Chapter20: The Confession

27 4 0
                                    

[Akihiro's POV]

Matapos ang naging pagtatapat ko kay Drielle balak ko na talaga siyang layuan. Hindi dahil sa nahihiya ako sakanya pero dahil sa alam ko na ang isasagot niya.

Bago matapos ang school fair nagkita at nagkausap kaming dalawa. Sinamahan ko siyang pumunta ng food court. Naglalakad kami ng una siyang magsalita.

"Ah.... Aki... about dun sa..."

Di ko na siya pinatapos na magsalita.

"Alam ko na ang sasabihin mo Drielle. Napapansin ko, simula ng sabihin ko sayo yun naiilang ka na sakin. I know it and I'm sorry".

Ramdam na ramdam ko ang pagka-ilang niya sakin. Maging ang pag-iwas niya nararamdaman ko.

"Can I ask you something?... Do you like me?"

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para itanong yun kahit alam ko naman na ang sagot. Matagal siyang di nakaimik at nakayuko lang. Shit! Nakakabakla pakinggan pero nagsisikip ang dibdib ko. Ang sakit!

"No. Don't mind about it! I knew the answer and yet I still ask it. You know what he's lucky. He's lucky that you like him."

Narinig ko ang paghikbi niya.

"I'm sorry... I'm sorry Aki.."

Shit! What did I do! Hindi ko alam kung paano ko siya aaluhin.

"No don't be sorry. Hush mi lady stop crying please.. hindi mo man ako magustuhan naiintindihan ko yun. Just.. just let me be your friend Drielle".

Niyakap ko siya pero mas lalo lang siyang umiyak. Pinipigilan ko ang sarili kong halikan siya kaya hinigpitan ko na lang ang yakap ko sakanya. Tama na nga siguro na hanggang kaibigan lang ako.

Kung ako nalang sana ang una niyang nakilala, kung ako na lang sana ang nagustuhan niya. Kung pwede lang sanang turuan ang puso.

Nakahiga ako sa kama habang tinititigan ang picture niya sa wallpaper ng phone ko. Tama nga siguro yung lyrics sa kanta.

"...only know you love her when you let her go...when you let her go..."

[Kent'sPOV]
Ilang araw din akong abala para sa school fair kaya di ko na madalas makita si Andrea. Namimiss ko na tuloy siya lalo na kapag aasarin.

"Kent!"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Angel naglalakad palapit sakin.

"Oh, Angel bakit?"
"Namiss lang kita Kent!" pinulupot niya ang braso niya sa braso ko. "Di mo ba ako namiss?"
Matagal ko ng kilala si Angel, highschool pa lang kami magkaibigan na kami. Mabait siya pero may pagka mataray lang. Maganda siya at mala-anghel ang mukha at isang taon lang ang agwat ng edad namin.

Naging malapit siya sakin maging sa pamilya ko. Kilala din ako ng pamilya niya dahil sa palagi ako sa bahay nila noon. Nag iisang anak lang siya gaya ko kaya nagkalapit kami ng husto.

Minsan napagkakamalan kami ng ibang mga kaibigan ko na may gusto kami sa isa't isa. Pero ang di nila alam nakababatang kapatid lang ang tingin ko sakanya.

Nung una ay okay naman ang kinikilos niya, pero nitong mga nakaraan araw iba na ang kinikilos niya. Minsan na din niyang nabanggit na may pagtingin siya sakin pero nang sabihin kong kapatid lang ang tingin ko sakanya ay nagmaktol siya na parang bata at sinabing magugustuhan ko din daw siya.

Inalis ko ang kamay niyang nakapulupot sa braso ko.

"Bakit ka nga pala nandito? Akala ko ba may booth kayong inaasikaso?"

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon