Khy's pov.
Habang naglelecture si Sir di parin ako mapakali. Bat wala si Xzaphera ngayon? It's so unusual na absent siya eh regular class na kami ngayon at bukas sabado naman na di ko siya makikita at matanong kung okay lang ba siya o ano.
"Before I'll end this class, Mr. President kindly check the attendance"
Tumayo si Charles at tumingin sa paligid.
"Only two students are absent sir, Xzy Clinton Zhou and Xzaphera Clyneth Zhou"
Tumango lang si Sir at lumabas na ng room namin. Agad kung inikot ang Upuan ko paharap kay Kristal.
"Bat wala si Xzaphera?"
"Tinitext ko nga eh di sumasagot. Ilang beses ko narin siyang tinawagan di rin niya sinasagot"
"Nag aalala nako sa kanya. Ilang araw na siyang mukhang malungkot eh"
"Kaya nga"
**boogshhh**
Pareho kaming napatingin ni Kristal sa pinto ng malakas itong bumukas. Bumulantang naman sina Xzy at Chris hinihila ni Chris si Xzy pero kumawala si Xzy at agad na nilapitan si Charles. Kinagulat ko ang pagsuntok niya kay Charles at kinwelyuhan pa niya ito.
"Xzy tama na!"
"Gagu ka! Hindi kana talaga nakuntento sa ginawa mo kay Xzaphera noon!"
Bulyaw niya at sinuntok ulit si Charles. Agad naman siyang hinila ni Chris at tinulak palayo kay Charles. Tumayo si Kristal at halata ang pag aalala. Halos lahat din ng mga kaklase namin sa kanila na ang attention.
"Xzy tama na sabi eh!"-Chris
"Let him. Sige suntukin mo pa ko Xzy, I deserve it"
Tumayo si Charles at lumapit pa kay Xzy. Tungkol pala kay Xzaphera tu?
"It's my fault okay? Ako yung nagsabi kay Charles na may pinagdadaanan si Xzaphera at kausapin niya"
Bulyaw naman ni Chris at pilit na pinipigilan ang dalawa. Kinuwelyuhan ulit ni Xzy si Charles.
"Kung ano man yang trip niyo wag niyong idamay kapatid ko! Fuck every girls around you, play with them! Fuck them whatever position you want! But please I'm begging you, stay away from Xzaphera"
Seriousong sambit ni Xzy at tinulak niya si Charles kay Chris. Agad siyang nag walk out at malakas na sinara ulit ang pinto. Hinawakan ako ni Kristal sa kamay at hinila niya ako paalis. Himinto muna siya sa harap ni Chris.
Sinamaan niya ng tingin at agad itong inirapan. Pagkalabas namin agad kaming tumungo sa Learners park. Dun naman namin nakita si Xzy na nakaupo sa ilalim ng isang puno. Halatang subrang galit siya.
"Where is Xzaphera?"
Tanong ni Kristal kay Xzy. Tumingin naman siya samin at halata sa mukha niya ang galit.
"Nasa bahay siya, puntahan mo siya bukas Kristal she needs you."
Sambit niya at bumuntong hininga. Halatang mahal na mahal niya kapatid niya eh.
"I mean she needs both of you"
Labis ko namang kinagulat ang sinabi ni Xzy. Kitang kita sa mukha niya ang pag aalala. Hindi naman pala talaga siya ganun kasama. He loves Xzaphera so much.
BINABASA MO ANG
Im inlove with Miss Probinsyana
Ficção Adolescente"Your ways clashes with mine yet our hearts unite most of the time" Khyara was fortunate to begin her undergraduate studies in the town where her aunt lives. She met Xzaphera and Kristal while attending one of the most prominent and expensive unive...