Clementine.
"Sunog! Sunog!" Mula sa mataas na burol, nakita ko ang kapatagan na binabalot ng napakalaking apoy. Ang mga berdeng nilalang na sugatan. Patay. At tustado.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong tumulong pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko alam pero kinakain na ako ng konsensya.
"T-tulungan mo kami!" Ang mga mata nilang nagmamakaawa at lumuluhang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasan na magunahan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.
"Nakikiusap ako! Tulungan mo kahit ang anak ko." Mahigpit na ikinuyom ko ang kamao.
Napababa nalang ako ng tingin, sa mismong katawan ko. Sunod sunod na bumaon ang mga palaso at kutsilyo. Unti unting napuno ng asul na dugo ang umaagos dito. Namanhid ang buong katawan ko.
Bakit? Bakit ganito? Wala na akong marinig? Tila na blanko ang paligid. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagtulo ng kung anong likido sa bibig ko at ang pagkawala ng balanse sa pagkakatayo.
Nanginginig ang mga kamay ko. Katapusan ko na ba? Bakit sa ganitong paraan?
"Sinunog mo ang Hiarlco!" Kahit malabo, nagawa ko parang tingnan si Winchester na galit na galit sa akin. May hawak itong patalim.
"Ikaw nag dahilan ng lahat ng to!" Dumako ang tingin ko sa kabilang bahagi at nandoon, nakita ko si Eco na may hawak na palaso.
"Akala ko mapagkakatiwalaan ka? Traydor ka rin pala." Si Patrick Palo Antonio ang nagsalita. May patalim din itong hawak. Sunod sunod na umiling si Flannery Valdis, Haerley Farro, at Aldione Badua na para bang dismayado sa ginawa ko.
Bakit? Ano bang ginawa ko? Napatanaw nalang ako sa kalangitan hanggang unti unting bumigay ang talukap ng mga mata ko.
"Traydor ka!"
Napabalikwas ako ng bangon at marahas na hinabol ang sariling paghinga. Mariin kong ipinikit ang mga mata ng magunahan ang pagtulo ng luha mula rito. Kailan ba ako tatantanan ng panaginip na iyon? Kailan ba ako titigilan ng mga boses na nasa paligid? Nanggagaling kung saan saan. Hindi ko matukoy.
Huminga ako ng malalim. Lumabas ako ng tinutuluyan namin. Hindi ako papatahimikin ng isip ko hangga't hindi ako nalilinawan sa kung ano man ang nangyayari sa paligid.
"Clementine," nanigas ang buong katawan ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Lumingon ako sa pinanggalingan nito at mula sa puno at tumalon roon si Eco. Pinaglalaruan sa kamay ang kanyang instrumento.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tiningnan niya ako. Ang tingin niya na hindi ko mapangalanan. Hindi nagbago simula ng unang magtagpo ang mga landas namin dito sa Hiarlco.
"Ikaw? Anong ginagawa mo?" Kaswal na tanong nito. "Ito na ba yung oras kung saan susunugin mo ang Hiarlco?" Natigilan ako at palihim na naikuyom ang kamao.
"Alam mong hindi ko magagawa iyan."
Gustong-gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Gustong gusto ko. Pero habang tumatagal, habang tumatakbo ang oras, hindi ko na alam.. hindi ko na alam kung kaya ko pang maniwala sa sinasabi ko.
"Takot ang magiging ugat ng lahat, Clementine." Biglang itinuro niya sa akin ang hawak niyang instrumento. "At sayo magsisimula iyon."
Itinapat niya ang instrumento sa puso ko bago kaswal na tumingin sa akin. Ngumisi siya sa akin.
"Kung gusto mong baguhin ang hinaharap, baguhin mo ang laman nito." Bahagya niyang idinampi ang dulo ng instrumento niya sa tapat ng puso ko bago ibaba iyon.
Nahigit ko ang aking hininga. Marahang naikuyom ang mga kamao at pinilit ko ang sarili ko na magsalita.
"Ang mga numero." Nagangat ako ng tingin. "Anong ibig sabihin ng mga numero sa katawan namin?" Napahinto ito sa takdang pagalis pero hindi rin naman siya nagsalita. Hanggang sa naglakad ito paalis at nawala sa paningin ko na parang bula.
Nanghihina akong napasandal sa isang puno malapit sa kinatatayuan ko kanina. Para bang tinakasan ako ng lakas. Mariin kong ipinikit ang mga mata.
Bakit walang gustong sumagot sa mga tanong ko? Bakit... pilit nilang tinatago ang lahat? Bakit wala akong maintindihan?
Si Eco, wala siyang balak na tulungan ako. Ang mga kasamahan ko-- hindia ko sigurado kung mapagkakatiwalaan ko ba sila. Si Aldione Badua, hindi ko alam. I Winchester na parang wala ding alam sa nangyayari. Isa nalang..
Ang mama ni Tuzo. Alam kong masasagot niya ang mga tanong ko, alam ko rin na may alam siya sa nangyayari. At gamit ang kakayahan ng batang iyon, pwedeng maisawalat ang katotohanan. Pero paano?
Sa paraan ng huling paguusap naming dalawa ay hindi na ito naging maganda. Alam ko rin na wala siyang balak magsalita at hinding-hindi siya magsasalita sa isang tulad ko. Kung si Tuzo, ang kakayahan niya ay maaring gamitin pero paano?
Nagmulat ako ng mata. Wala sa sariling nagawi ang tingin ko sa kanan at doon nagtagpo ang mga mata namin. Nakatayo siya sa gilid ng sulo, si Aldione Badua at matamang nakatingin.
Hindi ako makagalaw ng bigla nalang siyang humakbang papalapit. Pinanuod ko ang kilos nito, ang bawat paghakbang niya papunta sa akin. Napaangat nalang ako ng tingin ng tumigil siya sa harapan ko.
"Those numbers serve as our identity."
Napakunot ang noo ko.
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Winchester bago pa man tayo pumasok sa salamin?"
Sa sinabi niyang iyon, nahigit ko ang pagjinga ng mag echo sa pandinig ko ang mga salitang binanggit ni Winchester.
"Ang mga numero na nasa katawan ninyo, yan ang mag sisilbing pag kakakilanlan ninyo."
"Aldione Badua will be known as 21. Patrick Palo Antonio will be called 27. Hearley Farro will be known as 26. Flannery Valdis is 23, and you, Clementine Agor will be called 22. They will rank you according to your brain and skills. Your number will serves as your identity as you officially enter Hiarlco."
"Our numbers serves as our identity." Nagtagpo ang mata naming dalawa.
"Sa Hiarlco, hindi ako si Clementine kundi ako si 22. Kung gayon.."
Ang mga numero, hindi lang ito basta basta numero. Kung gugustuhin naming malaman ang mga nangyari at ang bilang ng mga tao na nandirito sa Hiarclo, isang lugar lang ang kailangan kong puntahan.
Naikuyom ko ang kamao ko.
"Ang kweba ng dragon."
--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡