Chapter18: School Fair

30 5 0
                                    


Start na ng school fair ngayon at infairness di ko ini-expect na magiging ganito kaganda ang kalalabasan ng pinaghirapan naming booth. Akala ko magiging imposible na matapos namin ito ng ganun- ganon lang. Halos lahat kami subsub sa paghahanda kaya di ko na din naharap pa na makita si Kent ng mga araw na yun. Alam ko din naman na abala din sila para sa event na ito panigurado.

Tahimik akong nag gugupit ng mga papel sa gilid ng bigla na lang sumagi sa isip ko si Aki. Naalala ko ang naging pagtatatpat niya ng nararamdaman niya sakin.

"Drielle I like you. I don't know how it happen, when and why. I know its too fast but all I know is I really like you"...

"Don't worry di kita minamadali Drielle. Sinabi ko lang sayo ang nararamdaman ko. I won't ask you anything just don't ask me to stop liking you. Because I won't do that."...

"Alam ko nabigla kita at di mo inaasahan yung sinabi ko sayo pero wag kang mag-alala sakin. Di ko naman ini-expect na mararamdaman mo din ang nararamdaman ko para sayo. I'm sorry but I'm not sorry for telling you what I feel for you. I really like you Drielle. I really do.".....

Napatapik na lang ako sa noo ko dahil sa mga naalala ko. Di ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin at sabihin sakaling magkita ulit kami. Iiwas ba ako? Kakausapin ko pa ba siya o hindi? Tsk! Bakit ba kasi ang hirap nito!

Iwinaglit ko na lang ang bumabagabag sa isip ko. Tinuon ko na lang ulit ang sarili ko sa ginagawa ko.

Madaming mga taga ibang schools ang nagpunta dito ngayon. Ito ang kagandahan sa event na ito, everyone is welcome. Hindi magiging kumpleto ang school fair na ito kung wala syempre ang mga rides. Isa ito sa mga attractive sceneries sa event na ito. Sa nakikita ko madami dami na din ang pumunta sa iba't ibang booth. Madami na din ang nakapila sa iba't-ibang rides na nadaan ko at naghihintay lamang na umandar ito.

"Drielle! May ginagawa ka pa?Tara punta tayo doon sa foodcourt! Kain tayo dali. Nagugutom na ako eh"

"Patapos naman na ako pero sige una ka na Kesha, busog pa ako kasi ako eh."

"Tss. Masyado ka namang masipag diyan.Sige basta sunod ka ha. Hintayin kita doon" nagpaalam na siya at naglakad na paalis.

Nangingiti na lang akong tumango sakanya. Madami dami din kasi ang kinain kong almusal kaya di pa ako ginugutom hanggang ngayon. Tinignan ko ang wristwatch ko, pasado alas onse na pala. Naisipan kong maglakad lakad na muna sa paligid nang nagvibrate ang phone ko.

From: Mysterious*
San ka ngaun? Pwede kba ma2ya?

Napangiti ako ng nabasa ko kung sino ang sender. Yung unknown number pala na pinangalanan kong mysterious.

Ako:
Hmn. Nand2 lng ako sa paligid-ligid. Ah bakit m pla ntanong?

Wala pang ilang minuto, nagreply na agad siya.

From: Mysterious*
Gus2 mo kong makila2 dba? :-) ;-)

Bumilis na lang bigla ang pintig ng puso ko sa nabasa ko. Okay, ang weird lang!

Ako:
Cno kba tlaga? Bk8 dmo sbhin skn name m?

From: Mysterious*
Don't worry soon! magka2kila2 din tau ;')

Hindi na ako nag abala pang replayan siya. Ipinasok ko na sa loob ng bulsa ko ang cellphone ko. Damn it! Simpleng text lang yun pero bakit ganoon ang epekto sakin. Bakit pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala at magaan ang pakiramdam ko sakanya. Tsk! Ang sakit lang sa ulo ang mag-isip. Tsk! Makikilala ko din siya makikita niya! Kung powertrip lang niya ito humanda siya sakin!

Naglalakad na ako papunta sa foodcourt para sundan si Kesha baka kasi magtampo yun pag di ako sumunod. Habang naglalakad nakita ko si Aki, may hawak siyang kamera at kinikunan niya ng coverage ang event. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya o hindi. Kung sakaling lapitan ko siya, ano na lang ang sasabihin ko? Ang hirap naman ng ganito!

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon