Clementine Agor.
"Grabe. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari." Bumagsak sa sarili nitong higaan si Aldione Badua.
"Aray! Dahan dahan naman!" Singhal ko sa taong gumagamot ngymayon ng paso at gasgas ko sa mga palad. Sanhi iyon ng pagkasunog ng sulo na hawak ko nung nasa kweba kami.
"Huwag ka kasing magulo." Asar na banggit niya sa akin at muling dinampian ng halamang gamot iyong. Hindi ko alam kung anong tawag dun pero si Winchester mismo ang nagbigay sa amin ng gamot na iyon na epektibo daw sa gas gas at paso.
"Hindi ka naman yata marunong." Walang ganang banggit ko kay Haerley Farro. Yup. Siya ang na-orient kung paano gumamot ni Winchester kaya wala siyang choice. Hanggang sa binendahan niya na ito. Ramdam ko parin nag hapdi pero mas pinili kong hindi iyon pansinin.
Humiga kami sa kanya kanya naming kama dahil sa pagod at hindi makapaniwalang nangyari kanina lang.
"Good evening Kwatros! Lalalala~ "
Napabangon kaming lahat dahil sa gulat sa matinis na boses na iyon at biglaang pagbukas ng pinto.
Napahinga nalang ako ng malalim ng makitang si Winchester lang iyon na may malawak na ngiti sa labi. May hawak itong basket na iba't ibang klase ng prutas.
"May nag papabigay! Good night, Kwatros. Yieee! Lalalala~ " umalis ito ng hindi pa kami nakakapagsalita. Nawi-wirduhan naman kaming napatingin sa isa't isa.
"Gusto niyo?" Inabot niya sa amin ang basket matapos kumuha ng grapes doon. Orange nalang ang kinuha ko dahil iyon lang ang natitipuhan ng panlasa ko sa mga oras na ito.
"Kamusta na kaya sila no?" Narinig kong tanong ni Haerley Farro. Na maging ako hindi alam ang kasagutan doon.
"Pinaghahanap kaya tayo?" Muling tanong niot sa kawalan at walang nagtangka na sumagot sa kanya bago siya tumawa ng walang buhay.
"Ano ba, Hearley! Nasa Hiarlco tayo. Huwag mo munang isipin ang Philippines." Binato ni Patrick Palo Antonio ang huli ng unan na dumeretso sa mukha nito. At ang ending? Syempre gantihan hanggang sa nakisama narin kaming mag hampasan ng mga unan.
Nahinto lang iyon ng mapagod kami at sumalapak sa sahig. Hinihingal at tumatawa. Ang saya pala ng ganito. Hindi ko maiwasang isandal ang katawan ko sa paanan ng kama at ipinikit ang mga mata.
Sana.. sana matagal ko ng naramdaman ang ganitong klase ng saya.
Napakunot nalang ako ng may tumamang kung ano sa mukha ko. Sinamaan ko ng tingin si Flannery Valdis na nangbato ng unan.
"Iniisip mo?" Pabalang na tanong nito.
"Ba't ko sasabihin sayo?" Balik tanong ko dito at pabirong inirapan na ikinatawa niya nalang.
"Nakakatakot ka minsan alam mo yun?" Biglang sabi nito. Napatuwid naman ako ng upo at kunot noong tinapunan siya ng tingin.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko dito.
"Nakakatakot kang lapitan, kausapin, at hawakan." Ha? Ano daw?
"I mean.. huwag na nga." Nag iwas ito ng tingin, sunod ko namang tiningnan ang mga lalaki.
"Ang ibig niyang sabihin, nakakatakot na baka hindi namin mapantayan yang tapang mo pag dumating na ang mismong oras ng labanan." Parang wala lang na sambit ni Aldione Badua ng may nguya nguya pa.
Natigilan naman ako sa sinabi ng mga ito.
"Hindi ka ba kinakabahan o natatakot?" Kuryosong tanong ni Patrick Palo Antonio.
"Kinakabahan at natatakot din ako. Tao ako no." Walang ganang banggit ko.
"Bakit, sobrang tapang mo?" Palihim na ikinuyom ko ang kamao at hindi nag pakita ng emosyon. Tumingin sa kisami at nagsalita.
"Hindi ako matapang, Haerley Farro."
Katahimikan ang bumalot sa amin. Isang katahimikan na hahayaan kang mag isip at mag reflect sa buhay mo. Katahimikan na ginto at nakakatakot basagin.
"Bakit ba kasi ako ang topic ninyo?" Natatawang banggit ko.
"Nakaka-curious ka kasi." Singit ni Aldione Badua.
"Sa paanong paraan?"
"Sa lahat." Natawa ako ng walang buhay at ipinikit ang mga mata.
"Pwedi bang pormal nating kilalanin ang bawat isa? No mpre awkward moments." Napaayos ng upo ang ilan kaya napadilat ako ng mata at umayos nadin ng upo.
Hanggang sa magsimula silang mag kwento. Napag alaman namin na pare pareho kaming 18 years old at ang pinaka matanda at si Patrick Palo Antonio na nauna ng dalawang buwan kay Hearley Farro. Sumunod naman ako matapos ang isang linggo. Dalawang buwan matapos nun ay si Aldione Badua at ang huli, si Flannery Valdis na ipinanganak dalawang araw ng ipanganak si Aldione Badua.
Marangya ang bawat pamilya pero may kanya kanyang problema. Malalim na hindi pa kayang pasukin sa mga oras na ito.
May kanya kanya kaming field ng talents. Tulad nalang si Flannery Valdis na modeling kahit anak siya ng mayor. Si Patrick Palo Antonio na drummer at lawyer ang daan. Magaling sa pakikipag usap na baka mauwi yata sa marketing ang kurso. Si Aldione Badua na iba't ibang klase ng instrumento ang gamay at balak daw mag sea man. Si Haerley Farro na pagsasayaw ang nais at walang pag asa sa pagkanta.
At ako? Photography at aeronotical engineering ang gusto. Yup. Kanya kanya. Iba iba.
Nag kwentuhan lang kami hanggang sa makatulog na ang iba ng hindi nila namamalayan. Sa lapag mismo. Napatawa nalang ako at napangisi. May halong kung ano ang grapes na pinag papasahan nila kanin at tanging ako at si Patrick Palo Antonio nalang ang hindi pa tinatablan nun.
First, hindi ako kumain ng grapes sa kadahilanang alam ko na iyon, second, dalawa lang yata ang kinain ni Patrick Palo Antonio habang nilantakan nung tatlo.
Sabi ko na nga ba't may masamang balak ang Winchester na iyon.
"Alam mo ang tungkol don?"
Tiningnan ko si Patrick Palo Antonio at ang mapupungay na mga mata nito. Umiwas nalamang ako ng tingin matapos tumango. Tumayo ako at inayos ang kinainan namin. Tinulungan ko na din si Patrick Palo Antonio na ilipat ang mga kasamahan namin sa kanya kanya nilang higaan para maging kumpurtable ang tulog ng mga ito.
Sa pagkapilyo, napangisi nalang ako ng pagtabihin niya si Aldione Badua at Haerley Farro sa iisang kama. Iniyakap ang mga kamay nito at pinaglapit ng magkaharap ang mga katawan.
Napailing iling nalang ako.
Gyera nanaman bukas.
--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
خيال (فانتازيا)Blood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡