Clementine.
"Hoy! Okay ka lang?" Napakurap-kurap ako bago nagangat ng tingin.
"Anong kailangan mo?" Tamad na tanong ko kay Patrick Palo Antonio na nasa harapan ko.
"Iniisip mo padin yung nangyari? Okay na ako, Clementine." Inirapan ko siya bago bumuntong hininga.
Inilibot ko ang tingin sa Kwatros na nagsasanay. Kasama na din si Geryk na nakikipaglaban kay Hearley. Litaw na litaw nga siya dahil sa balat niya. Halatang hindi taga dito sa distrito na 'to.
"Sorry ulit." Ngumiti lang siya at bahagyang ginulo ang buhok ko. Napatitig naman ako sa kanya.
Sa mundo kaya ng mga tao, nakilala ko na kaya si ang taong 'to? Nakasalubong ko na kaya siya sa iskinita, o kaya sa mall? Bumuga ako ng hangin.
"Layo."
Kumunot ang noo ko ng pumagitna sa amin si Haerley. Masama ang tingin niya kay Palo. Right, Palo nga pala ang tawag ko kay Patrick. Pero this past few days palagi ko siyang tinatawag na Patrick. Seriously?
Nevermind. Parehas naman niyang pangalan iyon.
"Anong problema mo? Nakikipagusap lang ako." Inis na sambit ni Palo kay Haerley. Nanatili ang sama ng tingin ng huli.
"Nakikipagusap pero may pahawak ng buhok? May titigan na nagaganap?" Ngumiwi ako ng tumawa si Palo.
"Hayaan mo na yan, Palo! Nagseselos yan. Matagal ng may gusto kay Clementine." Sigaw ni Flannery mula sa kabilang dulo ng templo.
Gulat na napabaling ang tingin ko sa kanya. Ano daw? Bumalik ang tingin ko kay Haerley na medyo namula ang tenga at mukha. Kahit green ang balat nito, halata parin iyon.
"Paano ba yan, Haerley? May gusto din ako kay Clementine." Nakangising sambit ni Palo.
Bumuga ako ng hangin.
"Kayo nalang kaya?" Tanong ko bago tumungo kay Eco na malayo na naman ang tingin.
"Tatang." Kung ano-ano naman kasi ang tawag ng Kwatros sa kanya. Tatang, Tandang, tanda, tata, kahit anong maisipan nilang itawag kay Eco, ginagawa nila.
Bumaling ang tingin niya sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa Hiarlcons na nasa baba.
"Magagawa mo ba talaga silang isakripisyo, Clementine?" Natigilan ako sa tanong niya.
Nanikip bigla ang dibdib ko kaya bumuga ako ng hangin. Kalma ka lang, Clementine.
"Paano mo nagawa yung mga bagay na iyon, Eco? Paano niyo nagawa yung mga bagay na iyon?" Nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa baston.
"Hindi mo naiintindihan. Tao ka. Hiarlcon kami. Malaki ang pinagkaiba, Clementine." Nagmamakaawa ang mata niya. "Tama na. Ang Hiarlco, hindi maaring maglaho ang Hiarlco."
Walang buhay akong natawa.
"Hindi ko maintindihan kung bakit pinaglalaruan niyo kaming lahat, Eco. Kayo ni Kodiak." Tuluyan niya akong hinarap.
Nandyan na naman ang matatalim na tingin niya pero may isang emosyon na naghahalo doon. Hindi ko mapangalanan.
"Marami kang alam, Clementine. Sobrang dami mo ng nalalaman pero hindi parin sapat." Bahagya siyang umiling. "Kung pipiliin mo lang na intindihin ang mga 'to, maiintindihan mo kung saan kami nangagaling."
Akmang lalagpasan niya ako ng magsalita ako.
"Si Winchester." Tumigil siya sa paghakbang. "Si Winchester at Sylvie ay iisa. Paano niyo nagawang lokohin ang totoong namumuno sa Hiarlco?"
Pero hindi siya umimik at nagtuloy tuloy lang sa paglakad palayo. Sinabihan niya ang Kwatros na tama na sa pagsasanay.
Nanatili akong nakatanaw sa papalayo nitong bulto. Kahit saan ako dalhin ang pagiisip, hindi nagtutugma ang lahat. Isa lang ang pinahihiwatig nila, ang Hiarlco, kailangang mawala ng Hiarlco.
Napaigtad ako ng biglang may humawak sa palapulsuan ko. Napalingon ako at mas nagulat ang tingin ko kung sino iyon.
"Aldione.." nakatingin siya sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuan ko, naglalaro ang malambot na ekspresyon sa mata niya.
Nagangat siya ng tingin sa akin ng bawiin ko ito sa kanya. Walang emosyon ko siyang tiningnan at akmang magtatanong kung bakit niya ginawa iyon ng bumalik sa pagiging blanko ang mukha niya at walang sabi-sabing nilampasan ako.
Napahawak nalang ako sa palapulsuan ko ng maramdaman ko ang kamay niya. Nararamdaman ko parin ang hawak niya hanggang ngayon. Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili.
Bakit ba ako kinakabahan? Hindi yung kaba na dulot ng takot.. ibang klase ng kaba.. hindi ko maipaliwanag.
Marahan akong umiling. Simpleng hawak na iyon pero nagulo ang buong sistema ko. Hindi na pwedeng maulit.
"Hindi na matutuloy ang tournament hindi ba?" Napatingin ako kay Flannery. Nakaupo ito sa gitna ng templo, nakaunat ang mga paa na para bang ipinapahinga ang katawan.
Ilang metro lang ang layo ng iba sa kanya na parang nagpapahinga din mula sa pagsasanay. Nasa gilid ang basket ng prutas at inumin kung sakaling may magutom o mauhaw sa kanila.
Gumawi ang tingin ko kay Winchester na abala sa pagaayos ng mga halamang gamot na nagamit nila Flannery kanina.
"Totoo ba yon? Winchester? Wala na an tournament? Hindi na tuloy?" Tumingin si Winchester sa amin at malungkot na ngumiti.
"Itong distrito na lamang na ito ang natitira sa Hiarlco, Kwatros. Wala na ang mga kalapit na bayan dahil sa pagataki ng 46. Ano pang silbi ng tournament kung wala naman kayong labana at wala ng rason para lumaban?" Napatitig ako kay Winchester.
"Bakit pa kami nandito at nagsasanay?" Tanong ko. Napatango-tango ang mga kasamahan ko sa akin.
Hindi man nila maalala na tao sila, ang mahalaga, ako. Alam ko at naalala ko na tao ang mga nakasama ko dito sa Hialrco. Mas mahalaga na may nakakaalala at may nakakaalam.
"Hindi tumitigil sa pagataki ang 46 kaya hindi titigil ang pagsasanay." Tipid na sambit niya sa amin.
Nagpaalam ako para makauwi na sa tinitirhan namin. Hindi ko nakita dito si Aldione simula ng umalis siya kanina.
Tahimik na naglakad ako pauwi hanggang sa may sumalubong sa akin. Kumunot ang noo ko ng mabilis at marahas na hinila niya ako papasok sa isang bahay.
Ang mama ni Tuzo.
-
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasiBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡