Chapter 1: Probinsyanang Manol

1.7K 33 0
                                    

Khy's pov

Pagkatapos kong mag ayos agad akong bumaba bitbit ang bag ko upang pumunta na sa school. Pagbaba ko nakita ko si tita na naghihintay na sa baba bitbit ang medical gown niya.

Doctor kasi siya at wala pang asawa. Kaya kinuha niya ako upang may kasama siya dito sa bahay at may makausap narin pwera sa mga maids niya.

"Oh Khyara, bilisan mo na at ihahatid nalang kita"

"Naku tita, pwede lang naman po akong mag lakad malapit lang naman po"

"Kaya nga sa Zhou University kita pinaaral para madali kitang ma hatid. At tuwing uwian kana lang mag lalakad since gabi na palagi uwi ko"

Napayuko na lamang ako.

"Sige po tita"

Sabay na kaming lumabas binuksan niya ang pinto sa kabila ng sasakyan niya at pinasakay ako. Siya naman ang nag drive.

Tiningnan ko ang mga buttons ng sasakyan. Para saan ba lahat ng tu? Bat kay damo? (Bat marami)

Huminto kami sa harap ng school ko. Sa labas palang kitang kita na kung gaano ka laki ang paaralan n papasukan ko.

"Oh ito pala baon mo oh."

Inabot niya sakin ang 500 pesos. Agad ko namang kinuha.

"Para po ba sa dalawang araw to ta?"

"Hindi ah. Ngayong araw lang yan"

"Hala ta. Sobra sobra po tu. Kahit 50 okay lang po"

"Ano kaba! Kung sobra edi iponin mo. Sige baba na at pumasok kana sa school mo."

"Salamat po"

Tiningnan ko ang pinto. Saan ko pipindotin tu?

"Hilain mo yan oh"

May tinuro si tita hinila ko naman at bumukas. agad akong bumaba at pumasok na sa gate. Wooww sobrang laki ng school at sobrang ganda sheett

Manghang mangha parin ako at paikot ikot ng may nabundol akong babae. Tumingin ako aa kanya at tumingin din siya sakin.

"Hala. Sorry po"

Sambit ko sabay nod. Ngumiti siya hala taktii sobrang ganda niya. Ganda ng mata niya at para siyang artista. Subrang ganda ng kutis, mata at ilong

"Hi! Are you a newbie?"

Ohh sheett ganda pa ng boses ang hinhin niyaaaa.

"Ah hello! Yes i.. im ... new here"

Uutal utal kong sagot sa kanya. Ngumiti nanaman siya at hinawi ang buhok niya.

"In what grade?"

"Grade 11"

"Ohh great! We are in the same grade!"

Ngumiti lang ako. Shett di ko maalis alis paningin ko sa mukha niya. Sobrang ganda talaga niya bruhh.

"Anyway I'm Xzaphera Clyneth Zhou and you are?"

"I'm Khyara Ysabelle Lee"

"Xzaph!"

Napatalikod ako ng may tumawag sa pangalan ng magandang babae. Hala te isa pang magandang babae. Papalapit siya samin at ngumingiti din. Para namang napako ang mukha ko sa kanya sa subrang lakas ng charisma niya

"Kristal!"

Nag besu silang dalawa at agad namang tumingin sakin si Kristal ba yun? Haha basta siya.

Im inlove with Miss ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon