Araw ng Sabado napagpasyahan kong lumabas ng bahay of course kailangan ko din naman magliwaliw kahit papano. Habang naglalakad may nakita akong bookstore.
La Bookslia- grand opening.
May bagong bookstore pala dito bakit ngayon ko lang napansin ito. Sabagay matagal din pala akong di lumabas ng bahay. I mean hanggang sa garden lang kasi ako tumatambay. School-bahay. Bahay-school lang ang araw araw kong routine.
Napag isip isip kong pumasok sa loob ng bookstore at maghanap ng mga novel books. Mahilig akong magbasa ng mga nobela at kahit anong libro. Halos parang library na nga ang kwarto ko sa dami ng koleksyon ko ng mga paborito kong libro. Kung titignan mo sa labas di ganon kalawak itong bookstore na ito pero mali pala ako. Sobrang lawak pala nito. Nag-ikot ikot ako, patingin tingin ng magagandang pwedeng babasahin. May isang libro akong nagustuhan limited edition lang siya kaya nakuha niya ang atensyon ko. Dadamputin ko na sana ito ng biglang may nagsalita mula sa likod ko.
"We've meet again!"
Napalingon ako sa nagsalita at sa muling pagkakataon napatitig ako sa mga mala chinitong matang nasa harapan ko ngayon. Kilalang kilala ko kung kaninong mga mata yun.
"Ikaw na naman! Of all people." naiinis kong sabi.
Leche naman! Hanggang dito pa ba naman ang malas pa rin. Inirapan ko lang siya at kinuha ko na ang librong nagustuhan ko. Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko. Napapitlag ako sa ginawa niya. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa pagkakahawak niya.
"Wait! Bakit mo ba ko iniiwasan ha?"
Napatingin ako sakanya at sa kamay niya na nakahawak sa braso ko. Inalis naman niya ang pagkakahawak sakin. Nakahinga ako ng maluwag ng bitiwan niya ako.
"Isn't it obvious to you. Kapag lumalapit ka lagi na lang akong nahuhulugan ng libro!!! Not once but twice! Remember? Malay ko ba kung mahulugan na naman ako. Nandito pa man din tayo sa bookstore!" pagtataray ko habang naglalakad palayo sa book stand.
"Di ko naman sinasadya mga yun eh" paliwanag niya habang patuloy ang pagsunod sakin sa paglalakad. "Look its all accident. I'm sorry okay?" malungkot na sabi niya. "Wag mo naman ako kainisan please."
Napahinto ako sa paglalakad at nakipagtitigan sakanya.
"And why would I do that?"
"H..mn. Kasi ....Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo. "
Kahit ako ay nabigla sa sinabi niya. Siya.. makikipagkaibigan sakin? For what??
"Ewan ko sayo! Umalis ka na nga wag mo ko susundan!"
Naglakad na ako papuntang counter at nagbayad na ng mga binili ko. Iniisip ko ano naman ang mapapala niya sa pakikipagkaibigan niya sakin? Tsk! Sakit lang sa ulo eh! Pagkakuha ko ng resibo ay dumiretso na ako palabas ng store.
"Andrea... hoy! sorry naman na sungit!"
"Leche! Bakit ka ba nanggugulat jan ha!" hawak hawak ko ang dibdib ko literally dahil nabigla ako sa pagsulpot niya.
"S-sorry naman. Sige na kasi friends na tayo pleaseeeee....." sabi niya with matching puppy eyes.
Akala ko ay nakaalis na ang mokong na ito. Hindi pa pala at bigla bigla na lang sumusulpot sa kung saan saan. Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Lumingon ako sakanya and there is the puppy eyes look. He looks cute tuloy. WAIT! Sinabi ko ba yun. NO!
"Wait ano yung sabi mo? Ako masungit? Tsk! Masungit pala ako eh bakit nakikipagkaibigan ka pa ha. Ang dami namang iba jan. Anak ng tokwa naman will get out of my way! " pagtataboy ko sakanya. Alam ko naman na masungit ako pero kailangan ba na tawagin pa ako ng ganoon!
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...