Narinig kong nag iingay na ang alarm clock ko. Kahit tinatamad pa akong bumangon ay pinilit kong abutin ang orasan at tsaka pinatay."Haaaaaaa!!" napahikab ako sabay unat-unat ng mga braso ko.
Tumayo na ako sa higaan at napagpasyahan kong mag-ayos na para di ako malate sa pagpasok. Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo. Dali dali akong nagsipilyo at naligo. Ang sarap ng tubig na lumalabas sa shower, ang lamig sa balat. Nakakawala ng antok.
Matapos kong maligo bumaba na ako sa kwarto ko. Sinigurado ko muna na maayos na ang lahat ng gamit sa bag ko at maayos na din ang suot ko. Nadatnan ko na sa sala sina Mama at Papa na kumakain.
"Come here princess, let's eat!" tawag sakin ni papa.
Dali-dali naman akong lumapit sakanila at pareho ko silang hinalikan sa pisngi bago maupo.
May nakahain na sinangag na kanin, itlog, ham, bacon, meatloaf, cheese, bread at may hotdog pa. Meron din coffee at orange juice. Magana naman akong kumain ng agahan. Tinignan ko ang orasan ko at quarter to 7 na kaya nagmadali na akong tapusin ang kinakain ko at nagpaalam na ako sa pagpasok.
"Ma, Pa, alis na po ako ayokong malate ngayon eh"
"Ganoon ba. Tama na ba yung nakain mo? Baka naman sa kamamadali mo di ka nakakain ng maayos anak?" nag-aalalang tanong ni mama sakin.
"Mama talaga! Nakakain ako kita niyo naman oh!" sabay turo ng tiyan ko. "Sige po alis na po ako. Bye!!" nagpaalam na ako sakanila sabay halik sa pisngi.
"Take care, princess!" pahabol ni papa paglabas ko ng pintuan.
"Thank you Pa!" sabay ngiti sakanila.
Nag-abang na ako ng masasakyan. Di naman ako natagalan dahil may pumarada naman agad na jeep sa tapat ko. Halos punuan na din kaya sumakay na ako.
Habang nasa biyahe di ko mapigilang tignan ang wristwatch ko. Anong oras na! Ang malas naman, punuan nga itong nasakyan ko pero para naman may hinahatid kaming patay sa bagal magdrive ni Manong! Five minutes na lang before seven pero parang ang layo pa namin! Sampung minuto lang dapat ang biyahe pero mukhang malelate ako nito dahil sa bagal ni Manong! Gusto ko tuloy magmura!
Agad agad akong bumaba nang tumapat na sa school. Nilakad-takbo na papasok hanggang sa makarating ako sa hallway ay ganon pa rin but at the same time I'm silently uttering a prayer in my mind. Tss. Medyo strikto pa man din yung professor ko sa Basic Math!
Papaliko na sana ako sa may corridor nang biglang may mabigat na bagay na tumama sa ulo ko.
"Ooouuuuuuuutch! WTH! " napamura tuloy ako sa sakit!
"Sorry Miss okay ka lang" sabi ng lalaki na may bitbit na kahon na may lamang mga libro.
Kung kailan naman nagmamadali eh! Tsaka pa ganito! Nagpanting ang tenga ko sa tanong niya. Do I look like I'm okay?
"Excuse me! Natamaan ako sa ulo sa palagay mo okay lang ako! Wow ha! Ikaw kaya matamaan, maging okay ka kaya? Aist! Di ka kase tumitingin sa dinadaan mo ee! Kita mong nagmamadali yung tao tapos paharang harang ka" naiiritang sabi ko sakanya.
Ayoko sanang magsungit pero wala eh kanina pa ako badtrip dahil kay Manong tapos sumabay pa ito kung sino man siya! Inirapan ko na siya tsaka naglakad na ako paalis. Di ko na hinintay na magsalita pa siya. Naiinis ako habang tumatakbo.
Nagsusulat sa pisara ang instructor namin ng dumating ako. I guess they already started. Tinantya ko na di siya nakatingin kaya dahan dahan akong naglakad papasok papunta sa upuan ko. Kunti na lang, kunting-kunti na lang at makaka---
"Miss, Ramos what do you think you're doing. You're late!"
Takte naman nahuli ako kung kailan malapit na ako! Kunti na lang makakaupo na sana ako. Napahinto ako at napalingon sa instructor namin.
"So- so- Sorry Ma'am I'm late! " nauutal pa ako habang nanginginig ako. Nakakatakot kasi itsura niya.
"You know my rules, Ms. Ramos!" nagagalit na sabi niya. " I don't like late comers in my class. And sad to say your 15 minutes late. Go outside and you'll stay there until my class ended" madiin na sabi niya sakin.
I was about to say something. I was about to reason out but I opted not to. Tahimik na lang akong lumabas ng room. Wala pa nga akong isang buwan na pumapasok dito pero ito for the first time I was late! Tsk! Nakakabwesit naman kasi! Naupo na lang ako sa may bench di kalayuan sa room namin.
"Makapagsoundtrip na nga lang, nakakaboring maghintay" sabi ko sa sarili ko sabay pasak ng earphone sa tenga ko at kinuha ang phone ko sa bag. Sinadya kong lakasan ang sounds tutal naka earphone naman ako.
Ang ganda ng kantang pinapatugtog ko pero di ko madama dahil sa naiinis pa rin ako hanggang ngayon. Sa kaloob looban ko gusto kong sumabog at sumigaw sa inis! Nakakayamot kasi talaga! Nahuli na nga ako, napagalitan pa at napahiya then that incident happen. Wala naman akong balat sa pwet ah! Pero bakit naman sunod sunod akong minalas ngayong araw. Napahawak na lang tuloy ako sa ulo ko at dahan dahan kong hinaplos pinakiramdaman ko kung may bukol ba ako sa noo dahil sa pagkaka untog ko, ang sakit tuloy ng ulo ko. Wag na wag ko lang makita ulit yung bwesit na lalaki na yun! Naku naman talaga!
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...