Halos isang linggo na pala ang lumipas simula nang natapos ko yung activity namin. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na napiling best music video yung sakin. Kaya ayun exempted ako sa exam! Wahahaha. Ang saya diba! Si Kesha naman ang pumangalawa, dahil sa nagustuhan din ni Mrs. Elliy ang ginawa niya kaya ayon na-exempted din siya.
Kung ako ang tatanungin lahat naman ng ginawa namin ay magaganda. Yun nga lang meron at meron lang talagang mangingibabaw. Kailangan kong pasalamatan si Kent dahil dito. It won't hurt kung ililibre ko siya ng merienda.
Breaktime na namin. Tumingin ako sa orasan ko, alas diyes palang pala ang haba pa ng bakanteng oras para sa susunod na klase. Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko.
"Kesha! May gagawin ka ba ngayon? Nagugutom kasi ako, tara kain tayo!"pag-aaya ko sakanya.
"Pasensiya ka na Drielle gustuhin ko mang samahan ka pero kailangan ko na kasing umalis eh. May inuutos kasi si Mama sakin. Sige mauna na ako ha!"
"Ganoon ba. Sayang naman. Dibale sa susunod na lang kita aayain. Mag-iingat ka Kesha!" nagpaalam na ako sakanya at naglakad na siya paalis.
Naisipan kong puntahan si Kent sa building nila. Baka sakaling makita ko siya doon, aayain ko na lang siya para naman may kasama akong kumain tiyak di yun makakatanggi yun eh mukhang pagkain yun eh.
Nasa tapat na ako ng kwarto nila at hinihintay na magsilabasan sila. Madami na akong napadaan na mga estudyante ngunit wala akong Kent na nakita. Sumilip ako sa loob ng kwarto baka sakaling nandoon pa siya pero wala. Haiy! Asan na kaya yun?
Nanlulumo akong bumaba ng building. Mag isa na lang tuloy ako, umalis si Kesha tapos wala pa si Kent. Kung kailan naman gusto ko pa naman mag thank you sa kanya.
Naisipan kong dumiretso ng canteen tutal yun naman talaga ang balak ko dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Nakalimutan ko kasing mag almusal kanina sa pagmamadali kong pumasok.
Ang daming masasarap na pagkain na nakahilera sa harapan ko. Pakiramdam ko naglalaway na ako sa sarap na nakikita ko. Mas lalong kumalam ang sikmura ko. Nakatingin lang sakin yung matabang tindera habang pumipili ako ng o-orderin ko.
"Ate, pa-order naman po ako ng cheese burger, tsaka japanese cake, tapos fries tsaka softdrinks po"
Nakangiti kong inabot kay ate ang bayad ko at nginitian din naman niya ako.
Almost five minutes din ako naghintay sa order ko.
"Here is your cheeseburger, japanese cake, fries and drinks Ma'am!" sabi ng server habang inaabot sakin ang order ko
"Thank you!"nakangiti kong sabi.
Napili kong maupo sa may bandang sulok ng canteen malapit sa may bintana. Makikita mula dito ang Engineering Department Building. Haiy! Naalala ko na naman tuloy si Kent. Bakit ba lagi ko na lang siyang naiisip matapos yung eye to eye contact namin, yung mga ngiti niya sakin na nakakatunaw, lalo na yung pagnanakaw niya ng halik sakin!
Bumalik sa isipan ko ang nangyari. Leche! Bakit ba sumagi na naman sa isip ko yun! Pakiramdam ko uminit na naman ang pisngi ko sa naalala ko. Ano bang nangyayari sakin? Pakiramdam ko lagi na lang akong pinapamulahan ng mukha, buti nalang at wala siya dito kung hindi naku nakakahiya! Pinilig ko na lang ang ulo ko para mawala sa isip ko ang nangyari. Nagfocus na lang ako sa pagkain ko.
"Click!" "Click!" "Click!"
Napalingon ako ng may narinig akong shutter sound ng camera. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakatayo malapit sa harapan ko hawak hawak ang camera niya at nakatutok sakin.
"What the ----! Hey! What are you doing!" naiinis kong sita sa lalaki.
Ibinaba nung lalaki ang hawak niyang DSLR camera at bumungad sakin ang nakangiting mukha niya. Ibinababa ko ang hawak kong pagkain at binigyan ko siya ng "what's with that smile look ko" habang nakataas ang isang kilay ko sa kanya.
"Who are you! And why are you stealing shots of me huh?" pagtataray ko sa lalaki.
"Sorry Miss. I didn't mean to interupt you or what. I'm just looking for a good view for my project..."
Di ko alam kung anong koneksyon nun sa pagkuha niya ng litrato sakin.
"And so? How is it connected to me?" pagtataray ko.
"... as I have said I'm looking for a good view and it happens to be you. I mean, you're a great shot. By the way I'm Akihiro Tadashi but they prefer to call me Aki." sabay lahad ng kamay niya habang nakangiti sakin.
Pinagmasdan ko ang nakalahad niyang kamay tapos tumingin ako sa kabuuan niya. Maputi siya, singkit ang mata, matangkad at matangos ang ilong. Di maikakaila na may lahi siya.
"Ahm! You don't have to look at me like that I know I'm stunning Miss..." nakangiti niyang sabi sakin.
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Mahangin din pala ang isang ito! Naku! Sarap batukan eh!
"You look w-what- - - FYI! I don't care who you are. And I'm not asking for your name! And by the way you're not stunning either. Will you erase those stolen shots of mine." naiiritang sabi ko sakanya.
Pero imbes na sundin niya ang sinabi ko ay naupo siya sa harapan ko at nakangising tinitignan ang camera niya. I have this feeling na pictures ko ang tinitignan niya. Pinilit kong abutin ang camera niya pero inilalayo niya ito. Nananadya talaga itong lalaking ito! Naku!
"Leche! Di mo ba narinig ang sinabi ko? Sabi ko burahin mo yan!"
"Let me think about it. Hmn. I will do that unless you accepted my hand and tell me your name and have a date with me"
Ano daw! Tama ba ang dinig ko? Date! Takas ba siya ng mental o baka naman malaki na ang sayad nito. Nakakaloka to ha. Siya na nga kumuha ng stolen shots sakin tapos siya pa may ganang humingi ng condition! Wow ha! Lakas ng powertrip nito!
"Fine!" inabot ko ang nakalahad niyang kamay. "I'm Andrea Drielle Ramos. Contented already? Now erase my pictures!"
" Oooops! No- no. Not yet."
"What! I've already told you my name and accepted your hand right!"
"Ah ah! But you haven't agreed yet to have a date with me!" nakangisi niyang sabi sakin.
Aatakihin ako sa puso dahil sa lalaking ito! Naku! May sayad talaga ito. Ako? Ako makikipagdate sa kanya! Over my dead fingertoe nails!
"Are you serious! This is ridiculous! Date! I didn't even know you so why would I go out with you!" sigaw ko sakanya.
Narealize ko na di lang pala kaming dalawa ang nandito ngayon halos nakatingin na pala samin yung ibang tao. Huminga ako ng malalim para mawala kahit kunti ang inis ko tsaka ako humarap sa kanya.
"Relax. Hahaha. You know what you look cute when you're mad!" piningot niya ang ilong ko. "You have no choice but to have date with me or else I'll not delete these" sabay pakita ng mga stolen shots ko.
Kung makatawa naman ito akala mo kung sinong gwapo! Leche! Sarap niyang bigwasan eh!
"Fine I'll go out with you! But that would mean nothing. Just promise me you'll never break your word!"
"I have my word Andrea Drielle." sabay taas pa ng kanang kamay niya.
Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na paalis pero bago pa ako tuluyang makalabas ay narinig ko pang nagsalita siya.
"See you tomorrow. Don't forget our date!" sabi niya habang kumakaway at nakangiti.
Di ko na pinansin ang sinabi niya. Tuluyan na akong lumabas ng canteen. Juicecolored! Ano ba itong napasukan ko! Leche! Makikipagdate ako sa di ko kakilala just because of stolen shots! That jerk!
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...