Chapter 14: The Message

53 5 0
  • Dedicated kay Clarissa Custodio
                                    

This chapter is dedicated to my friend Ate Clarissa :-) Sana magustuhan mo.

[Akihiro'sPOV]

Matapos ang naging date namin ni Drielle di na siya maalis sa isip ko. Sa totoo lang, simula nung araw na nakunan ko siya ng stolen shots di na talaga siya maalis sa isip ko. Nakatatak na ang itsura niya sakin. Ang mukha niya, ang mga mata niya, pagkunot ng noo niya sa twing naiinis siya at ang tawa niya.

Naalala ko pa kung paano ko siya nakilala sa kanteen. Wala naman talaga akong balak na pumunta doon kung di lang kumalam ang sikmura ko. Bitbit bitbit ang kamera ko, naghanap ako ng mappwestuhan para malinisan ko ang lenses nito.

Inaayos ko ang kamera ko ng saktong tumama ito sa kinaroroonan niya. Nawili akong panoorin siya kung paano kumain hanggang sa di ko namalayan ang sarili ko na unti unting lumalapit sakanya.

Wala siyang kamalay malay na kinukuhan ko na siya ng litrato. Marahil sa sobrang abala niya sa pagkain at sa ingay dito ay di niya napapansin ang presensiya ko. Unang kuha palang sakanya ng litrato, I can't help but to admire her. Her beauty and simplicity makes me like her.

Papalapit ako ng papalapit sakanya at dire-diretso lang ako sa pagkuha sakanya ng litrato ng bigla na lang siyang lumingon sakin ng nakataas ang kilay. Kung ano ano ang pinagsasabi niya sakin. Halos mamula na siya sa inis lalo na ng makipagsagutan ako sakanya. Nasabi ko na bang di lang siya maganda? Cute pa lalo na kung nagtataray siya at halatang inis na inis!

Pinakita ko sakanya ang mga kuha kong litrato niya at halos hablutin na niya ang kamera ko para lang makuha at mabura ang mga yun  pero syempre di ako pumayag.

Kaya with no second thought nakipag deal ako sakanya. Sasabihin niya ang pangalan niya sakin at makikipagdate siya kapalit ng pagbura ko mga litrato niya. Wala siyang choice kaya pumayag na din siya.

Naging maayos ang kinalabasan ng date namin at madami rin kaming mga napagkwentuhan. Mas nakilala namin ang isa't isa at naging magkaibigan pa. Pagkatapos ng naging date namin, pinangako ko sa sarili ko na hindi yun ang magiging huli.

Katatapos lang ng huling klase ko, nagmamadali akong lumabas ng hallway para maabutan ko pa si Drielle. Sana! Sana! Sana! Nagpunta pa ako sa building nila baka sakaling nandoon pa siya pero wala ng tao doon kaya bumaba din agad ako.

Naglalakad na ako papunta sa gate ng mahagip siya ng paningin ko. Sinubukan ko siyang tawagin, nagbabakasaling lumingon siya (Please lumingon ka!..Please.... Please.... and Gotcha!) at lumingon nga siya.

Nagmamadali akong lumapit  sakanya ng mapansin kong di siya nag iisa. Pinakilala niya ako sa kaibigan niyang si Pent? Tent? Kent ata yun eh. Ah? Nevermind di ko matandaan pangalan niya, bahala na kung alin man don magkatunog naman.

Inalok ko siyang ihatid siya hanggang sa bahay nila pero bago pa man siya makasagot ay hinila nung kasama niyang lalaki ang kabilang kamay niya. Sinabi niya na siya ang maghahatid kay Drielle pauwi pero syempre di ako pumayag kaya inabot ko ang kabila niyang kamay at sinabing ako ang maghahatid sakanya. Pero pareho kaming napabitiw sakanya, pareho niya kaming sinabihan na ihatid siya pauwi para maging fair. Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang.

Sobrang tahimik namin kaya naisipan kong ayain si Drielle na kumain muna ng ice cream pero binabara naman ako ng kaibigan niya. Ilang ulit din niya akong binabara sa twing magsasalita ako. Noong una'y hinahayaan ko lang siya pero halata ko na may gusto siya kay Drielle kaya nagseselos siya. Natural alam ko yun dahil lalaki din ako.

Para maibsan ang katahimikang bumabalot samin ay naguusap kami ni Drielle pero bigla na lang may tumawag sakin at kailangang kailangan akong umuwi. Ayoko sanang umalis, lalo na at nahihiya ako kay Drielle dahil ako ang nag-alok na ihatid siya pauwi. I have no choice but to go, they needed me badly kaya kahit labag sa loob ko ay umalis na ako.

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon