Clementine Agor
"Kinakabahan ako.." napatingin kaming lahat kay Aldione Badua na nagsalita. Hindi ito mapakali sa pagkakaupo.
Gayun din si Flannery Valdis na ilang ulit ng nag papabalik balik ng lakad. Si Patrick Palo Antonio na nilalaro at binibilang ng paulit ulit ang apat na daliri nito. Si Haerley Farro na naka upo ng prente pero namumutla at hindi na yata humihinga.
"Guys, pwedi bang mag relax kayo?" Asar na banggit ko at sumandal sa malambot na upuan na gawa sa pinag patong patong ng kung anong uri ng dahon.
"Paano mo nagagawang kalmado ngayong mamatay na tayo?!" Singhal sa akin ni Patrick Palo Antonio. Nag ngingitngit ang ngipin nito na para bang naiinis at the same time na natatakot.
"Ikaw lang. Nandamay ka pa, huh?" Sabat ni Aldione Badua. Napangisi nalang ako sa tinuran nito.
"Kung mamatay ako paglabas ko ng dahon na kurtinang iyan, damay damay tayo." Angit na parang bata ni Patrick Palo Antonio.
"Huwag ka ngang negga Patrick!" Napabuntong hininga nalang ako ng samaan niya ng tingin si Haerley Farro.
"First name basis na pala kayo." Nagpatuloy pa ang walang hanggan na asaran nila dahil sa kaba.
Inilibot ko ang tingin sa paligid, nasa isa kaming lugar na hindi ko alam kung saan basta gumamit sila ng ibang dimensyon, ang kurtinang nasa harapan lang namin na parang pinto, ang mag sisilbing pintuan namin at lagusan para makabalik sa Hiarlco.
Kulay lila ang paligid at may isang mataas na puno kung saan kami na roroon. Hindi nalalayo ang kulay ng balat namin sa kinatatayuan namin. Rinig na rinig ang payapang huni ng mga ibon, mga kaluskos ng ligaw na hayop at kung ano ano pa. Maging ang boses ng mga kasamahan ko.
Ngayon ang oras kung saan ipapakilala kaming Kwatros kasama ang iba pang distrito ng Hiarlco. At ngayon din magaganap ang labanan na para bang patikim lang para sa 'main event'.
At iyon din ang dahilan kung bakit hindi mag kanda ugaga ang mga kasamahan ko dahil sa kaba. Ang iniisip ko nga e baka gawin nanaman nila akong human shield kapag nagkataon-- although, nababasa ko naman at may guts ako na marunong silang makipaglaban pero hindi nga lang nasusubukan sa isang madugo at patayan na laban kaya siguro ganun na lamang ang kaba at takot nila.
"Kung sino man ang makaligtas sa atin, susunod sa hukay a? Dapat sama sama. Mamatay ang isa, mamatay ang lahat."
Ilang kamay ang dumapo sa kalbo nitong ulunan dahil sa sinabi ni Haerley Farro. At syempre,hindi ako kasali doon.
"Bigyan ng masigabong palakpakan. Ang Kwatros na ipinagmamalaki ng Distrito ika sais!"
Huminga kami ng malalim bago lumabas. Eto na yun. Parang may naririnig akong imaginary drum roll na sumasabay sa pagkabog ng puso ko.
Isa isa kaming pumasok sa kurtina. Nagsilbi itong magic door dahil iniluwa kami sa templo.
Nang mag adjust ang paningin ko sa liwanag, doon ko na kita ang kabuuan ng lugar. Parang nasa itaas kaming puno na may templo. Tapos nakahiwalay at nakapalibit sa paligid ang mga Hiarlcons.
Ang nakapagtataka,iba iba ang mga kulay nito at iba iba din ang itsura. Sa sobrang dami ng Hiarlcons, parang isang langgam sila sa paningin ko at kumpulan. May mga sumisigaw, may mga nag che-cheer, may sumasayaw,maingay at hindi ko gusto. May nakahawak pa ng plakard na ewan. Basta! Mahirap maipaliwanag.
Nanatili sa likod namin ang pinto na nagsilbing lagusan, kami pala ang huling tinawag. May apat na grupo pa na nandirito.
Yung isang grupo, flaming red ang kulay at parang may image na apoy sa iba't ibang parte ng katawan nito. Kahit Hiarlcons ang itsura nila,hindi maikakaila na magaganda at may itsura ang mga ito kung iko-convert natin sa itsura ng mga tao. 9 out of ten. Uno yan ang nakalagay sa pinakaitaas na parang screen sa ulunan nila.
Asul naman ang kulay nung isang grupo at may simbulo silang ekis sa mukha mga ito. Nag mukha silang pirata na engot,pero honestly speaking? Nakakatakot silang tingnan. Puro kasi sila babae at matataray tumingin pero wala na akong paki alam dun. Tres ang pangalan ng grupo ng mga ito.
Yung isang grupo pa naman ay brown ang kulay pero may mga yellow na highlight ito sa katawan. May mga linyang vertically at mukhang lalaki ang ma babaeng Hiarlcons dahil lahat sila ay kalbo. Sais ang nakaukit sa ulunan ng mga ito na nag sisilbing pangalan ng grupo nila.
At ang huli, purong itim ang kulay ng mga ito, anim silang lahat. Ang puting mga mata lang nito ang nagsisilbing pagkakakilanlan. May pula rin silang ribbon na parang nag sisilbing pagkakakilanlan nila. Ang Dyis.
Napalunok ako ng ilang ulit ng magtama ang tingin naming lahat na para bang inaaral ang magiging galaw ng bawat isa. Kapansin pansin ang pagiging tahimik ng mga kasamahan ko na para bang tinitimbang ang mga mangyayari.
Sana lang at walang mawalan ng malay sa kanila ngayon. Please lang. Huminga ako ng malalim ng umakyat ang tensyon sa katawan ko. Sa isang gilid, nakahelera ang magagarang upuan mula sa iba't ibang distrito ng Hiarlco. Nakita ko doon si Kodiak na matamang nag mamasid, nasa mag kabilang gilid nito si Eco na hindi maipaliwanag ang pangit nitong mukha at si Winchester na may kakaibang ngiti sa labi.
Muli kong tinapunan ng tingin ang mga kalahok. Mqy mga auras silang isinisigaw na alam ko, ilang araw silang nag sanay. Ngayon, kung tutuusin, ito ang unang araw namin sa Hiarlco ng buo pero hindi namin magawang i-enjoy ang wierd pero magandang lugar na ito.
"Sana nagawa kong makilala yung ibang Hiarcons at nakahanap manlang ako ng girlfriend." Naiiling na sambit ni Hearley Farro.
"You want to get laid before you die?" Di makapaniwalang sambit ni Patrick Palo Antonio.
"Gago, hindi! Ang dumi ng isip mo." Ngumisi lang si Patrick Palo Antonio sa tinuran ni Haerley Farro.
"Tigilan niyo na nga yan. Kitams, umi-english nanaman si Patrick kala mo naman di pilipino" singit ni Aldione Badua.
"Baka nakakalimutan niyo, wala na tayo sa Philippines. Nasa Hiarlco tayo." Natigilan naman ako sa sinabi ni Patrick Palo Antonio.
"Yun na nga! Hindi natin alam kung saang lupalop ng lugar makikita ang lugar na to." Sumingit na din si Flannery Valdis sa usapan ng mga kalakihan.
Mukhang nakakalimutan na nila ang nakatakdang labanan which is great, kasi natanggal ng konti ang mga kaba nito kahit may possibilities na magbuhay ako ng ka miyembro.
"Uno, Tres, Dyis, Sais at Kwatros. Ihanda na ang mga sarili! Atin ng simulan ang patimpalak na mag didikta kung anong kapalaran ang sasapitin ng inyong Distrito! Isa itong malayang pagtatanghal! Lahat ay lalaban!" Kapagkwan ay ngumiti ito sa amin.
"Ang manatiling nakatayo, ang makakakuha ng isandaang puntos at magkakaroon ng limang buhay sa mismong palaro na gaganapin sa Arc Circle! Humanda na! Simulan na!"
--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡