ng isang tao?
Nilingon ko si Aldione bago ako tuluyang umalis. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko iyon, kung bakit tahimik kong hinihiling na sundan niya ako. Hindi niya ginawa. Alam kong alam niya ang dahilan kung bakit hindi ko matanggap kung ano ang nararamdaman ni Haerley para sa akin.
Nagtuloy tuloy ako sa paglakad palayo.
"Clementine!" Agad na pinunasan ko ang luha ng marinig ang pagtawag ng kung sino sa akin.
Nilingon ko siya at nakita ko si Palo na malaki ang ngiti sa akin, bahagya akong natawa ng muli kong makita ang braces niya sa ngipin. Hindi man niya maalala na isa siyang tao yung braces niya ang nagpapatunay na galing siya at nabuhay siya sa mundo ng mga tao.
"Kumain ka na?" Umiling ako. Inabutan niya ako ng mga prutas.
"Masaya ka ba dito?" Hindi mapigilan na tanong ko ng tumabi siya sa akin mula sa pagkakaupo ko sa malaking ugat ng puno.
Naglalaro ng nanay tatay si Flannery at Geryk. Habang si Winchester naman ay naririto rin at tumatawa sa tuwing pinipingot ni Flannery si Geryk kapag nagkakamali ito.
"Oo. Wala na akong alam na ibang lugar na makapagbibigay ng saya sa akin katulad ng ibinibigay ng Hiarlco. Sa totoo lang, iba rin yung saya na ibinibigay mo sa akin, Clementine pero hindi na ako makikiagaw." Natawa ako.
"Okay na ako sa kaibigan." Sambit niya.
Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. Napangiti na lang ako ng makitang si Winchester iyon.
"Maganda?" Nakangiting tanong ko.
"Sobra.. I mean, ano.. hindi.. anong maganda?" Natawa ako bago bahagyang umiling bago tinapik siya sa balikat. Tinamaan ang kalbo. pfft.
"Clementine! Sali ka?" Nakisali ako sa mga naglalaro.
Ipinagsawalang bahala ko ang mga nalaman, ang mga nangyari. Gusto ko munang tumawa kasama sila. Gusto ko munang kumalma kasama sila.
Kasi alam ko, hindi magtatagal kamumuhian nila akong lahat.
At hindi ako nagkamali. Kasi noong gabi ding iyon, nahulog ko ang lampara na hawak ko at nu'ng gabi ding iyon, kumalat ang apoy sa Hiarlco.
×
Two more chapters before the epilogue! ⚘
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡