Chapter23: Closure

41 4 0
                                    

Naiwan kaming dalawa na magkasama. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao dito. Napapitlag ako ng magsalita siya.

"Kamusta ka na Drielle?"

"O-okay lang naman ako"

"Ang tagal nating di nagkita. N-namiss kita"

Di ko siya sinagot. Tinignan ko lang siya at nagpatuloy siya sa pagsasalita niya.

"Hinintay kita Drielle, bakit di ka dumating?"

Tinignan ko siya na may halong pagtataka.

"Anong sinasabi mo? Hinintay?"

"Hinintay kita sa airport pero di ka dumating "

Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"Anong sinasabi mong naghintay ka? Hindi ko alam ang sinasabi mo Tristan. Sa katunayan ang pagkakatanda ko ay isang text mo lang ang naging paalam mo sakin."

Sinikap kong magsalita ng natural kahit alam ko na nahaluan ko ng pait ang mga nasabi ko.

"Inaamin ko umalis ako ng di nagpapaalam sayo ng maayos. Pero nagtext ako sayo na hihintayin kita sa airport pero di ka dumating. "

"Alam mo bang ilang oras akong naghintay sayo. Di ba dapat ay magsasaya tayong dalawa. Pero hindi ka dumating. Sa halip isang text mo lang ang natanggap ko. At alam mo ba kung ano ang masakit dun? Masakit na hindi mo lang ako nabigyan ng maayos ng paalam. Basta mo na lang akong iniwan na parang isang aso sa tabi".

Puno ng pait kong sabi sakanya.

"Makikipagkita naman talaga ako sayo nun Drielle pero tinawagan ako ni Mommy at sinabi niyang kailangan naming umalis dahil nagkasakit si Daddy kailangan naming umalis papuntang US. Nagpaalam ako kay Mommy na pupuntahan ka saglit para makapag paalam ng maayos pero di siya pumayag. Sa halip pinag ayos niya ako ng gamit dahil naka book na ang flight namin ng gabing iyon. Pupuntahan na sana kita pero ang sabi niya ay siya na lang ang kakasaup at magpapaliwanag sayo. Ang sabi niya sakin ay naiintindihan mo ko at okay lang na umalis ako at susunod ka sa airport. Pero hindi ka dumating"

Ibig sabihin ang Mommy pala niya ang nagtext sakin at hindi siya. Alam ko naman na simula palang ayaw na ng Mommy niya sakin.

"Naniwala ka naman sa Mommy mo? Alam mo namang simula palang ayaw na niya sakin diba? Naniwala ka naman na tinext ako ng mommy mo at papupuntahin ako don?"

Hindi na siya naka-imik sa sinabi ko.

"Masakit sakin na ganoon ang ginawa mo. Ang sakit na araw araw para akong baliw na naghihintay sa pagbabalik mo. Alam mo bang ilang araw din kitang ini-e-mail pero ni isang reply galing sayo wala.."

"Kaya ba nung nag chat ako sayo galit ka sakin? Kaya ba ayaw mo na ako makita? Bumalik ako dito dahil gusto kong malaman kung bakit di ka sumasagot sa mga sulat ko"

"Ano bang sulat ang sinasabi mo Tristan?"

Tinignan niya lang ako ng habang binabasa ang ekspresyon ng mukha ko.

"Sinusulatan kita Drielle. Linggo-linggo akong sumusulat sayo. Di mo ba natatanggap?"

"Kahit isa sa sinasabi mong sulat ay wala akong natanggap"

Nanlumo si Tristan sa sinabi ko. Oo sigurado ako wala akong sulat na natanggap man lang. Ni communication nawala simula nang umalis siya.

"Ang totoo niyan Tristan ay naghintay ako pero di ka sumasagot sa mensahe ko. Nagulat na lang ako ng makita kong may kasama kang babae. Nakayakap siya sayo... mukhang masaya ka naman sakanya kaya tumigil na ako sa pag e-mail sayo"

"Sa maniwala ka't sa hindi Drielle. May ibang gumamit ng account ko pero di ko alam kung sino. Maniwala ka."

"Wag ka ng magsinungaling pa sakin! Paano mo ipapaliwanag ang larawang nakita ko ha? Sige paano!"

"Drielle... hayaan mo kong ipaliwanag yon. Ang larawang nakita mo ay kuha naming dalawa ni  Denise. Nirereto siya sakin ni Mommy. Nasa States din siya nung pumunta ako dun pero di ko siya pinapansin dahil ikaw ang mahal ko... maniwala ka"
"Alam mo bang nang nalaman ko na ikaw yung ka-chat ko nakaramdam ako ng galit. Bumalik lang kasi lahat ng naramdaman kong sakit"

"I'm sorry Drielle :( "

"Wala na tayong magagawa diyan. Nangyari na ang nangyari. Kahit ipaliwanag mo pa iyan ngayon wala ng magbabago pa. Kung sana'y noon ka pa dumating..."

"Pero mahal kita Drielle at nandito na ulit ako para sayo.. para sa atin. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon para bumalik tayo sa dati"

"Tapos na ang pagkakataon na yun satin. Napakasakit man ng lahat ng ito pero natuto na ako Tristan. Natuto na ako na mabuhay ng wala ka. Oo, minahal kita ng sobra na halos di ko kinaya ng umalis ka, nagalit ako sayo oo, lalo na nung nalaman kung bumalik ka. Pero ngayong nandito ka kaharap ko. Akala ko babalik pa yung nararamdaman ko pero mali ako.."

"Drielle... please.. :'(

"Tristan, wag na natin pahirapan ang isat-isa. Kailangan na natin mag move on. You can't go on with the next chapter of your life if you'll keep on getting back with the past. There is one person who made me believe that no matter what happens in the past you should leave it in the past and always move forward and focus on the present. I'm so sorry Tristan"

Umiiyak siya ngayon sa harapan ko. Mabuti na lamang at nasa dulo kami at di kapansin ng mga tao.

"K-kung mas maaga ba ako bumalik may pag asa pa ba? Kung bumalik ba ako ng mas maaga, a-ako pa ba?

Hinawakan ko ang palad niyang nasa mesa.
"Kung mas maaga ka lang bumalik baka siguro tayo pa. Baka ikaw pa rin sana. Baka maayos pa kung anong meron tayo. Pero ang satin ay wala na. Masaya na ako ngayon. Sana maging masaya ka na din para sakin. G-gusto ko lang sabihin na napatawad na kita Tristan."

"Ang sakit Drielle :'( Mahal na mahal kita at hindi nagbago yun kahit nang magkalayo tayo. Pero alam ko na ngayon, kahit masakit para sakin pipilitin kong maging masaya para sayo dahil mahal kita."

***************

Mamaya na ang alis nina Tita Vel kaya naisipan muna naming magkwentuhan sa terrace.

"Kamusta pala ang naging pag-uusap niyo?"

"Madami po akong nalaman tita. Sinusulatan pala niya ako pero wala naman akong natatanggap...."

"Pano nangyari yun?"

"Di ko po alam kung paano pero wala na sakin yun. Napatawad ko na po siya at tanggap ko na po na di na mababalik kung anong meron kami dati..."

"Ang laki na ng pinagbago mo Drielle. You've grown into a mature lady and I'm proud of you."

Matapos ang naging pag uusap namin ni tita ay nag-ayos na din sila ng gamit nila sa pag-alis. Sina Mama at Papa na ang naghatid sakanila at di na ako sumama pa. Dumiretso na ako ng kwarto ko para magpahinga ng umilaw ang phone ko.

one message receive
From: Biee
tulog kna ba biee? :)
Ako:
Ma22log na sana. Bk8 biee?
From: Biee
Wla lng biee. Ntnong q lng :)
Ako:
E bk8 ikw biee gsing ka p?
From: Biee
Iniisip kasi kta biee ;')
Ako:
I2log muna yan biee. Maaga pa pxok ntin tom. :)
From: Biee
Aw :( di mo ba q niisip biee?

Owh! Ang cute parang bata! Haha :D

Ako:
Iniisip biee :) Syempre smile kna. 2log na din tau. I love u. :-*
From: Biee
:) nksmile na q biee. Cge 2log na tau. Goodnyt. Mahal din kita :-*

Kahit kailan talaga tong si Kent pinapakilig ako. Nakangiti kong nilapag ang phone ko sa gilid ng kama ko at dahan dahang pumikit hanggang sa yakapin na ako ng antok.

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon