"This is a story of fiction. Names, characters, some places and events are products of author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental."
Copyright ⓒ MarChelle26
~~~~*~~~~
" Welcome to Royal Academy."
Ito agad ang unang bumungad sakin pagpasok ko sa eskwelahan na ito. First day of school and it's our orientation day. Nagtipon tipon lahat ng bagong studyante ngayon dito sa isang hall. Halos punuan na ang upuan sa dami ng mga bagong studyante katulad ko at halos wala na akong makitang bakanteng upuan. Nag-ikot ikot ako hanggang sa nakahanap din ako sa wakas, ang kaso sa bandang huli nga lang. Ayos na din ito kesa naman sa wala kahit papaano kita naman dito yung projector at rinig din naman yung magsasalita. Habang nakaupo nililibot ko ang paningin ko, ang lawak ng lugar na ito. Fully equipped with light and ventilation, wala akong masabi. Inikot ko ang paningin ko pero lakad-tayo naman ang mga tao kaya ang kinalabasan, ako tuloy ang nahihilo sakanila.
Ako nga pala si Andrea Drielle Ramos. Pero mas tinatawag nila ako sa second name ko. I'm 17 years old. 5'4 ang height, matangos ang ilong according sa mga nagsasabi sakin. Madalas masungit daw ako and again according sa mga nagsasabi. Pero para sakin mas maganda na din yun and I'm used to it anyway. That's my tag name since then. Yan lang ang description ko sa sarili ko, why? There's nothing interesting about me anyway, and again its according to them.
Supposed to be ito ang unang araw ng pasukan, dapat mag uumpisa na din ang klase pero dahil orientation day ngayong umaga, mamayang hapon na magreresume ang klase. Tinignan ko ang relo ko, 8:30 na pala any minute from now magstart na ang orientation.
Napaayos ako ng upo ng nakita kong may naglakad palapit sa microphone. Nagsitahimik na din ang ibang tao dito ng may magsalita sa harapan. Naupo na din yung ibang mga estudyante na kanina lang ay lakad-tayo.
"Goodmorning ladies and gents. Welcome to Royal Academy! By the way I'm Dr. Troy Javier, I'm the Executive Dean in this school. I would like to give you a warm welcome and let me say thank you for choosing this school..."
Nakuntento na lang ako sa pagtingin sa malaking screen dahil medyo malayo na itong napwestuhan ko. Ang bata pa pala nila para maging school dean, kumbaga wala sa itsura nila. Ang gwapo, ang tikas ng pangangatawan at ang ganda ng ngiti. Kinuha ko ang notepad at ballpen ko sa bag para i-take down note ang mga sinasabi nila. Ilang mga rules and regulations ng school ang binabanggit nila. Abala ako sa pagsusulat ng magsalita yung babaeng katabi ko.
"Miss... may extra pen ka ba? "
Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya o yung katabi niya sa kaliwa. Kaya di ko na lang siya pinansin.
"Oy! Miss!" sabay kalabit sa siko ko. "Kako may extra pen ka?"
Napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sakin. Kinuha ko ang extra pen sa bag ko at iniabot sakanya ng di man lang nagsasalita. Kinuha naman niya ito ng maiabot ko kaya bumalik ulit ako sa pakikinig at nagpatuloy ulit ako sa pagsusulat.
"...I hope everyone of you did understand everything I have said. That's all for today, once again welcome everyone". aniya niya sabay ngiti ng mawalak bago naglakad pababa ng stage.
Nagpalakpakan kami matapos ang mahabang speech ni Dr. Javier. Kanya-kanya naman ng nagsitayuan ang lahat. Kanya-kanya na din kaming nagsilabasan ng hall.
Tanghali na at naisipan kong kumain muna tutal mamaya pa namang ala-una ang umpisa ng klase. Naisipan kong kumain sa malapit na fastfood chain na nakita ko sa labas ng school. Kukunti lang ang tao sa loob, narinig kong kumalam na ang sikmura ko kaya um-order na ako.
Twelve-thirty na ng makabalik ako sa school. Nag-umpisa na akong hanapin ang designated room na nakalagay sa notepad ko. Ayon dito sa nasulat ko, magkatapat ang Accountancy Building at Engineering Building. Nilibot ko ang paningin ko, halos magkakatapat lahat ng building! Saan naman kaya dito?
Medyo nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napagpasyahan kong magtanong na lang sa mga guards dito. Mabuti na lang at mababait sila't sinamahan nila ako. Nagpasalamat ako pagkatapos ay umalis na din si kuya guard. Napabuntong hininga ako ng malalim bago naglakad papasok. Tinignan ko ang oras, 12:45 na pala. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang narating ko ang Room 26 Block A.
Marami nang tao sa loob ng room ng dumating ako. Tahimik akong naupo sa dulo, may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang karamihan sakanila kaya di nila napansin ang pagpasok ko. Di ko namalayan na may umupo sa tabi ko.
"Hi! Okay lang bang umupo dito?" sabi nung babae. "Grabe no? Ang lawak ng school na 'to. Nakakapagod tuloy maglakad. Haha. Ikaw kanina ka pa ba dito?" dinig kong sabi nung babae.
Patuloy lang siya sa pagsasalita samantalang patuloy lang ako sa pagbabasa ng schedule ko.
"Miss?!" sabay kalabit sakin.
Napalingon ako sa kanya dahil sa ginawa niya.
"Oh! Ikaw pala! Akalain mo magka-blockmate pala tayo. I'm Kesha Rose Reyes. Ikaw anong pangalan mo?" nakangiting sabi niya sakin sabay lahad ng kamay sa harap ko.
"I'm Andrea Drielle Ramos" sabi ko tsaka nakipagkamayan.
"Ang tipid mo namang magsalita. Ay oo ngapala muntik ko ng makalimutan teka.." sabi niya tsaka may kinuha sa loob ng bag niya. "Oh ito na yung pen mo, salamat pala kanina ha. Di na kasi kita nakita kanina kaya di ko na naibalik. Salamat ulit ha."
Tipid akong ngumiti at tsaka ko kinuha sakanya yung pen. Akala ko ay wala na siyang sasabihin pero nagtuloy ulit siyang magsalita.
"Andrea Drielle, tama diba? Pwede bang makipag kaibigan? Wala pa kasi akong kakilala dito eh. Bale meron na pala, ikaw. " sabi niya.
Tumingin ako sakanya at nakangiti siya sakin. Oo nga pala parehas kaming bago sa school na 'to. Mahirap kung wala man lang akong maging kaibigan kahit isa.
"Sure, friends! And Drielle na lang itawag mo sakin mahaba kasi kung full name pa" nakangiting sabi ko.
"Okay sabi mo eh!" nakangiting sabi niya.
Maya-maya'y dumating na ang professor namin. Nag-umpisa na siyang magpakilala ng kanyang sarili at ganoon din kaming lahat. Matapos ng "getting-to-know-everyone" phase ay nagsimula na ang klase.
This is it! Official start of the first day of school. College years please be good to me.
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...