Khy's pov.
After ko mag bihis at magligpit agad na akong bumaba. I saw manang na may inaayos sa kitchen. Naghahanda na siguro siya ng makakain.
Andito lang ako ngayon sa bahay since wala na kaming pasok. Start na ng semestral break namin.
"Manang asan si Tita?"
"Andun sa may pool. Kausapin mo nga hija. Ang aga aga umiinom na"
"Po? Bakit daw?"
"Ewan ko eh, baka tungkol dun sa jowa niya"
Bumuntong hininga ako at agad na sinilip si Tita sa may pool. Nakaupo siya at may mga beer sa harap niya. Nakahawak lang siya sa mukha niya habang umiiyak. Kawawa naman si Tita bat kasi sa daming lalaki sa may asawa siya nag ka gusto.
Lumapit ako sa kanya ng makita niya ako. Agad naman niyang pinahiran ang luha niya at ngumiti. Hinawakan ko siya sa balikat hindi ko din alam pano siya damayan.
"Oh Ikay?"
"Tita, tungkol pala dun sa sinabi ko sayo nung isang araw"
"Ahh pupunta ka sa tatay mo? Sige bigyan nalang kita ng pera para sa kanila at pocket mo na rin"
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa kamay. Ngumiti naman siya at di niya ata mapigilan sarili niya na umiyak.
"Tita, it's okay"
Ngumiti naman siya at agad akong niyakap. Niyakap ko rin siya and I patted her back.
Hagulhol siya ng hagulhol. Nang bumitaw siya sa pag kakayakap agad kong pinahiran ang luha sa mga mata niya.
"Alam mo Khy. Hindi ko naman talaga gusto na makasira ng pamilya. Hindi ko rin alam na may asawa pa pala siya. Nagmahal lang din naman ako"
Umiiyak niyang sambit habang pinapahiran ang luha niya.
"Sorry tita"
Sambit ko sabay yuko. Kasalanan ko tu eh. Kung una palang sana sinabi ko na kay tita.
"No don't be sorry Ikay, kasalanan niya tu. Ginamit lang niya ako para gumanti sa asawa niya."
"Tita kung una palang talaga sinabi ko na sayo. Sana di ka nag kakaganito ngayon"
"Ikay di kapa dumadating dito may kami na ni Xzed. Kaya di mo kasalanan yun."
I don't know what to do. Napaka blangko ng isip ko. Di ko kaya makita si tita ng ganito. Hinimas himas ko nalang ang likod niya at kinomfort nalang siya.
"Alam mo ikay, after knowing na naging kabit pala ako sobrang sakit. Mahal na mahal ko siya. Di ko alam bat nakaya niyang gawin sakin yun"
Nanlulumong sambit niya sabay inom ng beer.
"Maybe dumating lang po talaga siya sa buhay mo para iparealize sayu na subrang bait mo sa mundong di ka deserve. Sana tita you will recover fast. I know someday you will find someone who'll love you more than you deserve. You deserve all the good things tita"
BINABASA MO ANG
Im inlove with Miss Probinsyana
Roman pour Adolescents"Your ways clashes with mine yet our hearts unite most of the time" Khyara was fortunate to begin her undergraduate studies in the town where her aunt lives. She met Xzaphera and Kristal while attending one of the most prominent and expensive unive...