Nagsimula na ang klase namin kay Mrs. Elliy. Luminga ako sa likod para hanapin kung nakapasok na si Kesha. Kahapon kasi di ko na siya nakita. Umabsent siya dahil masama daw ang pakiramdam niya. Hanggang ngayon wala pa din siya. Kamusta na kaya yun? Haynaku! Nakakamiss kadaldalan nung babaing yon. Pero nag aalala ako sakanya, sana gumaling na siya.
"Okay class supposed to be we will have our practicum for today but sad to say that I'm too busy and all the faculties for the incoming acquiantance party. So for the mean time I want you to make a music video instead and it's up to you on what song you're going to sing. I'm giving you the leeway to choose. But you must post it on the website I will give to you. Is it clear?"
"Yes Ma'am" sagot naming lahat.
"The best one will be exempted for the exam and will be given additional points. Get it?" mahabang litanya ng instructor namin.
Nagsitanguan na lang kami bilang sagot sakanya. Matapos niyang sabihin ang mga dapat naming gawin ay umalis na din agad siya.
Naiwan akong nakatunganga at lutang ang isip! Music video? Tss. Sakit naman sa ulo! Practicum na lang sana kasi eh!
Loka! Busy nga sila kakasabi lang eh ang kulit ng lahi mo. Sige pagpilitan mo magpracticum kang mag isa! Narinig ko na lang na sabi ng isip ko. Akalain mo yun naririnig ko nagsasalita utak ko! Ang abnormal naman oh!
Anong gagawin ko? Paano ko uumpisahan yun? Anong kakantahin ko? Sunod sunod kong tanong sa sarili ko habang naglalakad. Sa pag iisip ko di ko na alam kung saan ako napadpad. Napadaan ako sa may madamong parte sa likod ng building namin. Tahimik ang lugar kaya naisipan kong maupo doon sa lilim ng isang malaking puno.
"Ahhhhhhh! Ang sarap ng hangin! Nakakarelax pala dito. Bakit di ko napapansin 'tong lugar na ito. Sabagay secluded area pala ito. Nasa likurang parte ito ng school. Akalain mo may lugar palang ganito dito. Tahimik, mahangin, malilim. Dito magandang magpahinga, sa lugar na ito pwedeng pwedeng matulog!
Prenteng prente akong nakaupo ng may narinig akong kumakanta. Tsaka ko lang namalayan na di ako nag iisa dito.
Tumayo ako sa kinaroroonan ko at sa di kalayuang puno may nakita akong isang lalaking nakaupo nakatalikod at may hawak na gitara at kumakanta. Iniisip ko kung lalapit ba ako sakanya o ano.
"Pano kung reypist pala siya, o kaya maniac o kaya serial killer? nagsisimula na namang magsalita ang abnormal kong utak! Loka loka ka talaga! Baliw ka na talaga ako. May reypist bang kumakanta at ganyan kaganda ang boses? Juicecolored! At haler sa ganitong lugar! Mukha bang serial killer at jusko naman sa lugar na to? Anong papatayin niya mga puno? Napaparanoid lang siguro ako.
"Malay mo naman modus operandi niya yan" sagot ko sa sarili kong utak!
Hala! Ano bang nangyayari sakin pati sarili ko kinakausap ko! Malala sariling utak ko pa kausap ko! Napaparanoid na nga ako akalain mo ba namang sagutin ko ang sarili kong utak ,aba matinde ito! Takte naman oh!!
Napagpasyahan kong lumapit sa kinaroroonan niya. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa tumigil siya sa pagkanta. Hala. Nahalata ata niya ako. Ano gagawin ko? Natataranta akong tumalikod at maglalakad na papalayo ng magsalita yung lalaki.
"Teka lang! Saan ka pupunta?"
Patay! Napahinto ako sa paglalakad. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakita niya ako! Ano na! Ano ng gagawin ko. Natataranta na ako. Di ko alam kung lilingon ba ako o hindi.
"San ka pupunta Andrea?"
Kilala niya ako? Teka! Bakit ba ngayon ko lang siya nabosesan! Dahan dahan akong lumingon paharap sakanya.
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...