[Tristan'sPOV]Madilim pa ng lumapag kami sa airport. Sinalubong lang ako ng family driver namin na si Mang Nando at siya na din ang naghatid sakin sa bahay. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakabalik ka na sa pinanggalingan mong lugar. Atlast hello Philippines! I'm back! Haaa! Home sweet home! Namiss ko talaga dito.
Kakarating ko pa lang pero parang ang dami ko na agad gustong gawin. Parang ang daming bagay ang di ko na nakasanayang gawin simula nang nagpunta ako sa States. Nadaan kami sa mga nagtitinda sa daan, namiss ko tuloy kumain ng fishballs, kwek kwek, isaw, betamax at lahat ng klase ng street foods. Iba pa rin kasi ang pagkain sa Pinas.
Habang nasa daan pauwi napahinto kami dahil sa traffic. Di pa din talaga nagbabago matraffic pa din. Sobrang haba ng naging biyahe ko pero di ako makaramdam ng antok ngayon. Dumungaw ako sa labas ng bintana ng sasakyan at nakakita ako ng stall na may tindang mga rosas. Iisang tao lang ang nasa isip ko sa mga oras na ito walang iba kundi si Drielle. Kamusta na kaya siya? Ang tagal na simula ng umalis ako dito pero hindi man lang niya sinasagot ang mga sulat at e-mail ko sakanya. I miss her so much and I can't wait to see her again.
Pangatlong araw ko na ngayon dito sa Pinas mula ng dumating ako. Sa mga nagdaang araw ay ilang beses kong binalak na puntahan si Drielle pero lagi na lang may nangyayari.
Hapon na ng makarating ako sa bahay galing sa kaibigan kong si Kristoff. Sinalubong ako ni Yaya Bebang ng yakap. Namiss ko talaga 'tong yaya namin na ito. Nung unang araw ng dating ko, wala sila dito tanging si Mang Nando lang ang naiwan dahil sa umuwi si yaya sa kanilang probinsya. Itinuring ko ng pangalawang ina si yaya Bebang dahil sa palaging out of town sina Daddy at Mommy kaya kami lang ang laging magkasama. Siya ang laging umaasikaso sakin sa lahat ng bagay.
"Sir, welcome back po. Naku pasensiya na po at wala ako ng dumating kayo. Wala man lang po akonh ideya na uuwi kayo." paghingi niya ng pasensiya sakin. "Kamusta ka na iho? Grabe ang laki na ng pinagbago ng nonong ko. Mukhang pagod na pagod ka ha? Teka at ipaghahanda kita."
"Salamat po Yang. Okay lang po nabanggit naman po sakin ni Mang Nando na umuwi kayo sa probinsya. Yang naman eh wag niyo na po akong tawaging nonong, binata na po ako eh. Hehe. Oo nga po eh pagod po ako galing kasi ako kina Kristoff, heto may pasalubong ako sainyo" sabay abot sakanila ng paperbag na hawak ko.
"Naku iho nag abala ka pa pero salamat naman. Oh siya magpahinga ka na muna riyan at ihahanda ko lang itong dala mo ng makakain ka na din"
"Salamat Yang!"
Napangiti ako sakanila bago siya pumasok sa kusina. Sinabi ko na din sakanila na aakyat na muna ako sa kwarto ko para magpahinga at tawagin na lang ako kung nakahanda na ang pagkain.
Namiss ko pati ang kwarto ko dito. Ibang iba kasi ito sa kwarto ko sa States dahil sa marami akong magagandang alala dito. Nakasabit pa din sa pader ang maliit na frame na may picture namin ni Drielle while celebrating our first anniversarry.
This room has a lot of memories with Drielle. This room witnessed how did our love begin. I considered myself the luckiest man for having her in my life and living a life without her really sucks. Memories came flashing on my mind, her laugh, her smile, the way she eats and every simple thing she does that makes me love her so much.
I really need to see her. Nilapag ko sa ibabaw ng drawer yung frame. Naisipan kong buksan ang bagong facebook account ko. I just did it recently. Hindi ko na kasi mabuksan yung dating account ko, hindi ko din alam kung paano nangyari yon pero siguro may nangialam kaya ganoon. Well nevermind it what important is I have my new account.
Hinanap ko ang facebook ako niya, buti nalang at hindi niya naiisipang magpalit ng profile name dahil tiyak na mahihirapan akong hanapin iyon kung sakali. I browse her facebook. Tinignan ko lahat ng mga albums niya at isa lang ang masasabi ko. She's still the same girl I love, the same girl I will always love.
Napansin ko din ang ilan sa mga pagbabago sakanya. Mas lalo siyang gumanda, mas bumagay sakanya ang haba ng buhok niya at mas nadepina ang kurba ng kanyang katawan. Mas lalo ko na tuloy siya gustong makita panigurado magugulat sa saya yon kapag nalaman niyang nakabalik na ako.
Iniisip ko kung magpapakilala ba agad ako sa kanya kapag nai-chat ko na siya pero di ko naman alam kung paano ko uumpisahan, kung anong mga dapat kong sabihin sakanya. Parang may sariling utak ang mga kamay ko at basta na lang itong nagtipa sa keyboard ng laptop ko
Ako:
"No I've never seen nothing like you,
No one else makes me feel like you do
I've search across the universe
I've seen many things so beautiful its true
But I've never seen nothing like you"How are you? :-)
Habang tinatype ko ito naalala ko yung mga araw na nakikita ko siyang nakangiti at masayang masaya. Yong mga araw na makita ko palang siya, buo na at maganda na ang araw ko. Makikita ko lang siyang ngumingiti, napapangiti na din ako.
Una kong marinig ang lyrics ng kantang yan, iisa lang ang taong nasa isip ko at yun ay walang iba kundi si Drielle.
Nai-send ko na ang message ko sakanya ng may maalala ako. Hindi pala ako nakapagpakilala sakanya. Nagtipa ulit ako sa keyboard ko.
"Ako pala ito Drielle si Tristan. I'm back!"
Icli-click ko na sana yung enter button para masend na ng biglang nagshut down ang laptop ko.
Napamura ako ng wala sa oras "What the fuck! Ngayon pa nag-shut down ito. Hindi ko pa nasesend eh. Tss."
Kinuha ko agad ang charger at chinarge ko na muna yung laptop. Nakakainis naman wrong timing talaga! Dibale may bukas pa naman, saka ko na lang sasabihin sakanya.
Kinaumagahan maaga akong gumising at ang ganda din ng pakiramdam ko. Marahil siguro na rin sa excited na akong lumabas, madami kasi akong gustong puntahan pero hindi ko naman alam kung saan ako mag-uumpisahan.
Bigla kong naalala si Drielle. Tama! Alam ko na, bakit nga ba di ko siya puntahan ngayon. Gusto ko siyang isorpresa. Nagmadali na akong naligo at nag-ayos ng sarili. Nagpaalam ako kay yaya na may pupuntahan lang ako saglit at babalik rin ako.
Habang nasa kotse iniisip ko kung ano ang sasabihin ko kapag nagkita na ulit kami ni Drielle.
"Hi Dhie? Surprise!"
Tss. Ang pangit naman!
"Surprise! Hi, did you miss me?"
Tsk! Erase! Erase Erase! Ano ba naman ito ang hirap naman hindi ko alam ang sasabihin ko. Bahala na nga lang mamaya!
Nakarating na ako sa tapat ng bahay nila pero nakapagtataka mukhang walang katao tao. Pinindot ko ang doorbell pero wala man lang lumalabas kahit isa.
"Tao po, Drielle? Tao po? May tao po ba?" patuloy lang ako sa pagtawag pero walang sumasagot.
Patuloy lang ako sa pagtawag ng may magsalitang matanda mula sa likuran ko.
"Naku iho mawalang galang sayo. Kung hinahanap mo yung mga nakatira diyan aba eh matagal na silang umalis diyan"
"Ah ganoon po ba Lola, eh alam niyo po ba kung saan po sila lumipat?"
"Pasensiya ka na iho pero hindi ko alam kung saan sila lumipat eh. Hindi nga namin nalaman agad na umalis na pala sila diyan. Pasensiya ka na iho ha. Sige mauna na ako sayo"
"Ganoon po ba sige salamat po lola"
Kung ganon ay lumipat na pala sila ng tirahan. At ayon kay lola na nakausap ko matagal na silang hindi doon nakatira. Para akong pinagbagsakan ng pag-asa. Saan kaya kita mahahanap Drielle?
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...