Khy's pov.
Nasa sasakyan kami ngayon ni Kristal. She is driving pupunta daw kami ngayon sa bahay nila. Andun daw kasi si Xzaphera di ko nga alam bat andun si Xzaphera sa kanila. The same subdivision lang pala naman pala sina Kristal at Xzaphera pero nasa medyo dulo pa ata ang bahay nina Kristal.
"Ayan oh, yan ang bahay nina Chris"
Tumingin ako sa bintana ang laki rin pala ng bahay nila kasing laki din ng bahay nina Mathew.
Iisang subdivision lang pala sila? Kaya naman pala lagi silang sabay pag umuuwi.
Huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay. Wooww ang gara ng bahay kasing lapad rin tu ng bahay nina Xzaphera pero mas mataas lang siguro yung sa kanila ni Xzaph at old fashion kasi ang style ng bahay nina Xzaph yung kanila naman ni Kristal sobrang modern. Pagbukas ng gate nakahilira rin ang mga sasakyan sa gilid. Mas malapad ang bakuran nila Xzaph pero dito naman may playground sa gilid at may maliit na swimming pool na may slide pa. May parang maliit rin na bahay na puno ng mga laruan ng bata.
May bata ba dito? Ang ganda kasi ng playground at yung style ng swimming pool pambata talaga.
"Tara na Khy"
Bago mo pa maabot ang pintoan may parang terrace ito at may maliit na bisikleta ng bata at maliit na sasakyang laruan na pambata. Binuksan ni Kristal ang pinto at agad kaming pumasok bago mo pa lubusang maabot ang sala nila may parang hallway puno ng mga litrato.
Huminto ako at tiningnan isa isa. May mga picture ng bata.
Ang ganda ni Kristal sa ganito niyang litrato
"Sino tu?"
Sambit ko sabay turo sa litrato na tu. Ang ganda naman ng babaeng tu.
"Ahh yan, ate ko."
"May ate kapa pala?"
Tumango lang siya marami pang mga litrato sila sila ng ate niya at sila ni Xzaphera. Mayroon ding sariling litrato si Xzaphera sa wall.
BINABASA MO ANG
Im inlove with Miss Probinsyana
Novela Juvenil"Your ways clashes with mine yet our hearts unite most of the time" Khyara was fortunate to begin her undergraduate studies in the town where her aunt lives. She met Xzaphera and Kristal while attending one of the most prominent and expensive unive...