Inagahan kong pumasok ngayon dahil kailangan kong maglibrary at marami akong kailangang iresearch. Wala na akong pahinga this nitong mga nakalipas na araw. Ang laki na din ng eyebags ko. Bihira na din ako makanood ng mga koreanovela. Waaaaaaaaa!!!! Saklap naman! T_____T
Di ko naman inakala na ganito pala kahirap at kastress ang buhay kolehiyo. Di na ako nakakatulog ng maayos sa dami ng kailangang tapusin at gawin not to mention first year pa lang ako.
"Nasan na kase yung library card ko di ko mahanap!" naiinis na sabi ko sa sarili ko.
Naiinis na ako kakakalkal pero di ko pa din mahanap yung card ko! Lintek naman!
"Excuse me! Excuse me!"
Naririnig ko na may sumisigaw pero di ko naman makita kung sino dahil hinahanap ko parin ang card ko. Maya-maya'y nakapa ko na ito. Sa wakas! Abala ako sa pagsasara ng bag ko ng may nagsalita na naman.
"Excuse me! Excuse me!"
Napalingon ako pero huli na para umiwas.
" Blag! Blag! Blag! Bleak!!
At ang sumunod na nangyari, maraming nagsilabasan na bituin sa ere. Itinaas ko ang kamay ko at inisa-isa kong binilang ang mga bituin na nakikita ko.
"Ang daming stars,one, two, three ay four ay madami di ko mabilang"
"Miss okay ka lang ba??"
May lalaking lumapit sakin. Ang gwapo niya! Ang singkit ng mata niya, ang puti pa niya tsaka yung mata niya...yung mata niya parang nang-aakit, nangungusap. Sinuri ko ang mukha niya.Teka! Parang kilala ko ito ah.
"Matteo Do? Ikaw ba yan?" pinisil pisil ko ang mukha niya. Ang lambot ng pisngi niya. "I-ikaw nga! Ikaw na ba yung star na nahulog sa lupa? P-pero bakit ..... " hindi ko natapos ang sasabihin ko. Bigla na lang nagdilim ang buong paligid ko.
-*CLINIC*-
Iniikot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Puting kurtina, kulay berdeng pader at maaliwalas ang palagid. Teka! Di namin bahay to ah! Napabangon ako pero bigla din napahiga ng naramdaman kong kumirot ang sentido ko. Nasan ako?
"Urggghhh!! What the fu**! Ang sakit ng ulo ko!
Tsaka ko lang nalaman na nasa clinic pala ako ng pumasok yung school nurse namin. Naalala ko na kung ano nangyari sakin, hinahanap ko yung library card ko sa bag tapos nung isasara ko na bigla na lang may librong nahulog sa ulo tapos nagblack out na paningin ko. Pilit kong inaalala kung anong sumunod na nangyari pero di ko na matandaan. Nagtataka ako kung paano ako napunta dito. Wala naman akong kasama dito, sino kaya nagdala sakin dito.
Lumapit sakin yung school nurse at tinanong kung kamusta na ang pakiramdam ko. Sinipat niya ang pulso ko at kung ano ano pang ginawa niya. Itatanong ko sana kung sino ang nagdala sakin dito pero may lalaking pumasok sa pintuan at lumapit sakin. Tuluyan ng umalis yung nurse at naiwan kaming dalawa.
"Thank God gising ka na. Kamusta na pala pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo? Yung ulo mo? Masakit pa ba? Tell me. You okay???" nag aalalang tanong ng kakapasok pa lang na lalaki.
Grabe ang dami naman niyang tanong. Tatay ko ba siya kung magtanong! Di ko alam kung maiirita ako o masisiyahan sa concern niya. Sa dami ng tanong niya parang bumabalik ang sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa noo ko at napatingin sakanya. Parang nakita ko na itong lalaking ito, tama hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko na siya pero di ko lang matandaan kung kelan at saan.
"Miss.....?"
"Nagkita na ba tayo? You look familiar to me" nalilitong tanong ko sakanya.
"Hmn.... Sa totoo lang, oo nagkita na tayo di nga lang sa magandang pagkakataon. Ako yung nakabunggo sayo last time, kung natatandaan mo pa dun sa may corridor. At nakakahiya mang sabihin ako din yung dahilan kung bakit nahulugan ka ng libro kanina."
I knew it! I really knew it! Kaya pala parang familiar siya sakin eh. Siya pala dahilan ng kamalasan ko. Gosh! Kung mamalasin nga naman oh! For the second time around it happened again. Lapitin ba ako ng mga libro at lagi na lang ako nahuhulugan. Aww! T______T
"I'm so sorry for what happen Andrea Drielle"
Napatingin ako sakanya nang may pagtataka. Paano naman niya nalaman ang pangalan ko. In the first place, wala akong natatandaan na nagpakilala ako sa kanya.
"You know my name?" tanong ko.
"N-nabasa ko lang sa library ID mo nahulog mo kasi kanina. "sabay abot sakin ng ID ko. "I'm Kent Santos" sabay lahad ng kamay niya.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi yung kamay niya. Pinagmasdan ko siya. Matangkad siya, maganda ang mga mata, may pagka-chinito, maputi siya, may biloy sa kaliwang pisngi plus ang labi niya. Ang ganda ng labi niya parang ang lambot lambot. Total package siya kung tutuusin. Abala ako sa pagsusuri sakanya ng magsalita siya.
"Ahem! Marumi ba kamay ko?" narinig kong sabi niya.
Damn! Nahalata ba niyang sinusuri ko siya. I was busy observing him that I totally forgot his laid hand. Nasa harapan ko pa rin ang kamay niya at naghihintay na abutin ko. Pero imbes na ganoon ang gawin ko ay inirapan ko na lang siya. Nakita ko sa pheripheral vision ko na dahan dahan niyang ibinaba ang kamay niya.
"By the way, salamat sa paghatid sakin dito. Sana sa susunod na magkasalubong tayo di na ako mabagsakan ng mga libro" pagtataray ko.
Nakita kong parang natahimik siya sa nasabi ko. Did I hit a nerve? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.
"Sungit! Kung tumitingin ka lang sana sa daanan edi di ka sana nababagsakan ng kung ano-ano!" pabulong na sabi niya.
"Bumubulong ka ba? May sinasabi ka ba?" mataray kong tanong.
" Ah! W-wala kako wag kang mag-alala sa susunod di na mangyayari yun." nakangiti niyang sabi sakin. "Ihahatid na lang kita sa inyo tutal responsibilidad naman kita" sabi niya.
"Nope. Nevermind. I can go home with my own." Tumayo na ako sa kama at kinuha ang gamit ko sa gilid. Palabas na ako ng pintuan ng magsalita ulit ako. "Salamat pero wag na lang baka kasi malasin na naman ako kapag hinatid mo pa ko" pagsusungit ko.
Di na ako nagpahatid sa lalaking yun kusa na akong lumabas ng clinic at di ko na hinintay na sumunod siya. Baka kung ano pang mangyari sakin pag kasama ko siya. Baka mapano pa ako eh. I know I sound rude. Pero malay ko ba kung anong pwedeng mangyari sa susunod. Once is enough, twice is two much! Tama lang na sinungitan ko siya, kulang pa nga yun kumpara sa mga kamalasan ko dahil sakanya. I just hope di ko na siya makita ulit.
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romansa"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...