Chapter 9: The Rehearsal

63 6 1
                                    

Tinatamad pa akong bumangon dahil sa gusto ko pang matulog pero nagpaalam na sakin si antok kaya napilitan na akong bumangon ng higaan.

Napadako ang tingin ko sa orasan sa gilid ko. Alas otso na pala ng umaga. Tumayo na ako at dumiretso ng banyo at ginawa ang dapat gawin. Wag kayong umasang idedetalye ng writer kung anong ginagawa ko sa banyo. Alam niyo naman na siguro yun diba?

Pagkalipas ng ilang minuto lumabas na ako ng banyo fresh and clean. Nagsuot lang ako ng maiksing short at maluwang na t-shirt at inipit ko ang buhok ko ng French bun.

               
Naramdaman kong kumakalam na ang sikmura ko kaya naisipan ko ng bumaba. Tahimik ang buong bahay nakakapagtaka naman. "Nasan na kaya si Mama at Papa?"
           

Dumiretso ako sa kusina at tinignan kung anong pwedeng makain. May nakita akong note na nakadikit sa may refrigerator. Kinuha at binasa ko ito.

             

"Sweetie di na kami nakapagpaalam ng papa mo dahil nagmamadali kami. At para kang mantikang natutulog kaya di ka na namin ginising. May pagkain diyan sa ref ikaw na bahala magreheat. Mag iingat ka diyan. Love Mama &Papa"

         

Tss. Mag isa na naman ako dito sa bahay. Ano gagawin ko? Maaga pa naman kaya naisipan kong manood na muna. Matagal na din akong nahintong manood ng mga paborito kong koreanovela. Nakasalampak ako sa sofa ng biglang nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko at binasa kung sino ang nagteks.

From: Kesha <3
GoodMorning :-)

Napangiti ako sa nabasa ko. Ang sweet talaga ng babaing ito. Oras oras di nakakalimutang magtext.

Sa sobrang tawa ko sa pinapanood ko di ko na namalayan ang oras malapit na palang mag ala una. Usapan namin na magkikita kami ngayon ni Kent sa isang fastfood para pag usapan yung gagawin naming music video. Napagpasyahan kong kumain na lang sa labas dahil tinatamad akong magluto. Nagpalit ako ng damit at nagsuot ako ng skinny jeans at baggy shirt.

             

"Nasan na kaya si Kent. 30 minutes na ako dito. Nakailang order na ako ng juice! Anak ng tofu bumabawi ba siya sakin? Pinaghihintay niya ako." naiinis kong sabi sa sarili ko.

       

Oo totoo nakailang order na nga ako pano ba naman ang init ng panahon madali akong uhawin. Tsaka lapit ng lapit yung waiter sakin tanong ng tanong nakakahiya naman kung uupo lang ako dito.

         

"Andrea! I'm sorry napaghintay kita". hinihingal na sabi ni Kent sakin.

Okay lang ba ito? Mukhang hinahabol siya ng kung ano at hinihingal siya.

               

 "Okay ka lang ba?"

                

"Ah oo naman okay lang ako." nakangiti niyang sabi sakin. "Oh ano tara na?"

        

Tignan mo 'tong mokong na ito. Kakarating lang niya tapos gusto aalis na agad. Kahit naman naiinis ako sakanya dahil pinaghintay niya ako, nakokonsensiya naman ako kung di ko man lang siya pagpapahingahin. Mukha pa naman siyang pagod. Tss. kaloka naman! Pinilit ko munang magpahinga muna siya kahit saglit lang pero ayaw naman niya, kaya ayon no choice umalis na nga kami. Susungitan ko pa sana kaso napag isip isip ko wag na lang pala.

        

Kahit araw ng sabado ay bukas pa din ang school. May mga empleyado at mga student assistant pa rin kasing pumapasok dito. Kaya dito na lang namin napagpasyahang gawin yung activity namin. May dalang gitara si Kent at ako naman video recorder.

Napili naming sa likod ng building na lang ang setting namin. Nakahanda na ang lahat pati ang kakantahin namin. Parehas naming napili na kantahin yung kanta ni TJ Monterde na Ikaw at Ako.  Marami kaming kantang pinagpipilian, sa sobrang dami naisipan naming magpalabunutan na lang at ito nga ang napili namin.
               

"Ready ka na ba ise-set ko na itong recorder" sabi ko sakanya habang inaayos ko yung camera.

Itinutok sa kanya ang camera. Nakangiti siyang nakaharap dito. Nakaramdam ako ng init sa ngiti niyang iyon kahit alam kong di naman siya direktang nakangiti sakin.

"Oo sungit. Okay na!"

                   

 "Okay ready!"

        

Tumabi na ako sa kanya matapos kong mai-set ang camera. Kinakabahan ako. Nakatingin na ako sa camera at si Kent naman nakatingin sakin. Sa akin? Wait! Bakit sakin? Nagsimula ng i-strum ni Kent ang gitara niya.

Hawakan mo ang kamay ko
nang napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
Di mo ba pansin
Na ikaw at ako oh
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo

                

Di pa din maalis ang tingin niya sakin. Pag tumitingin ako sa kanya ngumingiti siya. Juicecolored! Yung ngiti niya parang nakakapanghina ng tuhod. Pakiramdam ko namumulang parang kamatis na mukha ko.

Sa t'wing kasama kita
wala ng kulang pa
mahal na mahal kang talaga
Tayo ay iisa
Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo
Unos sa buhay natin di ko papansinin
takda ng tadhana ikaw ang aking bituin
Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo

                        

Natapos na namin ang buong kanta. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. May bulate ata sa tiyan ko. Parang may mga nag aaway sa loob ng tiyan ko. Bakit kasi ganoon siya makatingin sakin. Sh*** Muntik na akong di makapagfocus kanina! Takte! Buti na lang di nagtagal rehearsal namin kung hindi baka magmukha lang akong ewan. 

Ano ba kasing nakain niya at kung makatitig siya sakin para akong ice cream na kahit anong oras malulusaw? Hindi sa nag-aasume ako or what pero nagagandahan ba siya sakin kaya ganon na lang siya kung makatitig?

"Tss. At gustong gusto mo naman na tinitignan ka niya! Asus di lang talaga nahiya? Di ka din assuming noh? Tinitignan ka lang nagandahan na agad?"

"Hoy utak kong abnormal pwede bang tumigil ka na. Lagi ka na lang kontra sakin. Nagiging abnormal na din tuloy ako. Akalain mo kinakausap kita! Este kinakausap ko sarili ko.

"Sungit! Okay ka lang ba?" narinig kong sabi ni Kent na nagpabalik sa diwa ko.

Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang kahibangang naiisip ko.

"Sorry! O-o okay lang ako. He he he. Bakit?"

"Nakatulala ka kasi diyan eh. Tapos na natin yung kanta akalain mo di na natin kailangan ng maraming rehearsal"

Tumayo ako para ayusin at kunin na yung camera at i-save ang video.

"O-oo nga ee. Sa-salamat ha"  ano ba ito bakit nauutal ako.

"Walang anuman yun Sungit basta para sayo! Tara panuorin natin yung video"

"S-si-Sige!"

Naupo kami sa lilim ng puno. Halos magdikit na din ang mga balat naman. Sobrang lapit namin sa isa't isa, halos nalalanghap ko na ang pabango niya. Napatingin siya sakin at ayan na naman yung ngiti niya. Lord! Ano bang ginagawa niya sakin? Naghuhumerantado na naman ang puso ko, sobrang bilis ng tibok nito. Sana di niya naririnig ito. Please... nakakahiya! Lupa lamunin mo na ako di ko na kaya ito!

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon