Tik-tak! Tik-tak! Tik-tak! Tama ba yung narinig ko o nag aasume lang ako?! Ako?? GUSTO AKO NI KENT!!!! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Teka pano nangyari yun tsaka kelan pa??"Anong sinasabi mo Kent? Naguguluhan ako eh!"
"Di pa ba obvious Andrea gusto kita. Di lang nga yata gusto eh. Mahal na nga kita eh!..."
"Kent..."
Tahimik lang akong nakatingin sakanya. Di pa din kasi ako makapaniwala na gusto niya ako. Di mag sink in sa utak ko e. Lutang pa ako!
"Okay lang Andrea. Hindi kita minamadali dahil alam ko nabigla kita, alam ko na di ko pa dapat sinabi sayo ito pero....
"Gusto din kita!"
Napahinto siya sa sinabi ko at matamang nakatingin sakin. Shit! Nasabi ko ba yun? Nasabi ko ba talaga? Nakatingin lang siya sakin at halatang gulat. Ohmy! Steady my heart! Ang lakas ng pintig ng puso ko!
"A- ano ulit sinabi mo?"
Ang bingi naman nito! Sarap batukan eh!
"Ang s-sabi ko gusto din kita Kent"
Tinignan lang niya ako nang di man lang kumurap. May mali ba sa sinabi ko?
Maya maya'y naramdaman kong tumayo siya sa kinauupuan niya at niyakap ako.
"Walang ng bawian yan Andrea ha! Yeeeeesss!"
Shit putong malagkit! Palagi na lang niya akong pinapakilig! Haiy Kent! Di ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.
"K-kent! Ano ba maupo ka nga! Nakakahiya ang daming tao." namumula kong sabi.
*************************
"Ma! Nandito na po ako!"
"Andrea!!!"
"Tita Vel!"
Agad akong sinalubong ng yakap ni Tita Vel at Tito Ry ko.
"Tita namiss ko po kayo." yumakap ako ng mahigpit sakanila. "Gaano po katagal niyo balak magstay dito tita?!"
"Haha! Ikaw talaga di ka pa din talaga nagbabago. Mga tatlong lang kami dito ng tito tapos balik agad kami ng Cebu. Alam mo naman madami kaming naiwan don"
Tinawag na kami ni mama dahil nakahanda na ang hapag kainan. Tuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan. Isa si Tita Vel sa pinaka paborito kong tita. Siyam na taon lang kasi ang agwat ng edad namin kaya magkavibes kami."Ngapala Andrea kamusta na pag-aaral mo?"
"Ayos naman po tita. Malapit ng matapos ang first semester namin. Ang bilis nga po ng araw eh"
"Ganoon ba. Eh ang lovelife mo kamusta?"
Hindi naman strikto sina Mama at Papa pagdating sa lovelife ko. Basta daw mag aaral daw muna ako at alam ko kung ano ang mga dapat iprioritize at di makakasira sakin ay ok lang daw.
"Hmn... ok lang naman po tita"
"Kailan mo naman siya balak ipakilala samin yan"
Lahat sila nakatingin sakin. Ganon ba sila kainteresadong makilala siya?
"Soon makikilala niyo din po siya!"
Lahat ng naging parte ng buhay pag-ibig ko ay alam nila lalo na si Tristan. Naalala ko pa nga na sobrang lapit ng loob niya kina mama at papa kahit na kay Tita Vel ganon din siya. Madali niyang nakuha ang loob nila. Pero simula nang nalaman nila ang nangyari samin may parte sakanila ang nanghinayang.
Alas tres na ng hapon ng mag-ayang mag mall si Tita Vel. Suki talaga siya ng mga mall kaya twing nandito sila di pwedeng di siya magshopping. At dahil niyaya niya ako sagot daw niya lahat. Una naming pinuntahan ay sa ladies wear. Busy si tita sa pamimili ng tumunog ang phone ko.
From:Biee
Biee, mryenda kna jan ha. Wag ka skip ok? Iloveyou :)Pinalitan ko na pala yung name ni Kent sa contact ko. Biee ang nilagay ko dahil yun na daw tawagan namin. Nung una ayoko ng biee pero nung binigkas niya yun nag iba ang dating sakin and I swear nakakakilig pag siya ang bumibigkas. Ang sexy lang! Hindi ko ineexpect na may sweet side pala siya. Akala ko kasi puro pang aasar lang alam niya gawin.
Ako:
Tnx Biee. Ok po di aq magskip. Ikw din ha. Iloveyou too :-*Tapos ng mamili si tita ng damit kaya diretso na kami sa counter. Infairness talagang sinulit ang pagsha-shopping. Nakailang bag din kasi kami.
Dahil sa pagod nakaramdam kami ng gutom kaya dumiretso kami sa foodcourt. Papasok na sana kami ng may mahagip ang paningin ko. Pamilyar na pigura. Parang kilala ko kung sino siya. Pero imposible naman yun.
"Andrea, tara na pasok na tayo. Bakit ano bang tinitignan mo jan?""Ah wala po tita. Tara pasok na tayo"
Umorder kami ng burger tapos siomai at fries at gulaman. Paborito ko lahat ang inorder namin kaya ganado akong kumain. Isusubo ko na sana ang huling piraso ng siomai ng malaglag ko ito dahil sa nakita ko. Ohmygod! Di pwede ito!
[Tristan'sPOV]
Wala si Manang ngayon sa bahay. Actually mag-tatlong araw na siyang wala. Nagpaalam kasi siya na uuwi daw muna siya sa probinsiya nila dahil may sakit ang kanyang anak. Naiintindihan ko naman siya kaya pinayagan ko siyang umalis at binigyan ko pa ng pamasahe at extrang pera. Di din naman sila iba sakin dahil para ko na siyang nanay.
Tatlong araw na din akong kumakain sa labas. Di naman kasi ako marunong magluto, mag-bake pwede pa. Kasalukuyan akong nasa mall at bumibili ng long sleeves na gagamitin ko sa birthday ng kaibigan sa makalawa.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong pumunta kumain muna. Naglalakad ako para tumingin kung saan magandang kumain dahil halos lahat ng kainan ay punuan. Pumasok ako sa isa sa kainan na di gaanong karamihan ang tao. Um-order ako ng siopao at softdrinks. Light meal lang gusto ko kainin sa ngayon dahil meryenda pa lang naman.
Paupo na sana ako sa bakanteng upuang nakita ko nang mahinto ako sa nakita ko. Si Drielle! Napahinto siya sa pagkain ng makita niya ako. Nagka eye to eye kaming dalawa at napalingon sakin ang kasama niya. Si Tita Vel!
Kahit alam kong di naman nila ako tinawag ay lumapit pa din ako sa kanila.
"Okay lang bang maki- upo?"
Nagkatinginan lang kami ni Tita Vel at tumango siya bilang sagot. Pakiramdam ko sobrang sikip ng lugar na kinaroroonan namin. Tumayo si Tita Vel para magpaalam.
"I think you two should talk. Maiwan ko muna kayong dalawa "
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...