"Sino siya?"
Halos sabay silang nagsalitang dalawa. Di ko tuloy alam kung paano ko sila ipapakilala sa isa't isa lalo na kung ganyan silang dalawa kung magtitigan. Bwesit naman bakit ba ako nakakaramdam ng nerbiyos! Baka naman nag ooverthinking lang ako. Ah tama! Baka assuming lang ako. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"A-ah Kent siya pala si Aki. Fine arts student siya. Hmn. Akihiro siya naman si Kent kaibigan ko" pagpapakilala ko sakanila.
"Nice to meet you dude!" sabi ni Akihiro sabay lahad ng kamay at nakangiti.
"Kent Santos, tsaka pwede ba wag mo ko tawaging dude di kita dude!"
Siniko ko si Kent dahil sa inasta niya. Loko talaga to! Akala niya di ko mapapansin yung way ng pananalita niya! Bigwasan ko kaya ang leeg nito! Ang ganda pa naman ng pakikitungo nitong si Aki sa kanya tapos ganyan siya makipag usap! Sarap batukan sa ulo eh!
"Pagpasensiyahan mo na 'tong kaibigan ko Aki ha. Sinusumpong na naman ng pagka bipolar niya"
Tinignan ko ng masama si Kent pero nagkibit balikat lang siya. Naku! Bwesit na lalaking ito!
"Tara na sungit ihahatid na kita!" sabay hawak ni Kent sa kanang kamay ko.
"No, she will not come to you. Ako ang maghahatid sakanya." hinawakan naman ni Aki ang kaliwang kamay ko. "Let me take you home"
Magkabilang hawak nila ang kamay ko at hinihintay ang sagot ko. Di ako makapag isip kung anong isasagot ko ng maalala ko si Kesha. Leche! Nakalimutan ko kasama ko pala siya.
Awtomatiko kung hinila ang kamay ko sa pagkakahawak nila. Lumingon ako sa gilid ko, sa likod pero wala ni anino ni Kesha. Saan napunta kaya yun? Nag beep ang phone ko at nabasa ako ang text message galing kay Kesha.
"Nauna na akong umalis, sorry di na ako nakapagpaalam sayo. Anyway ikaw na si Rapunzel ;-) Ang haba ng hair mo"
Di ko alam kung maiinis ba ako sakanya o hindi. Kung kailan kailangan tsaka naman siya umalis. What should I do now? Tsk!
Pareho silang nakatingin sakin hinihintay ang sagot ko. Mataman ko silang tinitigan bago magsalita."Okay fine! Tutal pareho naman kayong nag-alok na ihahatid ako sa bahay, pareho na lang niyo ko ihatid para fair. Okay ?! I badly want to go home now!"
Gustong gusto ko na talagang umuwi dahil sa naiinis na ako at gusto ko ng magpahinga. Naglakad na ako palayo at kapwa naman silanh sumunod na dalawa.
Nasa kanan ko si Kent, at nasa kaliwa ko naman si Aki. Kapwa wala silang imik habang naglalakad kami. Binging bingi na ako sa katahimikan pero ayokong magsalita. Hinayaan kong magpakiramdaman silang dalawa.
Napapitlag ako ng magsalita si Akihiro.
"Gusto mo ba kumain muna tayo bago umuwi? Hmn. Ice cream instead?"
"Ice cream.. Si-----"
Naputol ang sasabihin ko ng sumabat si Kent.
"Hindi siya mahilig kumain ng ice cream."
Loko talaga ito! Sino naman ang nagsabi sakanya na hindi ako mahilig sa ice cream! Tinignan ko siya ng masama bago bumaling kay Aki.
"Sige tara ice cream tayo! Paborito ko ang ice cream!"
Bumaling ako kay Kent at nakita ko ang inis na inis niyang mukha. Buti nga sakanya! Wala ng nagawa si Kent ng pumasok kami sa ice cream house.
"What do you want? You want chocolate or vanilla?" tanong sakin ni Aki.
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...