Chapter 30 [Last Chapter]

92 7 2
                                    


Thank you so much guys for spending your time sa pagbabasa ng story na ito. :) I'm soooo happy :-)

Thank you there_snoperfectname for the book cover :) I like dear! I dedicate this chapter to you. Hope you like it.

Enjoy reading!


~~~*~~~


Huling araw na ng pirmahan ng clearance. Ilang instructor na lang ang kailangan kong papirmahin.

Nandito ako ngayon sa canteen nagmemeryenda habang hinihintay si Kesha.

1message received

Kesha,
      Asan ka?

Nireply ko siya.

Ako
Dto aq sa canteen. Ikaw?

Kesha
Pnta k jan. :)

Maya maya lang ay dumating na si Kesha. Um-order na muna siya ng pagkain bago maupo sa tabi ko.

"Oh ano na? Natapos ka na ba sa clearance mo?"

"Ito may ilan pa akong papapirmahan ikaw Kesha?"

"Pareho lang tayo. May ilan pa din akong papipirmahan. Bilisan mo na kayang kumain Drielle nang matapos na tayo at makagala pa tayo"

"Ang lakwatsera mo talaga. Haha. Oo na, oo na ito na nagmamadali na."

Matapos naming kumain ay inasikaso na namin ang pagpapapirma ng clearance namin. Inayos na namin lahat ng mga requirements na kailangan namin para matapos.

Magtatanghalian na ng mapapirmahan namin lahat ng kailangang papirmahin. Napagpasyahan namin na magpunta muna sa mall at magliwaliw kahit papaano.

Nagpunta kami sa quantum zone at inaliw namin ang sarili namin sa paglalaro. Kumanta rin kami sa videoke. Sinulit naming dalawa ang araw na ito dahil matatagalan na naman bago kami magkita. 

At syempre hindi mawawala ang selfie namin. Kailangang i-save ang pangyayari. Ika nga nila "don't count the moment, instead make the moment counts" 

  **************
 Hapon na ng makauwi ako ng bahay. Nakapagtataka pero walang tao. Saan naman kaya nagpunta ang mga tao dito? Dumiretso ako sa kusina at nakakita ako ng note at isang malaking kahon.

Kinuha at binasa ko agad ang nakasulat dun.

Biee,
Naipaalam na kita kina Mama at Papa. See you later :) Susunduin kita diyan. Wear that dress its for you. I know you'll be wonderful this night. Iloveyou!

Pre-occupied ang isip ko ngayon pati ang puso ko pre-occupied sa kilig na nararamdaman ko. Di na ako nagpatumpik tumpik pa. Naligo na agad ako at nag ayos ng sarili. Sinigurado ko na magiging maganda ako.

Binuksan ko ang kahon na bigay niya at nakita ko ang isang pulang damit na may kasamang stiletto about 2 inches. Isinuot ko na ito at inayos ko na ang sarili ko.

Narinig kong tumunog ang doorbell. Sinigurado ko muna na maayos na ako at maganda bago bumaba.

Pinagbuksan ko na ng gate si Kent.

"Ready to go Biee?!"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa pero sh1t! Ang gwapo niya! Huwag na lang kaya kami umalis. Dito na lang kaya kami. Waaaah!! Ang yummy niya kasi eh!

"Ahh Oo naman . San pala tayo pupunta biee?"

"Basta biee, may pupuntahan tayo. Ako bahala sayo"

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon