Hiarlco 25

118 9 0
                                    

Clementine.

"Saan ka pupunta?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa likod ko.

"Relax. Ako to." Naging pamilyar ang mukha nito. Napahinga naman ako ng malalim ng kumalma ang sistema ko.

"Hearley.." diretso siyang tumingin sa mata ko. Bahagya ko namang itinulak ito paatras sapat para magkaroon kami ng distansya sa isa't isa.

"Saan ka pupunta?" Muling tanong nito sa akin.

"A-ah. M-maglalakad-lakad lang." Tumagos ng tingin ko sa likuran nito.

"Sinong hinahanap mo?" Tumingin rin siya sa likdo niya pero kunot noong bumalinga ng tingin nito sa akin ng makitang walang kung ano sa pwesto na iyon.

Hindi na ako nagsalita at nilagpasan siya. Umupo ako sa malaking ugat ng puno sapat lang para maging upuan iyon.

"Nanaginip ka ulit?" Tumabi ito sa akin. Hindi ako umimik hanggang sa bumuntong hininga ito.

"Pasok na ako sa loob. Sunod ka nalang." With that, umalis na siya at tumuloy sa tinitirhan namin.

Napatingin ako sa kawalan. Wala sa loob si Aldione Badua, sigurado ako roon. Pero imposible naman na hindi magkasalubong ang dalawa hindi ba? Tumayo ako at napagpasyahang maglakad lakad. Abg mga sulo sa paligid ang nagsisilbing ilaw ng buong bayan. Kaya tuwing tabi, kahel ang nangingibabaw na kulay habang berde naman kapag umaga.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko alam!"

"Mali ka ng inaakala. Mali ka ng alam."

"Paanong naging pagkakamali ang bagay na iyon?! Totoo lahat ng nakita ko! A-ang lugar na i-ito---"

"Ang lugar na ito ang nagligtas sa atin sa kamatayan. Huwag mong kalimutan iyon."

Napahinto ako at bahagyang napahawak sa ulo ko dahil sa biglaang pagsakit nito. Ang mga boses na iyon. Pamilyar. Iyon ang mga boses na narinig ko nung pumunta kami sa Hiling at kasama ko si Tuzo. Pero anong ibig sabihin ng paguusap na iyon?

Idagdag mo pa ang ilang imahe ng pagaaway, apoy, at asul na dugo. Magulo at malabo. Maingay. Iyon ang mga emahing nakita ko ng hawakan ni Tuzo ang kamay ko nung oras na kinuha ko siya sa kanyang ina.

Hindi.. hindi nagtutugma ang lahat.

Napahinto ako at mariing ipinikit ko ang mga mata. Pilit kong inaalala kung paano kami napunta dito. Pero malabong imahe lamang ang nakuha ko. Magulong mga ilaw, nagsasayawan at usok ng sigarilyo.

Bakit hindi ko maalala? Bakit.. hindi ko na maalala?

"Mas mabuting manahimik ka nalang Clementine." Napaharap ako sa likod ko dahil sa biglang nagsalita. Walang emosyon ang mukha nito at matiim na nakatingin sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa pulang laso na hawak niya.

"Ano yan?" Tanong ko rito ng maayos ko ang sarili. Palihim kong ikinuyom ang kamao.

"Kinakain ng lugar ang sistema natin, Clementine. Kinakain tayo ng Hiarlco." Natigilan ako at halos mahigit ko ang hininga.

Ipinalibot nito ang tingin sa buong lugar. Naghahanap ng kung sinong nakikinig.

"A-ano.."

"Lahat ng memorya, emosyon, at isip natin. Kinakain tayo ng lugar. Sinasakop nila hanggang sa sila na mismo ang kumontrol sa sistema natin. Si Geryk Bilangel? Dalawang taon na siya sa lugar na ito. Tao rin siya katulad natin. Pero kung ituring niya ang sarili niya ay parang isang purong Hiarlcon."

"P-paano mo nalaman ang mga bagay na ito?"

"Panaginip. Ang panaginip mismo ang nagsasabi sa atin ng katotohanan." Panaginip?

"Sa ganitong klase ng mundo, pagkatiwalaan mo ang iyong panaginip. Kasi sa lugar na ito, ang panaginip mismo ang totoo." Kaya ba palagi siyang bangag, nakakunot ang noo at tulala tuwing pagkagising niya? Kaya ba palagi siyang walang imik?

"P-paano ka nakakasiguro? Panaginip.. hindi e."

"Ang mga nakita mo at narinig. Ang ipinakita sayo ni Tuzo, ang sinabi ng mama niya. Hindi ba.. iyon totoo?" Nagiwas ako ng tingin ng humakbang siya papalapit.

"B-bakit mo sinasabi sa akin ito?" Tumaas ang sulok ng labi niya at huminto sa harapan ko. Umangat ang kamay niya sa pisnge ko.

"Ikaw... ba ay tao katulad namin, Clementine? O parte ka talaga ng lugar na ito?"

Mariing ipinikit ko ang mata. Hanggang sa marinig ko ang mahinang tawa nito. Napatitig ako sa kanya. Tumalikod ito at naglakad palayo. Wala na siya pero yung mga salita niya nanatiling nage-echo sa pandinig ko.

Yung mga tanong na iyon, nagsimula na akong magduda. Napatingin ako sa mga palad ko. Posibling parte ako ng lugar na ito, pero hindi.

Hindi pwedeng mangyari iyon. Hindi pwedeng maging parte ako ng lugar kung kasama nila ako bago paman ako mapadpad dito.

Kasama nila ako. Tao ako. Isa akong tao.

Napaangat ako ng tingin ng makaramdam ng kakaiba. Ang paggapang ng kung ano sa paa ko paakyat sa bewang ko. Natulos ako ng tayo at hindi makagalaw. Umakyat ang pakiramdam na iyon sa leeg ko hanggang sa bigla nalang akong hindi makahinga.

Ang bagay na iyon ay pumalibot sa leeg ko.. sinasakal ako.

"A-ackk!"

Sinubukan kong magpumiglas pero mas lalo lamang iyong humihigpit. A-ano.. ano ang bagay na ito? Bakit parang sumisikip ang paligid? Bakit parang lahat ng puno ay nakayuko at nakatitig sa akin? B-bakit parang malambot ang lahat? Lumalaki ng lumalaki? Sinisiksik ako ng sinisiksik? B-bakit parang palapit sila ng palapit? Bakit parang yumuyupi ang paligid? Na parang dadaganan ako?

"Clementine! Clementine!" Ang pamilyar na boses na iyon.. bakit pahina ng pahina? Bakit parang sobrang bagal?

"A-accckk!"

Handa na akong magpakain sa kadiliman ng biglang pumasok ang hangin sa akin. Napalihod ako at kumuha ng lakas sa lupa habang marahas na hinahabol ang hininga. Ilang ulit ko pang tinampal ang dibdib.

"A-ayos ka lang? Anong nangyari?" Humawak sa balikat ko si Hearley bago ako ikinulong sa bisig niya. Napansin ko ang paghabol nito ng sariling paghinga dahil sa takot.

Hindi ko masabi. Sa likod niya, nakita kong nakatayo si Aldione Badua. Walang ekspresyon na diretsong nakatingin sa akin.

Sino ka ba talaga?

Ako ba ang parte ng lugar? O ikaw na nagpapanggap lang?

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now