Hiarlco 02

603 33 1
                                    

Clementine Agor

Nagkumpulan kami sa isang gilid dahil sa lakas ng kalabog. Mas pinili naming isara ang pinto at kami-- na nababalot ng takot at kaba ay nasa sulok ng maliit na classroom, nag sisiksikan at nagtutulakan kung sino ang titingin sa bumagsak na bagay mula sa itaas na nag tatago sa likod ng mga wooden chairs.

"Tingnan mo na!" Pilit kong itinutulak si Haerley Farro para tingnan kung ano ang bagay na iyon.

"Ikaw na!" At dahil malakas siya,naitulak niya ako malapit mismo sa bagay na iyon. Nanlaki ang mata ko at mabilis na nakabalik sa kanila dahil sa nakita.

"Ano? Anong nakita mo?" Sinamaan ko ito ng tingin. Ang lakas ng loob makatulak e hindi naman kami close!

"I-isang.. bagay.. hindi ko maipaliwanag." Para itong nakabalot sa sapot. Isang bagay na balot na balot ng sapot ng gagamba. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Dahan dahan akong humkabang papalapit.

Iginilid ko ang mga upuan para magkaroon sila ng access sa wierdong bagay na nakita ko. Mas malaki pa ito sa akin! Pero mukha namang harmless. Mahigpit ang hawak ko sa swift knife bilang pag dipensa. Abot abot ang kaba ko at halos manginig ang tuhod ko.

"Baka laman loob ng tao ang meron sa bagay na yan." Mas lalo kong sinamaan ng tingin si Haerley Farro. Nakatingin lang siya pero halata ang kaba at takot sa mga mata nito.

Pinili kong buksan ang sapot. Matibay ito kaya halos masira ang swift knife ko pero nagawa ko itong buksan bago pa siya tuluyang bumigay.

"H-help" napahinto ako at agad na nabitawan ang swift knife. Hindi ako kaagad nakakilos dahil sa bagay na nasa loob ng sapot.

"Hey man! Help me here!" Muling sambit nito. Iyon ang naging hudyat para lumapit sila Aldione Badua at Hearley Farro para tulungan ang taong iyon.

"P-patrick Palo Antonio. W-wait.. paano?" Lahat kami naka tanga sa kung paano nangyari ang bagay na iyon. Kitang kita namin, dalawang mata na nahulog siya sa bangin na nasa labas ng classroom na ito pero eto siya ngayon, buhay at nakatulala na hindi makapaniwala sa nangyari.

"Wait. Masisira utak ko nito. Ano bang nangyayari?" Asar na banggit ko. Walang nakasagot nun sa aming lima na nandirito.

Parang palaisipan. Paano nangyari na buhay si Patrick Palo Antonio?! Argh! Literal na mababaliw ako. Napaupo nalang ako habang pilit iniisip kung totoo ba tong nangyayari sa akin.

"I thought i'm going to die." Yan din ang iniisip namin. No. Yan dapat ang mangyari. Nahulog lang naman siya sa isang matarik na bangin tapos bigla nalang babagsak sa harapan namin na wala ni isang galos?!

"Ano yang nasa leeg mo?" Napatingin kami kay Flannery na nagsalita. Dumako ang tingin namin kay Patrick Palo Antonio na kinakapa ang leeg niya.

"Alin? Wala naman a" pinulot ko ang isang basag na salamin at agad na inabot sa kanya. Umiwas naman siya sa pag aakalang sasaksakin ko siya-- like duh.

"27?" Tama. May markang nakasulat na 27 sa leeg nito. Hindi ito kalakihan at sakto lang. Parang marka.

"Ikaw din meron, Hearley. 26" pukaw nito kay Haerley. Nasa collar bone ang marka niya. Katulad ng kay Patrick, ganuon din ang pagkakasulat.

"Yey! Meron din ako! Look!" Masaya pang banggit nito at pinakita ang meron sa palapulsuan niya. Hindi alintana ang panganib na dala nito.

At gaya ng inaasahan,meron din ako. Ngayon ko lang napansin, malaking letrang 22 sa may bandang gilid ng appendix, natatakpan pa ng pantalon ko ang kalahati.

Lahat sila nakasulat ang mga numero sa salita, as in words at hindi numbers. And ofcourse, Aldione Badua, with his number, 21 sa likod nito. Pinakita niya ito sa amin.

"Hindi naman siguro kayo nag pa tattoo diba?" Halos lahat kami umiling sa tanong ni Haerley Farro. Nanatili akong nakaupo sa isang gilid. Iniisip kung saan ko nakuha ang numerong ito, kung paano kami makakatakas at kung paano kami mabubuhay.

Lima kaming lahat sa loob ng sirang classroom at hindi makalabas dahil siguradong mamatay kami pag ginawa namin iyon. Hanggang ngayon palaisipan kung ano ang totoong nangyari sa wierdong party na yun at kung bakit at paano kami nakapunta dito. Kung anong klase ng nilalang ang kunuha sa amin at pinili na ikulong kami dito kaysa patayin kagaya ng ginawa nila sa mga taong yun sa wierdong party.

Sa pag iisip, nahagip ng mga mata ko ang isang bag pack. Wait.. wala yan dyan kanina.

Nilapitan ko ito at kinuha. Dahan dahan ang ginawa kong pag bukas at halos literal na mag ningning ang mga mata ko dahil sa nakitang mga pag kain. Naka garapon ito, tiningnan ko lahat at limang garapon ang naroroon.

"Pag kain ba yan? I'm hungry na kasi." Binigay ko isa isa sa kqnila ang mga iyon at nag kibit balikad.

Pero ganun nga siguro kapag gutom ka na. Lahat papatusin mo para mabuhay. Sinimulan kong tikman ang napunta sa aking garapon. Prutas anf laman nito, hindi naman mabaho at mukhang kaka- slice lang ng pakwan at mansanas. Pero hindi ko kakayaning mag pakampante, hindi sira ang mga prutas at pwedi ding may lason.

"Okay siya guys." Ang tanging sinabi ko at mabilis na naubos ang akin. Bahala na kung may lason, kung mamatay edi mamatay. Tutal, yun din naman ang ending namin sa classroom na ito kapag hindi kami nakalabas at nakagawa ng paraan.

Minasdan ko ang lahat na kumain. Walang nag reklamo bagkos ay nasarapan pa ang mga ito. Hindi ko alam kung saan lumitaw ang bag na ito pero blessings to para sa amin na nagugutom.

Naupo kami sa isa isang upuan at tumunganga. Wala namang ibang paraan para makalabas. At ang hindi ko maintindihan, yung mga numero.

At paano napang yung naiwan naming pamilya? Marahan akong umiling. Wala na kaming takas.

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now