Khy's pov.
Nakaupo kami ngayon sa canteen lutang parin ako sa dami ng problema ko. Hindi ko alam kung san ako kukuha ng pera para sa kalabaw at pambili ng gamot ni tatay.
Hindi ko rin alam kung tatanggapin ko yung offer ni Xzy. Pero pano naman kung trip lang pala niya yung pinagsasabi niya kahapon?
"Oyy Khyara bat di kapa kumakain?"
Tanong ni Kristal sabay himas himas sa braso ko. Tiningnan ko siya nagpapacute siya at hinihimas himas parin ang braso ko.
"Anyari sayo?"
Sambit ni Xzaphera na nakatingin kay Kristal. Anu nga ba ginagawa ng babaeng tu?
"Wala, ang ganda kasi ni Khyara errr"
Ngumiwi ako at tinulak siya. Ewan ko ba tung si Kristal minsan di ko maintendihan.
"Nakakatakot yang tono mo"
"Sus di kapa nasanay sa kalandian ni Kristal?"
Tumawa kami at nag appear ni Xzaphera. Nag smirk naman si Kristal and she rolled her eyes.
"Halikan ko pa kayong dalawa eh"
"Ako nalang kaya halikan mo?"
Sabay kaming napalingas ng may magsalita sa gilid namin bumungad samin sina Chris, ang walang emosyon na si Charles at ang bobong si Xzy. Tumingin ako kay Xzy tinaas niya ang isa niyang kilay.
"Why are you guys here?!"-Xzaphera
Di nila pinansin si Xzaphera umupo si Chris sa tabi ni Kristal. Umupo naman sa tabi ni Chris si Charles mag kaharap sila ni Xzaphera. Yung bobo naman nakatayo parin.
Tiningnan ko siya inaabangan niya ata yung lalaking dadaan samin. Hinarangan niya at kinuha ang milktea ng lalaki.
"Thank you dito"
Umupo siya sa tabi ko. Wala namang nagawa ang lalaki kundi umalis na lamang sa harap namin. Linagay niya ang milktea sa harap ko.
Wala talagang magawa ang ugok natu.
"Gagu ka talaga kuya!"
"Hoy! Palagi mo na lang akong minumura ha?!"
"You are worth cursing for naman kasi"
Palagi na talagang nag aaway ang dalawang tu. Magkapatid nga. Kinaiba lang nila eh matalino si Xzaph si Xzy naman bobo.
*riinnggg..*
"Oh nag ring nanaman yung phone mong mula pa 19th century"-Kristal
"Grabi ka talaga!!"
Tumawa naman sila Xzy inirapan ko lang sila.
Kinuha ko ang phone ko. Lumabas ako ng canteen at agad na sinagot ang tawag.
"Hello nak?"
"Tay? Napatawag ka liwat?" (Napatawag ka ulit)
"Ang karabaw nak. Subung nalang kunu ang palugit nila"
"Ano?! Ngala ko dasun semana pa?!" (Akala ko next week pa)
"Amo na gani nak, wala nako choice kundi hatag nalang gid ni nak"
Napapikit ako dinig na dinig ko rin ang iyak ni Kyle. Ano himoon ko?!
"Tay, gagawan ko ng paraan ha. Wag mo munang ibigay"
BINABASA MO ANG
Im inlove with Miss Probinsyana
Genç Kurgu"Your ways clashes with mine yet our hearts unite most of the time" Khyara was fortunate to begin her undergraduate studies in the town where her aunt lives. She met Xzaphera and Kristal while attending one of the most prominent and expensive unive...