Khy's pov.
This monday na ang exam namin so ayun mahaba habang klase nanaman. Four days nalang kasi ang preparation namin dun pero ang mga teacher namin halos di pa na ubos ang module na coverage ng boung exam namin.
Hindi na kami magkasama nina Xzaphera ngayon. Since may tinapos pako at nauna na silang pumunta sa prep class ba yun? Ewan ko kung ano yun.
"Ikay, akala ko ba sasama ka samin?"
Tanong ni Charles ng magkasalubong kami sa hallway.
"Hindi ata sapat tung pera ko Mathew."
"Nasabihan ko na si Mommy at nabayaran na niya ang review session for you"
"Luh? Nakakahiya naman"
"Anong nakakahiya? Magkapatid naman mama mo at si Mommy"
Ngumiti lang ako. Hayst kung di siguro namatay si Mama siguro kasing ganda din ng buhay nina Mathew ang buhay ko.
"Ano tara na? Sabay kana sakin"
Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Naglakad na kaming dalawa papunta sa sasakyan niya.
"Asan na pala sina Xzaphera?"
"Nauna na sila. May tinapos pa kasi ako"
"Ahh, magkasama ba sila ni Kristal na pumunta dun?"
"Oo, may dala namang sasakyan si Xzaphera"
"Siya yung nagmaneho?"
"Oo"
Tumango lang siya. Curious na talaga ako kung ano yung rason between sa hiwalayan nila ni Xzaphera.
Hayst pero halata naman sa kanila na mahal na mahal nila ang isa't isa the way they look and care for each other alam mo talagang may feelings pang naka tago.
Bumyahe na kami papunta sa prepschool nila. Pagdating dun sabay rin kaming pumasok sa loob. Pagpasok namin andun na sila Xzaphera. Lumapit naman ako sa kanila at sa tabi na nila umupo.
Kami lang naman pala dito akala ko may iba pa silang kasama eh.
Tinabihan ko sila at tumingin naman sakin si Xzaphera at agad niya akong niyakap.
"Akala ko talaga di ka pupunta"
"Pinilit ako ni Charles eh"
Ngumiti lang siya at tumango. Natigilan kami ng dumating na ang tuitor.
Xzaphera's pov
"Pinilit ako ni Charles eh"
Ngumiti lang ako sa sinabi ni Khy. So si Charles pala talaga ang nag paalam para makadalo siya dito?
Ewan ko bat ako nawawalan ako ng gana tuwing makita ko silang dalawa.
Kagaya ngayon magkasama nanaman sila na dumating dito. Kung di ko lang sila kilala mapagkakamalan ko talagang boyfriend niya si Charles.
Since kilala ko si Khy alam ko namang walang namamagitan sa kanila at alam ni Khy na may gusto parin ako kay Charles.
Kahapon ko pa pinipigilan ang sarili ko na mag selos. Pero bat naman ako mag seselos? Wala naman akong karapatan. Bumuntong hininga na lamang ako.
"Where is Xzy, Xzaphera?"
"He doesn't want to attend this review session Mr. Pit."
BINABASA MO ANG
Im inlove with Miss Probinsyana
Novela Juvenil"Your ways clashes with mine yet our hearts unite most of the time" Khyara was fortunate to begin her undergraduate studies in the town where her aunt lives. She met Xzaphera and Kristal while attending one of the most prominent and expensive unive...