Clementine Agor
Isa.. dalawa.. tatlo.. Naghintay pa ako ng konti at pinakiramdaman ang sarili. Ganito ba ang mamatay? Wala ng pakiramdam? Akala ko pa naman makakaramdam ako ng sakit at magmamakaawa na mamatay na. Akala ko pa naman mararamdaman ko ang pagkalagot ko ng hininga.
"Clementine!"
Nagising ako sa isang pantasya dahil sa marahas na boses na iyon. Nag mulat ako ng mata, hindi ko alam kung paano nangyari ang bagay na iyon pero nakita ko nalang ang Ahas, pinagtutulungan ng mga kasamahan ko.
Naka gapos ito sa para bang sinulid ang nipis pero matibay kasi nagawa nitong pigilan ang ahas. Pinalilibutan nila ang Ahas na walang nagawa.
"Ano pang ginagawa mo?!"
Huminga ako ng malalim. At muli silang minasdan.
"Nakuha ko na." Ini-angat ko ang weirdong lalagyan na iyon at nagulat ako ng umilaw iyon. Hanggang sa makarinig kami ng tunog na para bang nag ka-crack. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa mga itlog. Halos sabay sabay silang nag ka crack hanggang sa tuluyan naman itong napisa.
Bumungad sa amin ang mga batang ahas. Nanlaki ang mga mata ko at para bang binuhusan ng malamig na tubig. Nakakadiri ang itsura nito. Hinabol ko ang hininga. Isang ahas. Totoong ahas. Nakakadiri. Nakakasuka.
Para akong nawalan ng hangin. Hindi ko magawang kumilos kahit gusto kong tumakbo paalis at magtago. Hindi ko alam.
"Hey. Ayos ka lang?" Nasa harapan ko na si Aldione Badua na inalalayan akong makaalis sa pugad na iyon. Naka-alalay din si Patrick Palo Antonio at matamang nakatingin lang si Flannery Valdis at Hearley Farro.
Napansin ko din na kumalma na ang ahas at para bang walang paki alam na pumunta sa pugad para daluhan ang mga bagong pisang anak nito. Habang ako, nagigimbal dahil sa nakita. Isang malaking IW.
Ayoko sa ahas at bulate! Okay pa yung nakalaban namin kasi hindi siya nakakasukang tingnan at hindi madulas ang balat, pero yung mga itlog na iyon. Mga dakilang itlog. Bugok!
"Ayos ka lang?" Hindi ko napansin na madali lang kaming nakalabas ng kweba. Hawak na ni Flannery Valdis ang weirdong lalagyan na iyon.
"Hindi." Habol hiningang banggit ko at napaupo nalang sa lapag habang pilit na ikinakalma ang sarili.
"Hindi ko alam na kaya mong humarap sa halimaw na iyon pero uod lang pala ang makakapagpabagsak sayo." Hindi ko pinansin ang natatawang kumento ni Patrick Palo Antonio.
Tuluyan kong naikalma ang sarili at sinamaan silang lahat. Ini-angat naman ni Haerley Farro ang mga kamay niya para tulungan akong tumayo. Agad kong inabot iyon.
"Kadiri ang mga itsura ng mga iyon." Sambit ko. Inayos ko ang sarili pero narinig ko padin ang tawa ng hudyong lalaking iyon.
Bilang ganti, sinapak ko siya sa balikat na agad namang nasaktan pero tinawanan niya lang ako.
"Pero seryoso, hindi mo dapat ginawa iyon." Natigilan ako sa tono ng pananalita ni Patrick Palo Antonio. Wala na ang kalokohan sa boses nito at seryoso siyang nag sasalita.
Napaiwas ako ng tingin at nilagpasan lang siya. Kung hindi ko ginawa iyon? Sinong gagawa sa kanila?
Bumungad sa amin si Eco na tulog na nakahiga sa bato. Nagkatinginan kaming lahat na para bang alam na ang gagawin. Nakanganga pa ito at naghihilik. Hawak ang baston sa mga tiyan nito.
Kumuha ako ng isang mansanas na nakatanim lang sa gilid at inilagay iyon sa bibig ni Eco. Hindi ito nagising kaya napangisi ako. Si Haerley Farro naman ay kumuha ng isang baso na may lamang tubig putik at inilagay iyon sa noo nito.
Nagkatinginan kaming lahat at nagpigil ng tawa. Si Flannery Valdis naman ay kumuha ng feather like na dahon at ilang ulit na kinalikot iyon sa tenga ng matanda. Bahagya pa iyong gumalaw.
Nakahawak na sa kanya kanyang bibig ang mga kasamahan ko para pigilan ang pagtawa. At ng tuluyang magising si Eco, dahil sa biglaan nitong pagtayo tumapon sa katawan niya ang malamig na tubig putik, nabigla ang ngipin niya sa mansanas ay napabulanghit na sila sa kakatawa.
"Anong kalokohan nanaman ba ito, Kwatros?!" Nangagalaiti niyang sigaw kaya hindi ko maiwasan na matawa nadin.
"Hindi kayo titigil?!" Singhal niya. Napatahimik kami pero sa sobrang pagpipigil ng tawa, sa iba na yata lumabas iyon. Napailing iling ako at napalayo ng binalot ng baho ang paligid at ang taging naka peace sign ay si Patrick Palo Antonio.
Nakangiwi naman kaming nakatingin sa kanya at nauna ng maglakad. Napansin ko din ang pagkatigil ni Eco at ang pamumula ng mukha nito sa sobrang inis.
Napailing iling nalang ako.
"Bayad yun! Pinahirapan mo kami!" Singhal ni Aldione Badua habang nakaupo sa lapag. Nandito kami ngayon sa templo, nakabilad muli sa araw, habang si Eco na pasarap buhay. Nakalutang ito sa ere at may payong na hawak bilang panangga sa nakakapasong init ng araw.
"Kailan ba kayo mag titino, Kwatros?" Pasukong banggit niya.
"Unang araw natin ngayon at nasayang lamang iyon dahil sa mga kagagawan ninyo." Nagtuloy tuloy ang panenermon nito sa amin at kami, hindi nakinig dahil iniinda ang init ng araw.
Parusa to. Sino ba kasing nakaisip ng bagay na iyon?!
"Dapat ay nag sasanay kayo ngayon. Ilang araw nalang at muling magaganap ang labanan sa templong ito ngunit hindi parin kayo natututo. Hindi sa lahat ng panahon, aayon sa inyo ang Kalikasan at kayo ang papanigan."
Huminga ito ng malalim at kumalma ang mukha.
"Kayo, kayo ang pinili ng Kalikasan para ipaglaban ang Hiarlco. Huwag niyo namang patunayan sa akin na wala kayong halaga katulad ng tingin ko sa inyo." Napataas ang kilay ko dito.
"Hindi pa ba sapat na nakuha namin ang weirdong lalagyan na iyan na halos ikamatay namin?" Suot na nito sa leeg ang weirdong lalagyan na iyon. Pero imbis na sagutin ang sinabi ni Flannery Valdis, nginisihan lang ito ni Eco.
"Pipili na kayo ng sandata kinabukasan. At ikaw, Clementine Agor, gamutin mo ang mga sugat mo."
--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasiaBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡