Clementine.
"A-ano ng gagawin natin ngayon?" Akmang sasagot palang ako ng biglang magkagulo ang paligid. Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Hearley Farro na hanggang ngayon ay hindi umiimik.
"46! 46! Pumunta ang lahat sa templo!" Magulo. Hidni magkamayaw ang mga Hiarlcons. Napansin ko ang paglipad ng ilang ibon, mga fairies at maging ng ilang diwata.
Ang essence ng mga puno na lalong nagpa-green sa paligid.
Nagkatinginan kami ni Flannery Valdis.
"I-ito yung nangyari." Garagal na banggit ko. Ginapang ng pamilyar na kuryente ang katawan ko. Kaba at takot. Ikinuyom ko ang kamay para pigilan ang panginginig nito. No wala akong lakas para kumilos o gumalaw. Habang si Flannery Valdis naman ay pumasok sa tinitirhan namin para kunin ang ilang gamot.
"Magiging maayos din ang lahat." Bahagyang pinisil ni Hearley Farro ang kamay ko bago niya ako tuluyang bitawan at humalo sa kumpol ng mga Hiarlcons na patungo sa templo.
Nginitian ako ni Geryk Bilangel, isang assurance. Si Aldione Badua na hindi umimik at nanatiling nagmamasid. Kinuha ko ang ilang shurikens at ibinato iyon sa isang 46 na sinusugod ang isang babaeng Hiarlcon.
Ilang ulit akong huminga ng malalim. Hindi ko pweding hayaan na lamunin ako ng takot at nerbyos sa nangyayari. Hindi kami pweding matalo. Hindi kami pweding magsiwalang kibo.
"Tara na." Nauna ng umalis si Patrick Palo Antonio, Flannery Valdis at Geryk Bilangel. Nagtama ang tingin namin ni Aldione Badua. Natigilan ako ng bigla siyang ngumisi.
"Hindi pa ito ang katapusan, Clementine. Yung nakita mong pangyayari, hindi iyon ang lahat." Nakangising sambit niya sa akin.
"Bakit parang wala kang pakialam sa nangyayari, Aldione? Buhay mo rin ang nakataya dito. Ang buong Hiarlco, ang mga Hiarlcons." Mariing banggit ko.
"Bakit ako magkakaroon ng pakialam sa lugar na niloloko at pinaglalaruan tayong mga tao? Binago tayo ng Hiarlco. Babaguhin niya tayo. Kinakain ang sistema natin. Inaangkin, kinukulong, hanggang sa maging puro." Kinilabutan ako sa paraan ng pagsasalita niya.
"W-wala ka na bang balak bumalik sa mundo ng mga tao?" Natawa siya sa tanong ko.
"Isa kang tanga Clementine."
Hindi ako nakapagsalita. Umalis ito at tuluyang naglahos a paningin ko.
"T-tuluyngan mo ako!" Nabalik ako sa wisyo dahil sa isang sigaw. Binalingan ko kung saan ito nanggagaling at doon ko natanaw ang isang matandang Hiarlcon. Nakadapa sa sahig, at pilit gumagapang palayo sa isang 46.
Mabilis na tumakbo ako at itinarak ang punyal ko sa noo nito. Agad naman itong naging kalansay at nahulog sa lupa.
Mabilis na hinawakan ko ang kamay ni lolo, ang dugo na nagmantsa sa akin.
"O-okay lang po kayo?" Nanginginig na tanong ko. "Flannery! Flannery! Lolo, huwag kayong bibitaw. Please." Lumabas ang dugo sa bibig nito.
Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko at doon nagpakita ang halo halong imahe at sinaryo. Mariing ipinikit ko ang mga mata. Masakit sa ulo, nakakabingi at nakakahilo.
Hanggang sa tuluyan itong maglaho.
"Clementine.. iligtas mo kaming lahat."
Hindi ako makahinga. Naguumapaw ang emosyon sa dibdib ko lalo na't ng lumigat ang 34 na numero sa katawan niya. Na parang iniukit gamit ang nagbabagang bagay. Sinugat, at hindi na naghilom.
Napabitiw ako. A-anong ibig sabihin ng bagay na iyon?
Binitawan ko si lolo at tiningnan ang kumpol ng mga Hiarlcon na hindi magkamayaw at pilit na umaakyat sa templo. Tama ang nakita ko. Idagdag mo lang ang mga kasamahan kong nakikipaglaban sa 46.
"Anong tinatayo tayo mo riyan, Clementine?!" Natauhan naman ako roon at mabilis na tumulong sa pagpuksa sa 46. Paulit-ulit. Ibinuhos ko lahat ng emosyon na naiipon sa loob ko. Ang sakit ng ulo, ang pagkagulo, ang galit at inis.
Hinihingal akong napahinto. Nagangat ako ng tingin at doon ko nakita si Kodiak na nagmamasid. Si Eco na walang emosyon at si Winchester na nakayuko. Naikuyom ko ang kamao.
Sa kabila ng pagkalma ng paligid, nanatiling magulo at nagaalab ang damdamin ko.
"Anong klaseng kalokohan ito, Kodiak?" Sambit ko ng makarating ako sa harapan niya. Hindi niya ako tinapunan ng tingin.
"Hindi ito kalokohan." Kalmadong saad nito.
"Bakit nagawa mong manuod?! Bakit hinayaan mo kami sa baba?! Bakit hindi ka tumulong?! Ano 'to?! Anong ibig sabihin ng ginawa mo?!"
Wala na akong pakialam kung siya ang pinuno ng lugar na ito. Kung siya ang iginagalang at kinatatakutan.
"Pagnasira ang Templo at nabahiran ng kadiliman, maglalaho ang Hiarlco." Hindi ako nakapagsalita. Tinapunan niya ako ng tingin.
"Alam kong hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang mga bagay bagay. Pero alam kong naiintindihan mo."
"Mas importante ang templo sa mamamayan mo?" Natigilan ito sa paghakbang.
"Hindi ko sila pinabayaan, Clementine. Naroroon kayo sa ibaba at alam kong maililigtas niyo sila. Isang training, experience. Ang Hiarlcons ang buhay ng Hiarlco. Hindi ko hahayaan ang mamamayan ko na manatili sa ibaba kung wala kayo."
Iniwan na nila ako sa templo. Hinabol ko ang sariling hininga at marahang sinabunutan ang sarili.
A-ako.. ako ang nagkamali.
-
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡