Maagang natapos ang klase ko ngayong araw. Ang ilan sa mga professors namin ay kinuha lang ang mga classcards namin at nagsabi ng mga rules and regulations during their class hours.
Naglalakad na ako palabas ng gate ng may tumawag sakin. Lumingon ako at nakita si Kesha tumatakbo palapit sakin.
"Hah! Grabe ka naman Drielle. Ang bilis mong maglakad. Nagmamadali ka ba?" hinihingal na sabi niya.
"Hindi naman ako mabilis maglakad at lalong di din naman ako nagmamadali. Eh bakit ka ba tumatakbo?" tanong ko sakanya.
"Hinahabol ka natural! Yayain sana kitang magmerienda muna bago umuwi kung okay lang sayo?"
Tumingin ako sa relo ko. Alas-kwatro palang naman, maaga pa para umuwi.
"Sige. Saan ba tayo kakain?" tanong ko.
Di na niya ako sinagot basta't hinigit na lang niya ang kamay ko at naglakad na kami. Nang makalabas kami ng gate akala ko ay sasakay kami pero lumiko kami ng lakad sa may kanan.
Hindi ko alam ang pasikot sikot sa lugar na ito dahil di naman ako nagagawi sa parteng ito. Magtatanong na sana ako kung saan ba kami papunta pero bigla na lang kaming huminto sa tapat ng isang karinderya.
"Jaraaaaan! Nandito na tayo! Tara pasok na tayo. Nagugutom na ako eh." pagkasabi niya'y pumasok na kami.
Naupo na kami at um-order na ng makakain. Pinili kong kumain ng burger with ham and cheese. Samantalang toasted siopao at fries naman ang kay Kesha. Di pa kami nakuntento at um-order pa kami ulit.
"Ang bigat na ng tiyan ko. Busog na busog ako! Uuuurp!" napahawak sa bibig si Kesha dahil sa malakas na pagdighay niya. "Haha excuse me!"
Napangiti ako sa tinuran niya. Di lang madaldal si Kesha kwela pa. Ang saya lang niya kasama, its so comfortable being around her.
Alas-singko na ng mapagpasyahan naming umuwi na. Nagkanya-kanya na kami ng daang tinahak.
Pumara na ako ng sasakyan at sumakay.
"Manong sa CamVille Subdivision po" sabi ko kay manong driver.
Ilang minuto lang ang biyahe hanggang sa bahay kaya nakarating agad ako. Inabot ko ang bayad kay manong driver at pumasok na ako sa loob.
Dumiretso na ako sa kwarto ko.Humilata agad ako sa kama, pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong maraming ginawa ngayon.
Bumangon ako sa kama at nagpalit na ng damit pang-bahay. Matapos ay bumaba na ako at lumabas na ng kwarto. Sinilip ko sa sala sina mama at papa pero wala sila. Nasan kaya sila??
"Maaaaaa, Paaaaaa!"
"Oh sweetie. Nanjan ka na pala. Kanina kpa ba dumating?" boses yun ni mama galing sa kusina.
Nagpunta ako sa kusina at nadatnan na kumakain si Papa. Mukhang katatapos lang nitong mag ayos ng mga gamit sa basement.
"Hi Pa" sabay dampi ng halik sa pisngi nila.
"Anong oras ka nakauwi anak? Di ko man namalayan na nandito ka na." patuloy na sabi ni mama habang kumukuha ng isa pang pinggan.
"Halos kadarating ko lang po. Dumiretso na agad kasi ako kwarto kanina." umupo na ako sa tapat ni Mama habang sa may kabisera naman nakaupo si Papa.
"So how's your day baby? How's school?" tanong sakin ni Papa.
Nilagyan ko muna ng pagkain ang pinggan ko bago ako nagsalita.
"School is okay Pa. I mean, maganda ang first day ko so far." sumubo na ako paunti-unti ng pagkain dahil sa medyo busog pa ako kaya hinay hinay lang ang pagkain ko.
"Well then that's good to hear. May kakilala ka na ba? Maybe a friend?" tanong naman sakin ni Mama.
"Actually Ma, meron na. Her name is Kesha. Mabait siya, kwela and so madaldal." paglalarawan ko sakanya.
"Its good to know you have a friend already anak. And better to know hindi mo siya tinarayan." nakangiting sabi naman ni papa.
Tsk! Do I look like that always? Pati ba naman parents ko? Mukha ba talaga akong masungit? Hmn.
"Pa... of course bakit ko naman siya tatarayan." I make face habang nakatingin kay papa. "She's kind and I'm comfortable with her."
"I'm glad to hear that. Oh siya! Tapusin mo na muna yang kinakain mo at nang makapagpahinga ka na. I know you're tired"
Di ko na sinagot si Papa at tinuloy ko na lang ang pagkain ko. Well, totoo nga pakiramdam ko hapong-hapo ako though wala naman ako masyado ginawa. Binilisan ko na ang pagkain ko. Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako kina Mama at Papa na magpapahinga na ako. I kissed them first before I go upstairs.
Bago ako mahiga sa kama I did first my night rituals then I change my clothes into my favorite spongebob designed pink pajamas. Finally, I'm in my bed! Haaa! Pagkalapat na pagkalapat ng likod ko sa kama nakaramdam agad ako ng ginhawa. Its been a great day indeed. Meron na akong kaibigan kaya kahit papaano di na ako mag-iisa.
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...