Clementine Agor
Sa minutong to, tila natulos ako sa kinatatayuan ko. Di ako makagalaw na ewan. Parang tanga. Takte. Huminga ako ng malalim, parang biglang tumahimik ang paligid sa kabila ng nag lalabang Hiarlcons.
Yung mga Hiarlcons din na nag che-cheer. Bumubuka ang bibig nila pero hindi ako makarinig ng kung ano. Nabinge na ba ako? Ano bang nangyayari bakit hindi ko maramdaman ang katawan ko?!
Rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Sobra sobra ang kaba dahil sa pagkakataong ito, mamatay kami. Pwedi kaming mamatay sa isang iglap. Ano bang laban namin sa mga nasanay nang Hiarlcons na to?!
"Gusto mo bang mamatay?"
Nabalik ako sa wisyo dahil sa isang kalmadong boses na sumalo ng suntok na dapat sa akin. I mean, pinigilan ito ng mga palad niya at agad na pinilipit.
At ngayon ko lang napagtanto, nasa labanan kami. Nasa isa kaming laro kung saan hindi pu-pwedi ang tatanga tanga. Sa isang iglap, pinuno ng ingay ang paligid. Magulo. Nadako ang tingin ko dun sa lalaking Hiarlcons na nagsalita. Flaming red ang kulay niya at mula siya sa UNO.
"S-salamat." Tinanguan niya lang ako at agad na iniwan. Ipinalibot ko naman ang tingin, nakita ko ang lahat, kahit pagod ay walang bumagsak. Kahit namamaga na yung mukha nung iba walang bumagsak.
"Clementine!"
Lumingon ako sa likod at doon ko nakita si Patrick Palo Antonio na sakal sakal ng isang Hiarlcons na brown ang kulay. Nakalimutan ko na kung saang grupo sila kabilang.
Tinakbo ko ito at malakas na sinipa ang tuhod nito dahilan para mapaluhod ito sa sakit ng wala sa oras. Napangiti naman ako, mas dumoble ang lakas ko sa ganitong klase ng katawan.
Nagsimula akong makipaglaban. Walang armas na gagamitin ngayon at nakita ko kung paano nakipag bugbugan sila Aldione Badua na kinikindatan lang yung mga babaeng lumalapit sa kanya. At ang labas? Naakit sila dito at sila mismo ang sumasangga sa mga ataki na dapat kay Aldione Badua. Flirt.
Napairap ako ng wala sa oras. Malandi pala angfuts. Sinuntok ko sa mukha ang isang nagbalak na lumapit sa akin dahilan para bumagsak sila. Weaklings. Yumuko ako para iwasan ang isang sipa na nanggagaling sa Dyis. At ng makita ang maliliit na kamao nito na papunta sa dibdib ko, hinila ko ang pinakamalapit sa akin para gawing human shield.
Nag belat naman ako dun sa nagtangka na kinainis nito. Napangisi ako. Masakit ang kamao ko dahil ang ti- tigas ng makakapal nilang mukha! Seryoso na to!
"Haerley!"
Napalingon ako sa likod dahil sa sigaw ni Flannery Valdis. Pinalilibutan siya ng mga lalaking Hiarlcons na balak yata siyang halayin. Tsk. Pokpok naman ang puta.
Pero syempre bilang mabait na mamamayan ng Hiarlco, hinayaan ko lang. Kaya na niya yan. Kaya nga niyang makipag landian di niya kapag lumaban? Duh.
Lumahok sa pwesto niya si Haerley Farro at Patrick Palo Antonio. Naku! Kung alam niyo lang, gustong gusto din niyan. I hate her. First empression palang ayoko na talaga sa kanya.
"Relax" sinamaan ko ng tingin ang sinumang tumapik ng balikat ko na tila ba pinapakalma ako. Nalaman ko lang na si Aldione Badua iyon. Tsk. Di kami close.
Iwinaksi ko lang ang kamay nito na tinawanan niya lang. Inirapan ko nalang siya bilang tugon. Wala akong panahon para sa ganyang issue.
"Hey, I'm Geryk Bilangel from Uno." Lumitaw sa harapan ko yung lalaking flaming red ang kulay na sumalo ng kamao kanina.
Malapad ang ngiti nito na para bang casual na nakikipagkilala. Harmless. Mukha siyang harmless sa paningin ko. Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad at agad na nakipag kilala.
Parang nakalimutan niya na nasa gitna kami ng nagkakagulang Hiarlcons na lumalaban para sa limang buhay sa mismong palaro. Nanlaki ang mga mata ko ng umangat ang mga paa niya para sipain ako sa mukha na agad ko namang nasalag gamit ang kaliwang braso ko pero mas malakas siya kaya nakaramdam ako ng hapdi.
Sinamaan ko ito ng tingin at mabilis na hinawakan ng dalawang kamay ang nakaangat niyang mga binti at ibinalibag siya sa sahig.
Umikot siya para magpalit ang situation namin nung oras na bumagsak siya ng pagkalakas lakas sa templo. Ako na ngayon ang nakalapat sa ibaba habang siya sakal sakal ako gamit ang mga braso niyang nakadiin sa leeg ko.
Nginisihan ko ito at nagtanong.
"Ganyan ka ba magpakilala?" Natatawang tanong ko sapagkat hindi naman ako napuruhan. Yung mga braso ko lang na mag kakapasa siguro o may pilay na dahil naramdaman ko na ang sakit.
"Oo, pero sa magaganda lang katulad mo." Kumindat siya sa akin. Gamit ang malaya kong mga tuhod, stinuhod ko ang kinabukasan niya. Nawalan ng kulay ang mukha niya at halos hindi huminga. Nakatulala lang ito habang hawak ang alaga niya at nanlalaki ang mga mata.
Lumuhod ako para maging katapat niya at pi-nat na parang aso ang ulo niya. Nginisihan ko ito.
"Ganyan din ako makipagkilala, pero sa gwapo lang na katulad mo." Kumindat ako sa kanya na alam kong kinainis niya.
Ilang minuto lamang simula ng tumalikod ako ay narinig ko na ang sunod sunod na sigaw nito na para bang nasasaktan. Opps! Napalakas yata. Napailing iling nalang ako. Kasalanan niya yun. Siya ang unang nag attempt na saktan ako-- o diba?
Iilan nalang ang nanatiling nakatayo, halos lahat ng Hiarlcons ay nakalutang na sa ere na para bang lantang gulay. Meaning, talo na sila. Nandun na din sa taas si Haerley Farro at Flannery Valdis.
So bale ang kasama ko nalang ay si Aldione Badua at Patrick Palo Antonio na lumalaban dito sa baba. Mula sa kintatayuan ko, nakita ko na may kanya kanya silang kapares, lima nalang kaming nandito. Tatlo galing sa Kwatros, isa sa Dyis, at isa din sa Dos.
Hayahay na sana ang buhay ko ng iwan nilang dalawa ang mga kasamahan ko at ako ang sinugod. Napaatras ako ng konti dahil biglaan iyon at para bang nagloading ang utak ko dahilan para mapuruhan ako ng isa sa kanila sa mukha.
Dumura ako ng dugo-- at laking gulat ko ng kulay blue iyon. Shems!
HINDI NA AKO TAO NGAYON!
--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡