Sabado. Maaga akong umalis ng bahay. Kasalukuyan akong nasa mall ngayon at namimili ng mga pagkain para sa lunch namin kasama si Kent. Ipapakilala ko na siya kina mama at papa. I think they deserve to know each other.
Napag-usapan namin ni Kesha na magkikita ngayon dahil humingi ako ng pabor sakanya na samahan akong mamili ng mga lulutuin namin mamaya.
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Kesha.
Ako
Wer na u?Habang naghihintay sa reply niya ay naupo muna ako sa isa sa mga bench sa mall.
Kesha,
5minutes jan na me :)Nireply ko siya.
Ako
Okay. T.C. :)Binabasa ko ang mga nilista ni Mama na kailangang bilhin. Infairness di halata na madami siyang gustong lutuin. Nakadalawang papel lang naman siya ng pinagsulatan.
Maya-maya lang nakita ko na si Kesha naglalakad papasok ng mall. Kinawayan ko siya para tawagin at nakita naman agad niya ako.
"Drielle, pasensiya na na-late ako. Traffic kasi eh" sabi niya sakin sabay beso sa pisngi ko.
"Okay lang yun ano ka ba. Di ba kita naabala? "
"Hindi. Okay lang Drielle! Ano ka ba! Tara mamimili na tayo"
Una naming pinuntahan ay sa vegetable section. Gagawa daw kasi si Mama ng vegetable salad. Hinakot naming dalawa lahat ng nakasulat sa listahan.
Sumunod na pinuntahan namin ay sa meat section. At huli namang pinuntahan namin ay sa milk section.
Pagkatapos namin makuha lahat ng nasa listahan ay dumiretso na kami sa counter. Di pa ganoon kadami ang namimili sa oras na yun kaya di pahirapan ang pagpila at pagbayad.
Matapos magbayad ay niyaya ko si Kesha na magmerienda muna kaya pumasok kami sa pizza parlor. Um-order kami ng hawiian flavor.
"Thank you sa pagsama sakin ha. Pasensiya na nakaabala pa ako sayo"
"Ito naman! Ano ka ba. Di ah! Okay lang may libre naman akong pizza eh. Ayos na ayos lang."
" Haha. Kain ka na nga lang jan!"
Magana naming naubos ang isang kahon ng pizza. Hindi din halata na gutom kami.
Nagpaalam na sakin si Kesha at may dadaanan pa daw siya kaya nagpaalam na din ako para makauwi ng maaga at matulungan ko pa si Mama sa paghahanda.
Pagdating ko sa bahay, ready na ready na si Mama sa kusina at kanina pa daw niya ako hinihintay. Di rin halata na excited siya magluto eh. Gusto daw kasi niya maging perfect ang lulutuin niya.
[Kent'sPOV]
Kinakabahan ako! Ngayon ko na mami-meet ang parents ni Andrea. Ayoko magkaroon sila ng maling impresyon sakin. Pero anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Baka di nila ako matanggap? Naisip ko yung sinabi sakin ni Biee.
"Biee, punta ka sa bahay bukas ng tanghali. Papakilala na kita kina Mama at Papa "
"Ha! Sigurado ka ba jan biee? Ah.. eh"
"Ano ka ba naman biee. Oo naman sigurado ako! Bakit ayaw mo ba?"
"Gusto ko syempre. Pero kasi baka di nila ako magustuhan?"'
Tinapik niya ang balikat ko "ano ka ba naman wag mo ngang isipin yan. Wag ka mag alala magugustuhan ka nila :)"
Kahit sinabi na niya sakin na magugustuhan nila ako hindi pa rin mawala ang kaba ko. At mas lalo lang itong nadaragdagan sa twing maiisip kp iyon. Haiy! Bahala na nga lang mamaya!
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romansa"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...