Monthsary namin ngayon ni Kent at gusto ko siyang regaluhan ng bagay na maapreciate niya. Yung di niya makakalimutan. Ano kayang maganda? Bakit naman kasi ang hirap mag isip eh. T____T
Naglalakad ako sa hallway ng magtext sakin si Kesha.
"San ka? D2 ako canteen ngayon"
Nireply ko siya.
"Nagla2kad. Pnta ako jan. W8 me k?"
Minadali ko ng maglakad nakaisip ako ng magandang ideya. Tama! Makakatulong nga siguro.
Pagdating ko sa canteen hinanap ko agad kung saan nakupo si Kesha. Ayun siya! Naglalakad na ako palapit sa kanya pero nahalata ko na malungkot siya.
"Kesha? May problema ka ba? Malungkot ka jan?"
"Ah.... wala. Kanina ka pa ba jan? Tara kain tayo. Order lang ako ha" sabi niya sabay tayo.
May mali sa kinikilos niya. Nung nakaraang araw ok naman siya ah. Ano kayang nangyari dun? Tinignan ko yung phone ko baka kasi nagtext na s Biee pero wala siyang text. Binalik ko na lang sa bag ang cp ko at saktong dumating naman si Kesha dala ang mga pagkain.
"Tara kain tayo Drielle"
Nag umpisa na siyang ngumuya samantalang ako tahimik lang nanunuod sakanya.
"Bakit di ka kumain? Ayaw mo ba nang in-order ko?" tanong niya sakin.
"May gusto ka bang sabihin sakin Kesha?"
Huminto siya sa pagkain. Tinitigan lang niya ako bago magsalita.
"Wala naman Drielle. Nalulungkot lang ako kasi di ko man lang nagawang alamin pangalan niya..."
"Sino?"
"Yung taong gusto ko.. Drielle.... ano kasi..may tao kasi akong ilang buwan ko ding ini-stalk... ayon naging crush ko kasi siya pero sa loob ng mga araw na yun hanggang tingin lang ako. Ang saklap noh? Hanggang sa malayo lang ang kaya ko. Tapos nalaman ko na umalis na pala siya. Ni di ko alam kung saan.
Nalulungkot ako para sakanya. Di ko alam ang sasabihin ko. Di ko man kilala kung sino ang tinutukoy niya aaminin ko nasasaktan din ako para sakanya. Kahit ba crush lang yan, yung tipong hanggang tingin ka na lang masakit na pano pa kaya sa sitwasyon niya.
"Ano ka ba! Ayos lang yan Kesha. Malay mo baka sa isang araw o sa susunod magkita kayo diba?"
Nginitian lang niya ako. Di na siya nagsalita pa. Pagkatapos naming kumain pumasok na kami sa sumunod na klase namin.
Nakalimutan ko nang tanungin si Kesha kung anong maganda sanang iregalo. Naku! Bahala na nga lang mamaya. Naglelecture sa harap yung professor namin pero wala dun ang isip ko. Lutang na lutang ako ngayon.
Buti na lang at sa bandang likuran ako nakaupo kaya di ako napapansin ng instructor ko. Tinignan ko yung cellphone ko para tignan kung may message na ba siya sakin pero nakakainis lang kasi hanggang ngayon wala pa rin siyang text.
Kanina pa ako naghihintay ng text niya, para batiin ako pero di man lang ata niya naalala ang araw ngayon. Imposibleng nakalimutan kaya niya?
"Drielle una na ako ha. Ano kase... ah may aasikasuhin pa kasi ako eh. Sige bye"
Di ko na nagawang magsalita. Nakapagtataka pero hinayaan ko na lang. Dumiretso ako sa locker room para mag ayos ng gamit ko nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.
*Biee calling.....
"Hello biee..."
"Biee asan ka? "
"Dito locker room. Bakit?"
"Kita tayo biee sa likod ng school mayang 6 okay? Sige bye biee"
*call ended
Binabaan agad ako? Di man lang ako pinatapos magsalita. Ni di man lang niya ako binati? :( Nakakainis! Ano kayang pinagkakaabalahan niya?
Matapos kong mag ayos ng mga gamit ko tinignan ko yung orasan ko 5:30 na. Siguro pupunta na ako dun mas maganda naman siguro na maaga ako makapunta. Nagbihis ako at naglakad na papunta sa likod ng school. Ewan ko pero kinakabahan ako. Wala naman sigurong masamang mangyayari.
Palapit na ako sa malaking puno ng makarinig ako ng nagigitara. Lumapit pa ako lalo. Pero di ko ineexpect ang nakita ko. Imposible!
Si Kent hinaharana si Kesha habang hawak niya ang isang bouquet ng rosas! Teka! Di ko maintindihan, anong ibig sabihin ng nakikita ko.
Di ko namalayan na nakalabas na ako sa likod ng puno. Huminto si Kent sa pagtugtog ng makita ako.
"Biee... ang aga mo naman"
Sa halip na sagutin ko siya tinignan ko lang siya ng may halong pagtataka.
"Biee....wait mali ka ng iniisip.."
Di ko na pinatapos magsalita si Kent. Tumakbo na ako palayo sa kanila. Palayo sa lugar na yun. Di ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang makalayo sa kanilang dalawa. Shit! Ang sakit!
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...