Chapter27: Reconcilation

37 4 0
                                    

[Kent'sPOV]

Kahapon pa niya di sinasagot ang mga text at tawag ko. Nakailang text na ako sakanya at halos malobat na ang cellphone ko kaka-dial ng numero niya. Pudpud na nga ang kuko ko kata-type ng text ko sakanya pero ni isang sagot mula sakanya wala.

Kaninang umaga sinubukan ko din siyang tawagan pero out of coverage siya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Mukhang iniiwasan talaga niya ako.

Inagahan kong pumasok pero mailap siya. Hanggang ngayon di ko pa siya nakikita at halos di na ako pumasok sa klase ko kakaabang lang sakanya. Kailangan kong magpaliwanag na mali ang mga nakita niya.

"Pre! Tulala ka diyan! May problema ka ba?" sabi ni Anton. Isa siya sa mga kaklase ko.

"Ah wala. May iniisip lang ako pre."

"Haynaku! Nag away kayo noh? Ayan na nga ba yung sinasabi ko kaya nga ayaw na ayaw ko magka syota eh. Sakit lang sa ulo yan!"

"Pwede ba di ka nakakatulong!" naiinis na sabi ko sakanya.

"Chill ka lang pre. Sorry! Ngapala nakita ko jowa mo kani-

"Saan? Saan mo nakita si Andrea?!" pagpuputol ko sakanya.

"Kanina sa may bench. Naka-upo siya doon nagbaba-

"Salamat pre! Salamat talaga!"

Hindi ko na siya pinatapos pa agad agad akong umalis. Iniwan ko na siya don. Parang may pakpak ang mga paa ko at alam na alam kung saan ang dapat puntahan nito.

Kailangan kong magpaliwanag sakanya. Ayokong mawala siya sakin. Gagawin ko lahat mawala lang galit niya sakin.

Nadatnan kong nakaupo siyang mag isa sa yellow bench at may hawak na libro.

Dahan dahan akong lumapit sakanya at tumabi sa kinauupuan niya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Biee... pwede ba tayong mag-usap?!"

Napaangat siya sakin ng tingin at inirapan ako.

"Biee. Please let me explain."

Pero di pa rin niya ako pinapansin. Lumuhod ako sa harapan niya na naging dahilan para tumingin siya sakin pero iniwas din agad niya ang tingin at binaling sa librong hawak niya.

"Biee.... please :'(" pagsusumamo ko.

Isinara niya ang hawak niyang libro at tumingin sakin.

"Explain now. I'm gonna listen."

Hinawakan ko ang kamay niya. Gusto ko siyang yakapin pero baka sapakin lang niya ako. Gusto ko siyang hagkan pero baka matampal pa niya ako. Kaya pinigilan ko ang sarili kong gawin iyon.

"Biee, I'm sorry. I'm really sorry"

"Yan lang ba sasabihin mo?!"

"Biee naman. Nagagalit ka pa rin eh nagsosorry na ako sayo eh. Sorry na. Mali ka ng iniisip. Mali ang pagkakaintindi mo sa nakita mo. Di naman ganoon yun. Nung araw na yun pinaki usapan ko si Kesha na tulungan ako sa paghahanda sa sorpresa ko sayo. Sosorpresahin sana kita sa monthsary natin. Gusto kasi kita mapasaya sa araw na yun.  Tinext ko si Kesha nun na bumili ng bulaklak kasi nakalimutan ko sa sobrang dami ng gusto kong gawin para lang maging successful ang surprise ko sayo. Total babae siya.... mas alam niya kung anong klase ng bulaklak ang magandang ibigay...."

Nakatingin lang siya sakin habang nagsasalita ako.

".... dumating siya saktong nag aayos ako ng mesa at pagkain. Hawak- hawak niya yung bulaklak. Dahil nandun na din lang siya minabuti ko nang iparinig sakanya yung kantang kakantahin ko para sayo para naman malaman ko kung pasado ba o hindi. Di ko naman ineexpect na dadating ka ng mas maaga sa usapan natin. "

Napayuko ako. Nakakabakla mang pakinggan pero naiiyak ako. Ang bading!

Hindi pa din siya nagsasalita. Tahimik lang kaming dalawa. Kapwa nagpapakiramdaman.

"Bakit di mo man lang ako binati ng umaga? Alam mo bang naiinis ako sayo? Pakiramdam ko nakalimutan mo yung espesyal na araw natin.."

"Hindi Biee. Hindi ko nakalimutan yun. Sorry. Sinadya ko talaga na di ka batiin kasi gusto kong isorpresa ka :( pero di ibig sabihin nun nakalimutan ko yun "

"Alam mo ba ang naramdaman ko? Gusto kong umiyak! Oo umiyak kasi akala ko nakalimutan mo ang monthsary natin!" may halong pagtatampong sabi niya.

"Pwede ba naman yun biee. Syempre di ko pwedeng kalimutan yun. Pasensiya ka na. Sorry na. Wag ka na magalit please."

"Bakit sinabi ko bang galit ako sayo?!"

"So di ka galit biee?!"

Umiling siya bilang sagot.

"Oo di ako galit sayo. Pero nagtatampo pa rin ako"

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya.

"Tell me Biee. Ano ba ang dapat kong gawin?"

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon