Hiarlco 33

97 9 0
                                    

Clementine.

"Hey." Napaangat ako ng tingin. Si Haerley na nagaabang sa labas ng tinitirhan namin na para bang may hinihintay. Natigilan siya ng makita ang mukha ko dahil sa sulo na nasa paligid.

"Bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?"

Humakbang ito papalapit sa akin at kusa ko namang iniatras ang paa ko. Nagtataka niya akong tiningnan at para bang nagulat dahil sa inakto ko. Pinunasan ko ang luha ko.

"I'm o-okay."

Dumeretso ako sa loob ng tinitirhan namin at naabutan silang lahat na mahimbing ang tulog. Sana lahat kaya pang matulog ng mahimbing sa kabila ng mga pangyayari.

Sumampa ako sa higaan ko at kaagad na binalot ang katawan ko ng nagsisilbi nilang kumot. Isinubsob ko ang mukha sa malambot na unan at doon, hindi ko na napigilan ang pag agos ng luha ko dahil sa pinaghalo-halong frustration, pagkainis, galit, at lungkot. Hindi ko na maintindihan.

I just wanted to go back to human world. Pinigil ko ang paghikbi. Sa mga nalaman ko, hindi ko alam kung sino pa sa grupo ang parte ng Hiarlco. Sino ang nagpapanggap at sino ang totoo.

I bit my lowerlip para pigilan ang sarili sa pagiingay. Pagod na ipinikit ko ang mga mata hanggang sa di ko namalayan na dinalaw na ako ng antok.

Nagising nalang ako dahil sa init na tumatama sa mukha ko. Naginat ako bago bumangon. Napakunot ang noo ko ng makita na wala na ang mga kasamahan ko at mataas na ang sikat ng araw.

Bakit hindi nila ako ginising? Hindi ko rin narinig ang instrumento ni Eco. Inayos ko ang sarili bago lumabas ng tinutuluyan namin.

Hindi ko nakita ang Kwatros. Malamang ay nagsasanay ang mga ito sa templo. Bumuga ako ng hangin at tinungo ang kweba ng dragon.

Muli kong minsdan ang mga imahe, simbulo at numero na nakaukit sa pader. Nakapagtataka na hindi ko nakikita ang ahas na nakalaban namin sa lugar na ito.

Tinawag na kweba ng dragon pero hindi dragon ang nakatira. Mariing ipinikit ko ang mga mata, umaasa na baka muli kong makita ang mga nakita ko kakagabi pero wala.

"Iisa lang tayo ng pinagmulan, Hearley."

Napahinto ako. Tiningnan ko ang pinagmumulan ng boses. Marahan at walang imik kong sinundan ang boses na iyon. Nagtago ako sa isang malaking tipak ng bato.

"Tama na, pwede ba? Iisa tayo ng pinagmulan pero hindi ko gusto na manatili dito."

Bahagya akong sumilip.

"Sa grupo, apat lang ang tao. At hindi ka pwedeng mahulog sa tao, Haerley." Apat?

"Isa nalang ang natitirang tao, Aldione. Isa nalang." Naikuyom ko ang kamao at napatiim.

Buong lakas akong tumayo.

"Anong isang tao nalang, Haerley?" Gulat na napalingon silang dalawa sa akin.

"C-Clementine, anong.. ginagawa mo dito?" Sinubukan akong hawakan ni Haerley pero iniwas ko ang kamay.

"Sabihin niyo sa akin! Anong iisang tao nalang?! Anong ibig sabihin mo, Hearley?!" Hindi mapigilan na sigaw ko sa kanya.

Nakatingin siya sa akin, parang may gustong sabihin na hindi niya magawa.

"Ikaw nalang ang natitirang tao sa grupo, Clementine." Bumaling ang tingin ko kay Aldione. Walang ekspresyon ang mukha niya.

"Aldione! Tumahimik ka!"

"Anong ako nalang?" Nanghihinang sambit ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Gusto mong malaman kung ano ang totoo, Clementine?" Mabilis na tinulak ni Haerley si Aldione. Nagbabanta ang tingin.

"Halika na." Hinawakan ako ni Haerley sa braso pero iwinaksi ko iyon.

"Aalis na tayo dito, Clementine." Mariing banggit niya sa akin.

"Bitawan mo ako." Malakas na itinulak ko siya palayo sa akin. Kuyom ang kamao na tiningnan ko si Aldione.

"Sabihin mo sa akin ang lahat ng kailangan kong malaman, Aldione." Umangat ang sulok ng labi niya.

"Wala kang kailangan na malaman, Clementine." Nagkibit balikat ito.

Mabilis akong kumilos para sakalin siya. Gulat na tiningnan niya ako pero agad niya rin itong na kontrol. Naramdaman ko ang papalapit nanprisensya ni Haerley.

"Huwag kang lalapit sa akin." Banta ko sa kanya.

"Anong ibig sabihin niyong ako nalang ang nagiisang tao sa apat na tao, Aldione?"

Pero hindi siya nagsalita at naramdaman ko nalang ang biglaang pagluhod ko, at ang pagbalot ng pulang ribbon sa katawan ko.

"Pakawalan mo ako!"

Inayos niya ang sarili.

"Apat na tao ang nasa grupo, Clementine. Si Patrick, ikaw, si Geryk at si Flannery. Ako si Kalikasan at si Haerley ang Oras. Pero sa inyong apat, ikaw ang nanatiling tao sa kabila ng lahat ng ginawa ng Hiarlco. Nabura na ang existance ng tatlo, sa mundo ng mga tao. Wala ng palatandaan na mabuhay ang mga ito sa lugar na iyon." A-ano..

"Iyon ang dahilan kung bakit may mga pangyayaring nakakalimutan ka sa mundo ng mga tao."

Bigla siyang ngumisi sa akin at dahan-dahan na lumiwag ang pagkakabalot ng pulang ribbon sa katawan ko.

"Tama na, Aldione." Narinig kong pigil ni Haerley dito.

Hindi ko parin maintidihan. Sabay sabay kaming dumating dito sa Hiarlco. Lahat kami ay nagkita-kita sa party noong gabing iyon.

"At yung nagiisang taong iyon, unti-unti ng nagiging Hiarlcon." Nagangat ako ng tingin.

"Aldione.." nagbabanta na boses ni Haerley. Sinubukan niya akong tulungan patayo pero hindi ko magawang kumilos.

"B-bakit ginagawa ito ng Hiarlco?" Utal na sambit ko.

"Bakit hinahayaan mong gawin ito ng Hiarlco, Clementine?" Ngumisi siya sa akin. Galit na tumingin ako sa kanya.

"Wala akong choice!" Hindi mapigilan na sambit ko. Pero  iniling nito ang ulo.

"Clementine, walang kasalanan ang Hiarlco sa lahat ng nangyayari." Bahagya siyang tumigil. "Ilang araw o oras na lang, tuluyan ng maglalaho ang nagiisang tao sa Hiarlco. Magiging isang ganap ka ng Hiarlcon."

"Hindi! Hindi ako papayag."

"Pero wala kang magagawa, Clementine." Sambit niya at tuluyang lumabas ng kweba.

Hinabol ko ang sariling paghinga. Tuluyan na akong nanghihina. Hindi ko alam, hindi ko na alam ang mga susunod kong gagawin. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong isipin.

"Clementine.." nagangat ako ng tingin kay Haerley na lumuhod sa harap ko para magpantay kami.

"Hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko.." mahinang sambit ko. Iniangat niya ang mukha ko dahilan para mapatitig ako sa mga mata niya.

Naroroon parin ang hourglass na nakaukit dito, nakikita ko parin ang kung anong emosyon sa mga mata niya.

"Ako, Clementine. Pagkatiwalaan mo ako."

×

Hey loves! 7 more chapters to gooo.^^

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now