Chapter16: Tristan Ray Forrester[PART2]

46 4 0
                                    


Nang malaman kong hindi na sila nakatira sa dati nilang tirahan ay nalungkot ako. Paano ko pa siya makikita? Saan ko siya hahanapin? Wala akong ideya kung saan sila pwedeng lumipat. Hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin, kung saan ako magsisimula pero hindi ako papayag na di ko siya makita.

Nagbaka sakali akong ikutin ang buong subdibisyon na ito para makita siya. Nakarating na ako sa dulo nito'y wala man lang kahit anino ni Drielle. Nag-uumpisa na akong mawalan ng pag-asa pero sa twing sumasagi sa isipan ko ang masayang mukha niya ay lumalakas ang loob ko.

Lahat ng mga lugar na lagi naming pinupuntahan nang nandito pa ako ay napuntahan ko na. Ayokong mawalan ng pag asa kailangan ko siyang makita.

Magdadapit hapon na at naramdaman kong kumakalam na ang sikmura ko. Naalala ko di pala ako kumain ng almusal nang umalis ako kanina, maging ang pagkain ng tanghalian ay di ko na nagawa.

Naghahanap ako ng lugar na pwedeng makainan ng mahinto ako sa tapat ng isang restaurant, Lourix Enchanted Resto. Mula dito ay makikita ang ganda ng sunset.

Pumasok ako sa loob at nakita kong mga Italian dishes ang sineserve nila. Gustong gusto ko ng mga Italian foods kaya naisip kong dito na lang kumain. Kailangan kong kumain nang sa ganoo'y may lakas akong hanapin si Drielle. Napili kong maupo malapit sa may bintana.

Ilang minuto lang ay dumating na sakin ang order ko. Nagsimula na akong kumain ng mapalingon ako sa pintuan ng umingay ang chime nito. Biglang kumabog ang dibdib ko. Pumasok sa loob ang isang babae at halos huminto ang mundo ko ng makita siya. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko siya yun sigurado ako.

Mataman lang siyang sinusundan ng aking paningin. Ineksamin kong maige ang mukha niya, hinding hindi ko makakalimutan kung gaano siya kaganda, ang ngiti niya, ang lahat sakanya.

Tatayo na ako at aktong lalapitan siya ng makita ko na nilapitan siya ng isang lalaki, kung ganoon ay di pala siya nag iisa. Kitang kita ko ang ngiti sa mukha niya habang kasama niya yung lalaki. Sino kaya siya at bakit sila magkasama? Boyfriend kaya niya iyon? Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko.

Nakikita ko mula sa kinaroroonan ko kung paano siya alalayan maupo nung lalaki. Nakikita ko ang kislap sa mga mata niya sa twing magtatawanan sila. Bigla akong nakaramdam ng sakit. Parang tinutusok ng kung anong matulis na bagay ang dibdib ko hindi ko alam pero sobrang sakit parang dinudurog ang puso ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa lugar na iyon. Ni hindi ko din alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Ilang minuto din akong nakahiga lang nakatulala at nakatingin lang sa kisame habang nag-iisip.

Napagpasyahan kong bumangon at humarap sa laptop ko. Pagkabukas na pagkabukas ko'y may nagmessage sakin.

PrincessAD:
"Haha. Nice song! :-) Anyways I'm okay, how about you? And sorry to ask this but do I know you? I mean I can't remember you eh."

Napatapik ako sa noo ko ng maalala ko na hindi ko pala nasabi ang pangalan ko. Iniisip ko kung sasabihin ko na ba agad kung sino ako pero parang may sariling utak ang mga daliri ko.

Ako:
"I hate to see you with someone. It hurts me a lot :'( "

Pipindutin ko na sana ang delete button para burahin ang natype ko pero namali naman ako ng pindot! Kung minamalas nga naman oh! Baka kung anong isipin niya kapag nabasa niya yun. Bahala na lang! Ang daming pumapasok sa utak ko sa mga oras na ito at naguguluhan talaga ako. Humiga na ulit ako at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Balak ko kasing mag jogging paikot sa subdivision namin. Nung nasa States ako halos araw-araw akong nagjajog sa village.

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon